MTPJ Chapter 15: FIRST KISS

885 34 17
                                    


Eilyxa’s POV

Nandito kaming lahat sa isang minibar ng resort, already 9 in evening. Nagkaanyayaan ang iba na mag-inuman ngayong gabi kaya hindi na ako nakatanggi. I want to rest dahil napagod ako pero hindi nila ako pinayagan.

Hindi nila ako pinabalik sa kuwartong gagamitin namin ni Frost pagkatapos ng laro kanina dahil alam daw nilang hindi ako lalabas. We played volleyball earlier pero wala naman akong ambag. Nakatayo lang ako sa gilid at todo iwas sa bola. Sorry, I’m not fan of any sports.

“Eilyxa, hindi ka ba iinom?” Tanong saakin ni Chloe, ang head ng Finance department, na ngayon ay nakaupo sa couch kung saan kami nakaupo ni Shaina.

“Hindi ako umiinom.” Tanggi ko. Totoong hindi ako umiinom, pinagbabawalan ako ni papa noon kaya hindi na ako nagtangkang uminom pa.

“Killjoy oh. Minsan lang naman ‘to. Hindi ka ba curious anong lasa nito?” Sabi ni Shaina at tinaas ang isang basong may lamang alak.

“Sige na nga.” Kinuha ko ang nakalapag na baso sa harapan ko at tinitigan ko. Ngayon lang naman ito.

“So Eilyxa, kumusta na kayo ni Sir?” Tanong ni Anna, ang roommate ni Shaina.

“Okay lang kami, bakit?”

“Kanina kasi parang nag-aaway kayo. Pero ang cute niyong panuorin.” Sagot niya sabay lagok ng inumin.

“Kuwento ka naman tungkol kay Sir or sainyong dalawa.” Tumabi saakin si Claire.

“Anong ikukuwento ko?” Tanong ko at ininom ang hawak kong inumin. Napangiwi ako nang nalunok ko ‘to. Mapaet.

“Eily, saan kayo unang nagkita?” Tanong ng Anna na hindi makapaghintay ng sagot dahil niyugyog pa ako.

“Kalma lang. Una kaming nagkita sa tabi ng kompanya, doon sa sidewalk.” Sagot ko, sinabi ko na ang totoo dahil wala namang rason para magsinungaling.

“Tapos?” Sabay-sabay nilang tanong.

“At nagkabungguan kami. Yun lang.” Pagtatapos ko sa kuwento kaya sumimangot sila.

“Ano ba ‘yan! Bitin! Pagkatapos niyong magkabungguan, nagkiss kayo accidentally? O nagsorry siya at nagkatitigan kayo at biglang nag slowmo ang mundo? Ano na?” Uminom ako ulit ng alak sa sunod-sunod na tanong ni Shaina. Medyo lasing na ang babaeng ‘to.

“Walang halikan na nangyari okay! Walang slow motion din na nangyari. Binangga niya ako at iniwan. Walang mala-teleseryeng scene na nangyari.”

“Sayang naman! Akala ko may nangyaring kilig moments.” Umiling-iling ako at lumagok ulit ng alak. Pangatlong baso ko na ‘to.

“Hinay-hinay lang Eilyxa, baka anong gawin mo kay Sir pag sobrang lasing mo na.” Pigil saakin ni Anna at inagaw ang baso ko. Nakakailan na ako at medyo nahihilo na ‘rin. At wala akong balak na gawin kay Frost, iba naman ang iniisip nila.

“Eilyxa, hindi ako kuntento sa storya mo. Hindi ba kayo nagkiss ni Sir? Girlfriend ka niya kaya imposibleng hindi ka nahalikan.” Natawa ako sa sinabi ni Claire. Bakit gusto nila ng kiss?

“Hmmm. He kissed me on neck one time.” Iyon ang natatandaan kong hinalikan niya ako. That happened in his office nang biglang pumasok si Amanda habang nag-uusap kami.

“Kyaahh! As in? May hickeys ba?” Hinalikan lang sa leeg, may hickeys na agad? Simpleng halik lang iyon.

Nakita kong nakaupo si Amanda sa kabilang couch. I know naririnig niya ang pinagsasabi namin dahil ang lakas ng boses ng mga kasama ko. Halatang medyo lasing na.

✔️Make The Playboy JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon