Eilyxa’s POV
Nagising ako nang may marinig na munting kaluskos. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong may inaasikaso si Frost sa mesa niya, doon nagmumula ang narinig ko. Bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti bago ibinalik ang tingin sa mga papeles.
“Gising ka na?”
“Oo.”
“I have a meeting at 11.” Inform niya sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa halip ako ang magsabi sa kanya tungkol sa mga meeting niya as his secretary but, here he is. Siya na ang boss, siya na rin ang secretary kahit ako naman ‘yun.
“I’ll go with you.” Wika ko at umupo mula ka kakahiga sa sofa. Agad niya akong pinanliitan ng tingin.
“You’re still not feeling well, wifey.” Seryoso niyang wika. Here we go again, his wifey endearment.
“Sabi na ngang tigilan mo na ‘yang kaka-wifey mo sa akin.” Inis kong wika. Ayaw kong ipakita sa kanya na kinikilig ako, baka lumaki ang ulo at maging hydrocephalus.
“Kinikilig ka naman eh atsaka doon lang naman ang hantungan natin so, bakit pa titigilan pa at hihintayin kung alam na natin?” Ika niya sabay tingin ulit sa akin at tinaas-baba ang kanyang dalawang kilay. Pinipikon niya ako.
“At paano mo nasabing doon ang hantungan natin? Manghuhula ka?” Seryoso kong tanong. Pinipikon talaga ako ng lalaking ‘to. Nakita ko siyang kinagat ang ibabang labi niya na parang pinipigilang ngumiti odi kaya’y tumawa.
“What do you like, a boy or a girl?” Biglang tanong niya at kinagat ulit ang ibabang labi niya. Anong klaseng tanong ‘yan?
“Syempre babae kasi babae ako. Hindi ako tomboy noh.” Sagot ko at tiningnan siya ng nagtatanong. Bakit niya naman naitanong?
“I want a boy.” Wika niya at tumingin sa taas at parang nag-iisip.
“Dapat lang. Hindi ka naman bakla para magustuhang maging babae.” I heard him burst a laugh.
“Hahahaha! Alam mo ba anong mas gusto ko?” Tanong niya at nginisian ako. Don’t tell me magbabakla siya?
“Gusto mong maging bakla? Bisexual?” Gulat kong tanong. Dapat inamin na niya noon para hindi na ako mahulog sa kanya. Naku, isipin lang na may gusto siya sa kagaya niyang lalaki ay gusto ko nang masuka at patayin silang dalawa ng sabay.
“I want a twins.” Nakangisi niyang wika at ni-ignore na ang mga tanong ko kanina.
Matagal akong nakatitig sa kanya habang pino-proseso ang sinabi niya. He wants a twin. Bakit kambal ang gusto niya na wala naman sa choices. Unti-unting lumaki ang mga mata ko nang magsink-in na sa utak ko ang pinapahiwatig niya. He wants me to be preggy? At kambal pa?
“Baka puwede pang triplets.” Wika niya at tinaas baba ang mga kilay niya.
“Walang hiya!” Nagulat siya sa pagsigaw ko.
“Don’t shout, honey. Ayaw mo ng kambal or triplet?” Gulat niyang wika.
“Ako?” Hindi makapaniwala kong tanong.
“Don’t tell me you want quadruplets? Mahirap ‘yun wifey pero kung gusto mo nun, support kita. The more, the merrier ang ika nila.” Biglang kumulo ang dugo ko.
“Hindi ako buntis kaya tigilan mon a ‘yang imagination mo.”
“Magiging totoo naman kaya bakit ko pa ititigil. I can’t wait to see your bump.” Nakangisi niyang wika at tumingin sa tiyan ko.
“Alam mo ba anong laman nito?” Inis kong wika at tinuro ang tiyan ko.
“Yes, babies. My babies. Our babies.” Nakangisi niyang wika at hindi pa rin inaalis ang tingin sa tiyan ko na para bang nakikita niya ang laman non.
BINABASA MO ANG
✔️Make The Playboy Jealous
Novela JuvenilNiloko. Pinagpalit. Nasaktan. Dalawang taong nagkakilala para pagselosin ang dati nilang nobyo. Ngunit 'di inaasahang sila'y mahuhulog sa isa't isa nang may biglang pumasok sa eksena at sinira ang relasyon ng dalawa. Maibabalik pa ba ang SILA pagkat...