Eilyxa's POVKinaumagahan ay maaga akong pumunta sa kompanya. We will have our team builing starting today until Sunday.
Pagkababa ko sa taxi ay kita ko na ang mga ibang employee na ready na ready.
Nakasuot sila ng civilian clothes. 'Yung iba ay nakadress, 'yung iba naman ay simple lang kagaya ko.
I'm only wearing high waist black square pants and grey loose shirt. I tuck the front of my shirt into my pants. What do you call this? French tuck?
Tumabi ako sakanila at hinintay ang iba. Isang maliit na maleta ang dala ko. I brought the necessary things only like clothes that enough of three days and so on. Hindi naman ako magbabakasyon ng isang taon para dalhin lahat ng damit ko.
"Sakay na po kayo."
Sigaw ng guard kaya sumakay na kami sa bus na ni-provide ng kompanya.*
"Manong, hindi pa po ba tayo aalis? Kanina pa po natin hinihintay si Miss Amanda. Baka po hindi sasama."
Reklamo ni Shaina na nakaupo sa tabi ko. Tumabi siya saakin dahil makikipagchika daw."Kailangan po nating hintayin dahil wala siyang masasakyan papunta roon."
Bumugtong-hininga si Shaina at sumandal."Walang masasakyan, eh may sariling kotse 'yun. Halata naman na inimpake ang lahat ng damit, tsk."
Natawa ako sa sinabi ni Shaina. Kalahating-oras na kaming naghihintay na umalis kami. Sinabi ni Amanda sa meeting kahapon na 7am kami aalis dito sa kompanya pero hindi naman nakasulpot sa sinabing oras.
"Aalis na po tayo."
Sigaw ng isang guard na kasasakay lamang."Eh paano po si Miss Amanda?"
Tanong ng nasa unahan ko."Kay Sir Frost na po sasabay."
Biglang kumulo ang dugo ko sa sagot ng guard. Isasabay niya si Amanda samantalang ako hindi?Pinaandar ng driver ang bus kaya nag soundtrip ako.
"Huy, badtrip ka?"
Tanong saakin ni Shaina at tinanggal ang headphones ko.Hindi ko siya sinagot at ibinalik ang headphones sa tainga ko. Nawalan ako ng gana makipagchikahan sa kanya.
"Badtrip nga."
Rinig kong wika niya pero 'di ko na pinansin.Badtrip ako? Ha! Naiinis lang ako na hindi alam ang dahilan.
Umandar na ang bus kasabay nun ang paghinto ng isang kotse na hindi gaano kalayo saamin at lumabas si Frost na naka shades. Tsk.
"Nagsalamin pa ang demunyo, bagay sakanya, tsk."
Bulong ko sabay irap sakanya kahit hindi niya nakikita."Eily, gising."
Kinusot ko ang mga mata ko bago minulat."Oh?
"God Eily! Nakarating na tayo pero tulog ka parin!"
Tuluyan na akong nagising sa sinabi niya. We arrived to our first destination. Bakit kasi ako nakatulog, ayan tuloy, hindi ko alam saan kami."Baba na tayo."
Wika ni Shaina at hinila ako palabas ng bus."Oh my! Rock Climbing Gym!"
Mangha ko. We're now in climbing gym. Gusto ko talagang pumunta rito because I really love heights! It's my first time na pumunta ako sa isang climbing gym kaya hindi ako makapaghintay na pumasok.May kinausap muna si Shaina sa telepono kaya hinintay ko.
"Do you like it?"
Nagulat ako nang may bumulong saakin. He's standing at my back.
BINABASA MO ANG
✔️Make The Playboy Jealous
Novela JuvenilNiloko. Pinagpalit. Nasaktan. Dalawang taong nagkakilala para pagselosin ang dati nilang nobyo. Ngunit 'di inaasahang sila'y mahuhulog sa isa't isa nang may biglang pumasok sa eksena at sinira ang relasyon ng dalawa. Maibabalik pa ba ang SILA pagkat...