Eilyxa’s POVHindi ako makahinga ng maayos dahil sa kaba. It’s already 10:43 am, 17 minutes before the conference. Kanina ay hindi naman ako ganito kakaba. The conference is about new projects of this company. Kailangang maipresenta ko ng mabuti.
My phone beeped. Nash wished me goodluck, so I replied thank you.
Napatayo ako nang bumukas ang pinto ng office at lumabas Frost. Yumuko ako para hindi ko naman matitigan ang guwapo niyang mukha.
“Let’s go.” Napaangat ako ng tingin nang magsalita siya sa harapan ko.
“Po?”
“There’s a conference with board. There’s only 8 minutes left before it starts.” Deretsong wika niya.
“Akala ko po ba –”
“We’re gonna late, let’s go.” Putol niya sa sasabihin ko at naglakad patungong elevator. Agad kong kinuha ang mga kakailanganin ko para sa presentation. Hindi ko inaasahang aattend siya sa conference. He has other more important meetings than this, pero mas pinili niya pa’ring pumunta.
Nakasunod lang ako kay Frost hanggang sa dumating kami sa conference room. Bubuksan ko sana ang pinto pero naunahan niya ako kaya wala akong choice kundi pumunta sa likuran niya. Pagkabukas niya ng pinto ay nagsitayuan at yumuko ang mga board member at iba pang mahahalagang ka-partner ng kompanyang ‘to. Pero may isang lalaking nakaagaw ng atensyon ko.
“Eilyxa!” Tawag niya saakin. Siya lang ang nakaupo sa lahat ng taong nasa loob. Kinawayan ko lang ito dahil nakakahiya naman kung sisigaw din ako.
“Sir, hindi po ba tayo uupo?” Tanong ko kay Frost na nakatayo parin habang hawak pa ang doorknob kaya hindi wala akong madaanan.
“Tsk.” Binitawan niya ito at naglakad papunta sa upuan niya. Sumunod ako at umupo ‘rin sa upuan sa tabi niya. Ito ang upuan ko rito.
“Hi!” Bati ni Kiel na nakaupo lang sa tabi ko. Siya ang lalaking sumigaw kanina. Bagong member ba siya ng board? O bagong ka-partner ng kompanya?
“Hello?” Patanong kong bati sakanya.
“Let’s start.” Malamig na wika ni Frost kaya tumayo ang isang babae sa harapan at inihanda ang laptop na gagamitin.
“Huy, okay na ba ang mga kamay mo? Tumigil na ba itong nguminig?” Nilapit niya saakin ng kunti ang upuan niya. Pinanliitan ko siya ng tingin. Bakit niya tinatanong?
“Hindi na?” Hindi siguradong sagot ko. I still nervous. Hindi kami close pero bakit feeling close ang lalaking ‘to?
“My hands are trembling, Kiel.” Wika niya at ginawang pambakla ang boses habang nakataas ang kamay niya. Agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata dahil ang ingay niya, napatingin pa nga sakanya ang isang katabi niya. Is he talking to himself? At bakit familiar ang sinabi niya?
“When we were in a Rock Climbing Gym, you said that to me.” Wika niya. Kaya pala familiar dahil ako ang nagsabi nun.
“Mygosh, your hands are trembling.” Ginawang pambakla ulit ang boses niya at susubukang hawakan ang kanang kamay kong nasa mesa pero nagsalita si Frost.
“Mr. Morgan, can you please shut your mouth? You’re so loud.” Inis na wika ni Frost kaya tumahimik muna si Kiel at nakinig sa nagsasalita sa harapan. Hindi ko napansing nag-umpisa na ang presentation dahil sa kakadaldal ng lalaking ‘to. Nakinig na ‘rin ako.
“Psst.” Rinig kong sitsit ni Kiel. Tumingin ako sakanya ng saglit bago binalik ang tingin sa harap. Dadaldal lang naman siya.
“You know who’s Morgan? Well, that’s only me.” Pabulong niyang wika at tumango ako. Ngayon ko lang naman nalaman ang apilyedo niya, ang pangalan lang niya kasi ang sinabi niya saakin noon. At halata namang siya ang tinutukoy ni Frost dahil siya lang ang maingay dito.
“You know what? Nauuhaw na ako, puwede bang inumin ko ‘yung tubig mo?” Tanong niya kaya nilingon ko siya. All of us has a water bottle sa tapat namin. Tiningnan ko ang sakanya ay ubos na.
“Sure.” Wika ko at kinuha ang akin na hindi pa nabubuksan. Ibibigay ko sana sakanya nang may lumipad na bottle patungo sakanya. Sinalo niya agad ito.
“Hindi ka ba makakuha ng sa’yo, Kiel?” Wika naman ni Frost na mahahalata ang inis sa tono niya.
“Peace.” Wika ni Kiel at binuksan ang bottle.
“Sorry po.” Paumanhin ko sa mga board member na nakatingin saamin dahil sa ginawa ni Frost.
“Get me a water, Miss Claude.” Utos ni Frost kaya agad akong tumayo at kumuha ng water bottle. Binigay ko ito sakanya at mabilis niya itong binuksan at ininom.
“Water.” Utos ulit ni Frost. Nakalimang bottle na siya ng tubig.
“Drink mine po.” Binigay ko sakanya ang akin at ininom niya ito. Napapagod na rin ako sa kakatayo para lang kumuha ng iinumin niya. Ano bang nangyayari sa lalaking ‘to? Hindi nakainom sa loob ng dalawang linggo kaya sobrang uhaw na siya ngayon?
“Ang daya, pakikuha na ‘rin nga ako ng tubig.” Wika ni Kiel.
“Utusan ako?” Pagtataray ko sakanya. Kanina pa siya daldal nang daldal kaya hindi na ako makapag-concentrate. Baka makalimutan ko ang sasabihin ko sa harapan mamaya dahil sa lalaking ‘to.
Natapos ng unang nagpresenta at halos mag alas-dose na. Hindi ko masyadong naintindihan ang pinagsasabi niya.
“Eilyxa.” Tawag saakin ni Kiel. Naiirita na ako sa lalaking ‘to. Tawag nang tawag.
“Oh?” Bulong ko pero hindi ko siya nilingon.
“Huy.” Mahina niya akong pinalo sa braso kaya wala akong nagawa kundi tumingin sa kanya.
“Bakit ba?” Inis kong tanong na pabulong. Hindi pa umalis sa unahan ang babaeng nagpresenta dahil kailangan niyang sagutin ang mga tanong ng board.
“Kailan ba ‘to matatapos? Nagugutom na ako.” Wika niya habang nakahawak sa tiyan niya. Pati ako nagugutom na rin. Baka hinihintay na ako ni Nash dahil sabay kaming kakain. Wala kasing specific na time kung kailan matatapos ang conference na ‘to.
“Wait.” Wika ko at may kinuha sa bulsa ng jacket ko.
“Ito.” Nilabas ko ang isang chocolate na dala ko. Isa ito sa binigay saakin ni Frost kanina. Nagdala ako ng dalawa para makain kung sakaling magutom ako.
“Wow, akin na.” Kinuha niya ito ay binuksan.
“Morgue! Eating is not allowed here especially if it’s not yours!” Nagulat kaming lahat ng sumigaw si Frost.
“Kakain lang naman ako eh, nilait pa ang apelyido ko. Bleeeh!” Bulong ni Kiel pero rinig ko lang naman. Kinain niya parin ang chocolate kaya mas lalong umusok sa inis si Frost.
“Miss Claude, it’s already your turn! Uupo ka lang ba!?” Agad akong tumayo at pumunta sa harapan. Hindi ko namalayang ako na pala ang susunod.
Pinagtitingnan lang kami ng mga tao rito sa loob at ni-isa sakanila ay nagtangkang magsalita. Humingi ako ng paumanhin sakanila. Nakakastress sila. Ganun ba ka-close ang dalawa? Parang mga batang nag-aaway.
---CHAPTER 23 ended---
BINABASA MO ANG
✔️Make The Playboy Jealous
Teen FictionNiloko. Pinagpalit. Nasaktan. Dalawang taong nagkakilala para pagselosin ang dati nilang nobyo. Ngunit 'di inaasahang sila'y mahuhulog sa isa't isa nang may biglang pumasok sa eksena at sinira ang relasyon ng dalawa. Maibabalik pa ba ang SILA pagkat...