Eilyxa's POVNakaupo ako ngayon habang nakatitig sa desktop ko. Natapos ko na ang pinapagawa saaking PowerPoint. I will present this in front of board later. Hindi naman ito ang unang magsasalita ako sa unahan nila pero parang first time ko. I still feel anxious.
Halos dalawang linggo na ang nakaraan ng pag-amin ni Frost. Ayaw ko sanang pumasok kaso kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Shaina na kailangan ako rito sa kompanya dahil wala si Frost. Pumunta sa France para sa business trip. At halos dalawang araw ko na rin siyang hindi nakikita.
Nasaktan ako dahil hindi siya nagpaalam saakin at hindi man sinabi kailan siya darating. Pero wala akong magawa dahil ako ang may gustong umalis siya sa buhay ko. Hindi ko maiwasang ma-miss siya. Noon ay araw-araw ko siyang nakikita at ngayon ay hindi.
Naghahanap ako ng videos sa YouTube na magandang panuorin. About the video, it was already deleted. Denelete na ni Amanda at nagpost siya doon sa channel niya na fake lang video. Buti naman ay naniwala ang karamihan.
Pero mas masakit na nadelete na ang video dahil hindi ko matanggap na nagbalikan sila. Ang sabi ni Frost, buburahin lang daw ni Amanda kung makikipagbalikan ang binata sakanya.
Now that it's deleted, nagbalikan na ba talaga sila? Noong una ay hindi ako naniwala dahil pinaghahawakan ko ang sinabi ni Frost, na mahal niya ako. Pero agad iyon nawala ng makita kong nagpost si Amanda ng 'WELCOME BACK, BABE'.
Gusto kong magmula kay Frost ang sagot sa tanong ko. Gusto kong sabihin niya saakin kung totoong nakipagbalikan siya o hindi. Marupok na kung marupok, iyon ang gusto ko.
Nanood ako ng funny videos like prank videos pero hindi naman saakin nakakatawa. Nakatitig lang ako sa desktop at blangko lang ang ekpresyon ko. Hindi ko magawang tumawa o ngumiti kahit saglit lang.
I startled when my phone rang. Agad kong kinuha ito na umaasang makakatanggap ng tawag galing sakanya pero galing sa ibang tao ang tawag. I saw Nash's calling kaya sinagot ko ito.
"Hello, Nash!" Sigaw ko para isipin niyang okay na ako.
"Galing mong umakting, Eily." Natatawa niyang wika.
"Pwede na akong maging reyna ng mga actress."
"Pwede ka nang maging reyna ng mga marurupok. No offense." Natawa ako ng mahina. He's right.
"Bakit ka pala tumawag? Pwede ka namang pumunta rito ah." Wika ko.
"Bawal pa akong umalis dito." Napa-ah ako at tiningnan ang relo ko. Matagal baa ng lunchbreak.
"May sasabihin ka ba saakin kaya tumawag ka?"
"Hayst, I want to ask you again, sigurado kana ba?"
"Ano kaba, Nash. Sigurado na ako. May ipon pa naman ako at puwede naman akong humingi kina papa kung sakaling maubusan ako."
"And I bet, hindi ka hihingi sakanila kahit maubusan ka pa." Natawa ulit ako. He knows me well.
"Basta ihahatid kita."
"Pang-ilang sabi mo 'yan? Oo, ihahatid mo ako."
"Hindi ko mabilang. Sige, I'll hang up. Let's have lunch together, pagkatapos ng conference mo. See yah!" Paalam niya at pinatay ang tawag.
Nagkaayos na kami. Chini-cheer niya ako araw-araw. Kung 'di tatawag ay nandito siya sa cubicle ko. He also helped me packing my things. Nakausap na niya ang may-ari ng bahay na rene-rentahan sa malapit sa apartment nila.
Pumayag ang may-ari na ako ang umupa kaya nagsimula na akong ilipat doon ang mga gamit ko. Even though I will move, akin parin ang condo ko. Ang mga magulang ko ang nagbabayad nun kaya hindi ko na ibibigay sa iba. Babalik lang naman ako doon.
"Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ng sarili na umibig pang muli", kanta ko habang nakapikit."Ano 'yung sunod na linya?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko na maalala.
"So this is me swallowing my pride
Standing in front of you,
Saying I'm sorry for that night
And I'd go back to December all the time
It turns out freedom ain't nothing but missing you
Wishing I'd realized what I had when you were mine" Kanta ko ulit. Kung ano ang pumasok sa utak kong liriko ay kinakanta ko. Alas-nuwebe pa naman at mamayang alas-onse pa ang conference namin. Pinapakalma ko ang sarili ko sa paraan ng pagkanta kahit nakakairita sa tainga."Kung 'di mo lang ginawa
Edi sana ay tayo na." Kanta ko habang inalala ang pag-amin niya.Habang kumakanta ng kung anu-anong kanta ay may narinig akong mga yabag ng mga paa habang papalapit saakin.
"Kung sino ka man - "
"Miss Claude." Napatigil ako sa pagkakanta dahil sa narinig ko. That voice...
"Miss Claude." Agad kong dinilat ang mga mata ko at tumayo na dahil sa gulat.
"Frost!" Gulat kong tawag sakanya kaya pinanliitan niya ako ng tingin.
Agad kong tinakpan ang bibig ko at yumuko bilang pagbigay galang sakanya. Ang bobo ko, bakit ko siya tinawag gamit ang pangalan niya! Tumikhim siya kaya tumingin ako sakanya.
"Do I have meeting today?" Tanong niya saakin kaya agad kong kinuha ang folder kung saan nakalagay ang schedule niya. Balak ko sanang tawagan mamaya ang mga sekretarya ng ime-meet niya ngayon dahil akala ko ay hindi siya darating.
"Frost, I mean, Sir. Kailan po kayo dumating?" Tanong ko. Hindi ko inaasahang darating siya ngayon. Wala naman siyang sinabi eh.
"Earlier." Tipid niyang sagot kaya tumango nalang ako.
Binuklat niya ang mga pahinang nakalagay sa folder gamit ang kaliwa niyang kamay.
"Do you need something?" Tanong niya habang nakatingin saakin ng masama nang mapansing nakayuko ako habang nakatitig sakanya.
"Wala po!" Agad na sagot ko at tumayo ng maayos. I can't stop myself. Gusto ko siyang titigan ng buong magdamag.
Paulit-ulit niyang binubuklat ang mga pahina. Lipat sa kabila, balik naman sa isa. Naririnig ko rin siyang bumubuntong-hininga kaya tiningnan ko siya pero agad akong tumingin sa ibang direksyon nang nahuli niya namang nakatitig ako sakanya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong magsalita at ngumiti. Kinikilig ako kahit nasasaktan. Narinig ko ulit siyang bumuntong-hininga bago niya malakas na sinara ang folder. Nagulat naman ako doon. Pero mas nagulat ako ng padabog niyang nilapag sa desk ko ang isang malaking paperbag.
"Yours." Wika niya at iniwan na niya roon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang nakapasok siya sa office niya at marahas niyang sinara ang pinto.
Tiningnan ko ang laman ng paperbag at napaubo. Bakit niya ako binigyan ng napakadaming chocolate? Nakita kong may isang berdeng kahon sa ilalim kaya kinuha ko ito.
Binuksan ko ito at nakuryuso. Bakit niya ako bibigyan ng kuwintas na may nakasabit na isang rosas?
---CHAPTER 22 ended---
BINABASA MO ANG
✔️Make The Playboy Jealous
Novela JuvenilNiloko. Pinagpalit. Nasaktan. Dalawang taong nagkakilala para pagselosin ang dati nilang nobyo. Ngunit 'di inaasahang sila'y mahuhulog sa isa't isa nang may biglang pumasok sa eksena at sinira ang relasyon ng dalawa. Maibabalik pa ba ang SILA pagkat...