Eilyxa’s POV
“Bakit ‘di mo sinabi? Bakit ‘di mo sinabing magkakaanak tayo?” Tanong niya gamit ang mahina niyang tono. Hindi ko siya nagawang sagutin.
“Bakit!?” Sigaw niya at tinumba ang upuang katabi niya. Nagulat ako sa pagwawala niya pero hindi ko siya masisisi dahil tinago ko ang tungkol sa anak namin. Ang masakit pa ay nawala na siya bago malaman ng ama niya.
“It’s all my fault! Sorry dahil pabaya akong ina!” I stood up. Kung kanina lamang ay siya ang nagwawala, ngayon ay ako naman. Hindi ko na kayang ikulong sa puso ko lahat ng nararamdaman ko. Galit. Awa. Pagsisisi. Kung inisip ko lang anak ko noon ay edi sana’y nasa sinapupunan ko pa siya.
“I was afraid, Frost. Na baka makasira na naman ako ng relasyon. Baka siraan ka na naman ni Amanda. It’s okay for me na ako lang ang masira, huwag lang ikaw.”
“I was dumb. Nagpakaduwag-duwag ako. Pinagkait ko sa iyo ang karapatan mong malaman ang tungkol sa anak mo. I was thinking about reputation, iisipin ng mga tao na pinagsabay mo kami. I don’t want that. Ayaw kong madungisan ang pangalan mo.” I heard him sobbing. Hindi niya ako sinumbatan o sinagot. Nanatili siyang nakaupo sa sahig habang nakasubsob ang ulo sa mga braso.
“Ang sama kong ina dahil pinabayaan ko siyang mawala. Pinabayaan ko siyang mawala sa mundong ito na hindi pa nakakaapak sa lupa. It’s all my fault. At habang buhay kong isisisi sa sarili ko ang nagyari sa anak natin.” I turned my back on him. Ayaw kong makitang umiiyak siya. Ayaw kong makita niyang umiiyak ako kahit halata na naman dahil sa paghagulgol ko.
Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin sa likod.
“No, honey. Hindi mo kasalanan.” Bulong niya at sinubsob ang ulo sa leeg ko. Hindi ko napigilang mas umiyak pa. Pagkaraan ng limang buwan, ngayon ko lang narinig ulit ang pagtawag niya sa akin.
“Kasalanan ko, Frost.” Bulong ko. Tinanggal na niya ang kakayakap sa akin at pinaharap sa kanya.
“It’s my fault, Eilyxa. Dahil sa akin, nasasaktan ka. Dahil sa akin, nawalan tayo ng anak. Dahil sa akin, pinili mong masaktan kaysa pag-isipan ako ng mga tao ng mga masasama. Dahil sa akin, nagluluksa ka. Dahil sa akin, sinisisi mo ang sarili mo sa mga nangyari.”
“Dahil totoong ako ang –”
“Shhh. It is not your fault. It’s mine. Kung ‘di inisip ko lang ang kalagayan mo noon bago ako nagdesisyun ay edi sana alam kong buntis ka at maaalagaan ko pa kayo.” He wiped my tears and let his tears fall from his eyes.
“Sa akin ang lahat ng sisisi, Frost. Pinagkait ko sa iyo –”
“Shhh.” He hushed me again.
“Sa simula pa lang, ako na ang may kasalanan. Sinira ni Amanda ang relasyon natin dahil gusto niyang kunin ako sa iyo. Kasalanan ko dahil naniwala ako sa kasinungalingan niya. Hindi ko naisip na sinisira niya tayo gaya nung dati. So, don’t blame yourself. You are a victim of her lies. Ako ang dahilan kaya niya ginawa iyon.”
“But I was the one –”
“No, you’re not. Napabayaan moa ng sarili mo sa mga oras na iyon dahil iniisip moa ng reputasyon ko. Sa mga oras na kailangan mo ako ay wala ako sa tabi mo. Hindi ako nasa tabi mo, sa tabi niyo ng anak natin sa oras na kailangan niyo ako. I’m so sorry, honey. Patawarin mo ako.” Nagsipatakan ang maraming luha niya. I closed my eyes and cried. Pinagdikit niya ang noo namin. We let ourselves cried in front of one another.
“Ba’t ‘di niyo kami ni-inform na mala-MMK pala ang mangyayari ngayon!?” Nagulat ako nang may magsalitang lalaki at unti-unting natatanggal ang mga salamin. I heard sounds of small tires. Nilibot ko ang paningin ko at lahat nga gumalaw ang mga salamin.
BINABASA MO ANG
✔️Make The Playboy Jealous
Novela JuvenilNiloko. Pinagpalit. Nasaktan. Dalawang taong nagkakilala para pagselosin ang dati nilang nobyo. Ngunit 'di inaasahang sila'y mahuhulog sa isa't isa nang may biglang pumasok sa eksena at sinira ang relasyon ng dalawa. Maibabalik pa ba ang SILA pagkat...