Eilyxa’s POVNagising ako ng alas-sais ng umaga at hindi pa humuhupa ang ulan. Bumangon na ako at nag-ayos dahil may pasok kami sa kompanya.
“Wait, what am I doing?” Agad na tanong ko sa sarili ko nang makuha ang susuotin ko.
“God, Eily. Nag-resign ka diba?” Napatampal ako ng noo dahil sa katangahan ko. Nag-resign na ako tapos papasok parin? Binalik ko sa closet ang susutoin ko sana at kumuha ng pambahay.
I wore a thick jacket because it’s really cold. Naligo pa ako kanina. Umupo ako sa kama at binalot ang sarili ng kumot. Gusto kong mahiga kaso basa pa ang buhok ko.
Tumitig ako sa bintana. Medyo madilim pa sa labas. Base sa nabasa kong artikulo sa Facebook, may isang malakas na bagyo ang dumating kagabi. At posibleng bukas pa ito lalabas ng bansa o mamayang gabi.
Habang nakatitig sa bintana ay kinuha ko ang cellphone ko dahil nagri-ring ito.
“Magandang araw po Aleng Maritha.” Bati ko sa tumawag, ang landlady. Nagpalitan kami ng numero noong sa unang araw na nagkita kami para daw matawagan ko siya pag may problema.
“Anak! Sino ba iyang lalaking nakaupo sa labas ng bahay mo?”
“Ano po? Nakauwi naman po si Nash kagabi kaya hindi ko kilala yan.”
“Naku anak, tingnan mo. Kanina pa iyan at parang hindi na gumagalaw. Baka nawalan ng malay o buhay! Wag naman Ginoo!” Agad kong pinataya ang tawag at patakbong bumaba sa baba para tingnan kong sino ito.
“Frost!” Tawag ko sakanya ng makita siyang nakaupo sa labas, sa tabi ng pinto.
“Frost, gising!” Niyugyog ko siya pero hindi siya nagising. Nawalan ba siya –, hindi!
“Hindi magandang biro ito, Frost.” Nagsimula nang magpatakan ang luha ko. Bakit kasi nandito pa siya? Unti-unti siyang gumalaw kaya nabuhayan ang loob ko.
“Eily.” Mahina niyang tawag saakin at hinaplos ang kaliwang pisnge ko saka ako nginitian.
“Ba’t ka ba ngumingiti!? Tumayo ka na nga!” Inalalayan ko siyang tumayo at pinapasok sa loob.
“You need to change.” Nag-alalang utos ko sa kanya at inalalayang maglakad. Nagulat ako nang yakapin nalang niya ako kaya napatigil ako.
“I missed you so much.” Mahina niyang wika.
“Ano ba, Frost! Kailangan mong magpalit.” Suway ko sa kanya.
“Hindi mo ba ako namiss?” Tanong niya.
“Lasing ka kaya napag-isipan mong magpaulan?”
“Hindi ako naglasing dahil gusto kitang kausapin kagabi pero umuwi kana at nag iwan ng resignation letter. Sinundan ko kayo at dito ka hinatid ni Nash. Aalis na sana ako nun pero biglang umulan.”
“Kagabi ka pa sa labas!?” Sigaw ko. Tumango naman siya. Agad kong hinawakan ang noo niya at mainit ito.
“Gago ka ba! Basang-basa ka na at nilalagnat ka pa!” Nagsimula namang magpatakan ang mga luha ko. Kung may nangyari sa kanya noong hatinggabi, hindi ko na alam anong gagawin ko.
“You’re also wet and pretty.” Wika niya.
“Hindi ngayon oras ng biruan. Magpalit ka na nga.” Pagalit kong wika at tinulak ko siya ng mahina kaya natanggal ang kakayakap niya sa akin.
“Are you crying?” Gulat niyang tanong at pinunasan ang luha ko.
“Bakit kasi ayaw mong magpalit? Gusto mo bang ako pa ang magpalit sa’yo!” Sigaw ko. Nakita ko siyang ngumisi before he spread his arms.
BINABASA MO ANG
✔️Make The Playboy Jealous
Novela JuvenilNiloko. Pinagpalit. Nasaktan. Dalawang taong nagkakilala para pagselosin ang dati nilang nobyo. Ngunit 'di inaasahang sila'y mahuhulog sa isa't isa nang may biglang pumasok sa eksena at sinira ang relasyon ng dalawa. Maibabalik pa ba ang SILA pagkat...