MTPJ Chapter 17: VIDEO

799 32 12
                                    


Eilyxa’s POV

Nagising akong nasa kama. What happened before I slept? Sa sahig ako natulog pero paggising ko ay nandito na ako sa kama.

Before I slept, tumabi ako kay Frost na nakahiga sa couch, syempre hindi ako humiga sa sofa dahil hindi kami kasya. I slept on the floor. And we shared same blanket, buti na lang malaki ito kaya hindi kami nag-agawan ng kumot.

Ngumiti ako nang maisip ang isang dahilan kaya nagising akong nandito. Binuhat ako ni Frost habang tulog. Hindi ko maiwasang kiligin. Anong klaseng buhat ba ng ginawa niya, bridal carry?

Nilibot ko ang paningin para hanapin pero wala siya rito sa loob. Wala rin tao sa banyo. Inangat ko ang tingin sa orasan para tingnan ang oras, it’s 8:20 in the morning.  Tumayo na ako at naligo para maging presko. Pagkatapos kong maligo at inayos ko ang kama na hindi naman gaano kagusot.

“My phone.” Bulong ko nang maalala ulit ang nangyari kagabi. Hinanap ko ang cellphone ko at nakitang nakalapag sa side cabinet. Pinulot ata ‘to ni Frost. Umupo ako sa kama at ni-on ang phone ko. Buti na lang at hindi nabasag. Namatay lang ito pero hindi nasira.

Pagka-on ko ay bumungad saakin ang sunod-sunod na notifications from Facebook, Messenger, and messages. Why there are so many? Binuksan muna ang texts ni Shaina na nagpanganga sa akin. Paano niya nalaman?

“Ayieeeee, sana ol nakikiss si Sir.” 10:58pm
“Huy babae!  Sana ol!” 10:59pm
“Sinadya mo bang maglive para painggitin kami? Bruha ka, hahaha!” 12mn


Binuksan ko ang Facebook app ko para makita ang ang sinasabi ni Shaina na live at ang mga notification na kanina pa nagpa-pop out. Muntik nang mahulog ang phone ko nang may makita akong video sa timeline ko.

EILYXA CLAUDE WAS LIVE 9 HOURS AGO

Pinanood ko at muntik ko nang sampalin ang sarili ko. Why am I too careless? I had a live video last night when I was drunk.

Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ang mga comment ng mga tao. Many of them saying ‘Sanaol’. Some are calling me malandi and more. Agad kong dinelete ang video. I just ruined my image. Tiningnan ko ulit ang cellphone ng mag-ring ito.

SHAINA’S CALLING

“H-hello?”
“Bruha, nakita mo ang video mo sa youtube?”
“Video?”
“Search it. Kissing with my boss part 2. Sigurado akong ikaw ‘yun.”

Pinatay ko na ang tawag. Binuksan ko ang YouTube app ko at nagtipa pero naalala kong wala akong data kaya napamura ako. Agad kong binuksan ang WI-FI button para magconnect sa Free WiFi rito. And thankfully, nakabukas ito.

“God!” Para akong kinunan ng lakas sa nakita. It was the time after I fell my phone. I and Frost were on the video while kissing. The video reached almost 1K views and 2K comments. Kung sino man ang nagvideo nito’y malalagot saakin.

Lumabas ako para hanapin si Frost. I need to tell him to do something. Ayaw kong lubusang madumihan ang pangalan niya at pangalan ko. Paglabas ko ay pinagtitingnan ako ng mga taong nadadaan ko.

“Is that the girl?”
“Oo, dito pala nangyari ‘yung scandal.”
“Sayang, hindi ako nakasilip sa kuwarto nila.”
Rinig kong bulung-bulungan ng isang grupo ng mga babae.

“Miss, wala bang part 3? Nabitin kami eh.” Tanong sa akin ng isa sa kanila at sabay-sabay silang tumawa.

“Oo nga ate, bagay pa kayo ng boy.” Sabi naman ng isa. Hindi ko magawang sumagot dahil wala akong masabi.

“Stop gossiping her, the video is fake. How many times do I have to tell you all that it’s fabricated!” Napalingon ko kay Nash na sumigaw sa harapan ng isang grupo ng mga lalaki. Did he also watch the video?

✔️Make The Playboy JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon