Eilyxa’s POV
Nagising ako sa loob ng isang puting kuwarto. Walang kagamit-gamit. Tanging isang sofa, isang maliit na mesa sa harapan nito, isang kama na kinahihigaan ko ngayon, dalawang side cabinet, at isang stand kung saan nakasambit ang dextrose na nakaturok sa akin. Pagdilat ko pa lang ay alam ko na saan ako dahil sa kulay ng mga dingding at ang amoy ng kuwarto. Nasa ospital ako.
Ramdam kong namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Nawalan ako ng malay habang nagmamaneho ang isang lalaki upang dalhin ako rito. At tanda ko ‘ring umiyak ako bago ako mawalan ng malay. At ngayon ay naramdaman ko na namang nagsisipatakan ang mga luha ko.
“Eily!” Napalingon ako sa binatang tumawag sa akin na mula sa labas. Tumakbo ito papalapit sa akin.
“May masakit ba? ‘Yung likod mo, masakit? Sabihin mo.” Natataranta niyang mga tanong. Pinunasan niya ang mga likidong mula sa mga mata ko.
“Ki-Kiel.” Tawag ko sa kanya. Nagtataka ako bakit niya alam na nandito ako.
“Yes? Sabihin mo sa akin saan ang masakit para makatawag ako ng doktor.” Agad na sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.
“Ba’t ka nandito?” Tanong ko.
“Hindi mo matandaan?” Tanong niya.
“Ang baby ko? Kiel, si baby? Okay lang siya, diba?” Tanong ko. Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil gusto kong malaman ng anak ko.
“Eily, he’s already gone.” Nag-iwas siya ng tingin. Mas lalo akong napaiyak sa sagot niya.
“Hindi, nagbibiro ka lang. Nandito pa siya.” Humahagulgol kong wika sabay tingin sa tiyan ko habang hinahaplos.
“Eily, malalakas ang mga palo na natamo mo kagabi. You were only two weeks pregnant at mahina ang kapit ng anak mo.” Sagot niya. Tudo iling ako at sinabunutan ang sarili ko. Agad niyang kinuha ang mga kamay ko at niyakap ako. Nabasa ko ang damit niya dahil sa pag-iyak. Hindi naman siya nagreklamo at hinayaan na akong humagulgol sa balikat niya.
“Kiel, ang sama kong ina. Kasalanan ko lahat.” Pagsisi ko sa sarili. This is all my fault.
“Shhh. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari kundi ang mga masasamang tao na iyon.” Umiling-iling ako.
“No, I was planning to abort my child. Bumili ako ng gamot at hinayaan ang sariling pumunta sa kung saan-saan. Kasalanan ko!” Saglit siyang napatigil sa paghipo sa likod ko.
“Hindi mo pa ‘rin kasalanan. Oo, nagkamali ka doon sa pag-isip sa ipalaglag moa ng bata pero hindi mo naman ito nagawa dahil sa nangyari. It’s not your fault.” No, kahit hindi ko natuloy ang plano ko ay kasalanan ko pa rin. Hindi ko inuna ang safety ko at ang anak ko sa mga oras na iyon. Kumalas siya sa yakap at hinarap ako
“Si Frost. Siya ba ang ama?” Tanong niya at nginitian ako ng pilit. Natigilan ako ng marinig ang pangalan niya. Kung hindi lang ako nagpakaduwag ay sana’y nasa sinapupunan ko pa ang bata. Yumuko ako dahil ‘di ko kayang sumagot.
“I see. Siya nga. He’s lucky and the same time, a jerk. Hindi ka niya inalagaan at ang magiging anak niyo.” Galit niyang wika at niyukom ang kamao niya.
“Dahil sa kanya ay nararanasan mo mga ito. Naranasan mong mawalan. Naranasan mong mapalo. Naranasan mo ang sakit dahil sa pagmamahal mo sa kanya.” Galit niya pa ‘ring wika.
“No, wala siyang kasalanan.” Depensa ko. Tiningnan ko siya deretso sa mga mata.
“Wala siyang kasalanan dahil ako ang mayroon. Ako.” Hindi na siya sumumbat at tinitigan lang ako.
BINABASA MO ANG
✔️Make The Playboy Jealous
Teen FictionNiloko. Pinagpalit. Nasaktan. Dalawang taong nagkakilala para pagselosin ang dati nilang nobyo. Ngunit 'di inaasahang sila'y mahuhulog sa isa't isa nang may biglang pumasok sa eksena at sinira ang relasyon ng dalawa. Maibabalik pa ba ang SILA pagkat...