MTPJ Chapter 34: SORRY

703 29 2
                                    

Eilyxa’s POV

“Tahimik ka ngayon ah.” Wika ni Frost pagkatapos niyang ubusin ang chunkie niya. May nakita akong kalat sa gilid ng labi niya kaya kumuha ako ng tissue at pinunasan pero sumimangot siya.

“Why? Pinunasan lang naman kita.” Nagtataka kong wika kaya lalo siyang sumimangot.

“You can lick it naman, hindi ‘yung tissue.” Nagtatampo niyang wika kaya natawa ako.

“Galawan mo, bulok na.” Natatawa kong asar sa kanya kaya nakisabay na ‘rin siya.

“Now my honey came back. Bumalik na ang kaingayan.” Natatawa niyang wika at binuksan ang isang chunkie. I both three of it and same with nutriBoost.

“Sobra ka bang nastress sa meeting kaya gutom na gutom ka ngayon?”

“Super. Kinukulit ko nila Brian na magbonding na kasama ka pero hindi ako pumayag. Kukulitin ka lang naman nila.” Kinurot ko ang pisnge niya dahil nanggigigil ako rito.

“You’re too possessive. Puwede mo naman silang suwayin ah.”

“I really will do that pero pinagplanuhan nilang itali ako sa sofa para hindi ko raw sila masapak.” Natawa ulit ako. He has crazy friends kaya hindi na ako nagtataka bakit baliw din itong isa.

“Oh, kawawa ang yelo ko. Pinagplanuhan nap ala ng mga kaibigan.” Pang-aasar ko sakanya sabay tapik sa balikat niya at umiling-iling.

“Tsk. Kaya huwag ka nang lumapit sakanila kung ayaw mong makakita ng mga lalaking basag ang mukha kinabukasan.” Seryoso niyang wika at tinaas ang kamao niyang dalawa.

“Ito ang makukuha nila sa akin.” Dagdag niya. Tinawanan ko lang.

“Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ko nang nakitang alas-otso na ng gabi. Baka mag-overnight na naman siya.

“Malapit ko na itong matapos, just wait.” Sagot niya habang nagtitipa ng mabilis.

“Hintayin kita.” Wika ko.

“Sure, ihahatid na kita mamaya sa bahay mo.” Tumango-tango ako at naglaro na lang sa phone niya. Namatay na kasi ang akin kaya pinahiram niya ako ng sa kanya. Buti naman at may naka-download na mga game.

“Let’s go.” Inangat ko ang tingin nang marinig ko siya sa tabi ko. His computer is already shut down and he’s also ready to go home. Tiningnan ko ang oras sa phone screen niya at malapit na palang mag alas-nuwebe ng gabi. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

“Halika na.” Yaya ko sa kanya at ibinigay ang phone niya. Kinuha niya naman ito at nilagay sa bulsa niya. Bago niya ako hilahin ay kinuha ko ang tuxedo niyang nakasambit lang sa balikat niya. Bakit pa ba ito nagsusuot ng tuxedo kung hindi lang naman palaging sinusuot at palaging nasa upuan niya odi kaya ay nasa balikat niya. Nginitian niya ako at hinila na papuntang kotse niya.

“Kailan ka babalik sa condo mo?” Tanong niya habang nagmamaneho.

“Pagkatapos ng ikalawang buwan napananatili ko sa inuhupaan ko. Baka biglang dumating sina papa sa condo at mapagkaalamang wala ako ron. Tiyak na sermon ang makukuha ko.” Natatawa kong sagot. Sina papa ang nagbabayad ng condo ko. Kahit may mambayad naman ako ay ayaw pa rin nila. Gusto nilang gastuhan ako kahit sa pambayad lang ng condo. Ano daw ang saysay ng pera nila kung ‘di ‘rin naman nila sa akin maibigay.

“Your father is that strict?” Tanong niya ulit.

“Yes, ayaw niyang palipat-lipat ako ng tinitirhan. Baka ‘raw may mangyari sa akin at wala sila sa tabi ko. Safe naman ako sa condo dahil pagmamay-ari iyon ng tiyahin ko.”

✔️Make The Playboy JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon