Eilyxa's POV
"Boy."
"No, it's a girl."
"Then, it's a twin."
"Pahihirapan mo talaga ako noh."
"Triplets."
"Hayst."
"Edi quadruplets. Iyon ang gusto mo eh." Bumuntong-hininga na lang ako. Palagi na lang ito ang pinagtatalunan namin. Kung hindi ang gender ng pinagbubuntis ko ay ilan ang pinagbubuntis ko.
Yes, I'm pregnant again. Pangalawang anak namin pero ito ang unang makakatapak sa lupa. You all know what happened to our first baby, right?
We're on our way to hospital para magpa-ultrasound. I'm already 5 months pregnant at dalawang taon na kaming magkasama. Medyo natagalan na hindi kami nagkaanak dahil takot ako noong mabuntis. Parang natrauma ako sa unang pagbubuntis ko. Natatakot ako noon baka hindi ko naman maalagaan but, Frost is there. Hindi niya ako pinabayaan at 'di niya 'rin akong pinilit na magkaanak agad. He respects me, alam niyang may nakaraan kaming naranasan tungkol sa ganito at willing daw siyang maghintay. We did that, you know, pero may proteksiyon. Nakakatawa dahil mag-asawa kami pero gumagamit pa rin ng ganun. At buti naman ay iniwan ako ng takot and now, biniyayaan kami ng anak na nasa sinapupunan ko pa.
"We're here." Pag-inform niya sa akin. Pinatay niya ang ang kotse at lumabas na para magbuksan ako. 5 months pa lang pero malaki na ang tiyan ko. Nasubruhan ata ako ng pagkain kaya ang laki ni baby.
"Hinay-hinay lang." Wika niya habang nakahawak sa akin. Agad akong huminga ng malalim.
"Frost, hindi naman ako tumatakbo para pagsabihan. Alam kong kailangan kong maghinay." Inis kong wika. Minsan ay nagiging OA na siya. Nakatayo lang nga ako at hindi pa naglalakad tapos maghihinay na? Saan? Sa paghinga?
"I'm taking care of you tapos maiinis ka naman. Gusto mong iwan kita rito." Binitawan niya ako.
"Sige, iwan mo na ako para mamaya, wala na ako sa tabi mo tapos magrarampa ka tapos may latigo pa bago ka putulan ng ulo ni papa. May suntok pa galing kina Nash. Ano, mas gusto mo iyon?" Agad naman niya ako hinarap na nakasimangot.
"Ikaw naman kasi, ang bilis mong mainis. Kung ito lang pala ang nagyayari pagbunti edi sana -"
"Edi sana? Ano? Sana 'di mo na ako binuntis? Ganun?" Nakapameywang ako sa harapan niya. Huwag siyang magkamali sa sagot dahil masasapak ko na siya. Inii-stress pa ako ng asawa ko oh.
"Edi sana binuntis na kita bago tayo kinasal para sanay na akong mainis. God! Gusto ko ng maraming baby!" Agad ko siyang sinapak. That's a wrong respond.
"Love you too." Nakangiti niyang wika sabay taas-baba sa kilay niya habang hinihipo ang braso niya.
"Pasalamat ka dahil mahal kita." Inis kong wika. He knows na pag sinapak ko siya ay kinikilig ako. He also gave a meaning on that, pag sinapak ko daw siya ay ibig sabihin non ay 'I Love You'. Ang galing!
"I'm very thankful, wifey." Hinalikan niya ako sa pisnge baka maglakad papasok sa hospital.
"Doc, just tell us if it's twins or triplets. Huwag mong sabihin anong gender." Seryosong utos ni Frost sa doktor ko na ngayon ay inaayos ang gagamitin para sa ultrasound. Ako naman ay nakahiga na at hindi natatakpan ng damit ko ang tiyan ko.
"No, doc. Gender ang sabihin mo. Yun lang." May usapan kasi kami ni Frost. Pag babae ang anak namin, hindi siya tatabi sa akin matulog mamaya. Pag twins or triplets naman ay susundan daw naming agad ng bago. Ang galing din mag-isip, nakakasakit sa ulo at sa ibaba.
BINABASA MO ANG
✔️Make The Playboy Jealous
Roman pour AdolescentsNiloko. Pinagpalit. Nasaktan. Dalawang taong nagkakilala para pagselosin ang dati nilang nobyo. Ngunit 'di inaasahang sila'y mahuhulog sa isa't isa nang may biglang pumasok sa eksena at sinira ang relasyon ng dalawa. Maibabalik pa ba ang SILA pagkat...