MTPJ Chapter 24: JEALOUS

932 39 9
                                    


Eilyxa’s POV

“That’s all. Do you have any question?” Tanong ko ng matapos ang presentation ko.

“None. Dismiss.” Wika ni Frost nang tinaas ni Kiel ang kamay niya, halatang ayaw niyang magsalita ang binata. Kanina pa ako hindi komportable habang nagsasalita sa harapan dahil maraming nakatitig saakin lalo na si Frost. Nagsitayuan ang mga tao rito at ang iba ay lumabas na.

“Let’s go.” Sabi ni Frost sa mga natirang tao rito, they’re all young, mga kasing-edad lang ng magpinsan. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at sumunod sa kanila.

“Sasama ka ba?” Agad na tumabi saakin si Kiel.

“Saan ba kayo pupunta?” Hindi ko alam anong event kaya magsama-sama sila.

“Cheers!” Sagot niya sabay taas sa kamay niya na kunwareng nakahawak ng baso.

“Magba-bar kayo?” Kuryusong tanong ko. 1pm lang naman, ang aga.

“Oo, kaya sasama ka?” Tanong niya. Walang sinabi si Frost na about dito kasi naman hindi kami nagpapansinan. Maybe, I should follow them.

“I don’t know, walang sinabi si Frost. Atsaka ba’t kasama ang mga lalaking nasa conference room kanina? They seem so close.” Tanong ko at tinuro ang mga kasamahan nila na nauunang maglakad. They’re now laughing in front of Frost.

“Mga kaibigan namin ‘yan. Hindi mo mahalatang close nila si Frost dahil tuwing meeting lang mo sila nakikita or any gathering about businesses. Seryoso si Frost pagdating sa business, walang kaibigan-kaibigan.” Tumango-tango nalang ako.

“Miss Claude, you’re dismiss now. You may go home early.” Napatingin kami kay Frost ng magsalita. Tapos na siyang makipag-usap sa katabi niya.

“Thank you po, Sir.” Magalang kong sagot.

“She’s already dismissed? Baka pwedeng hindi na ako sumama sainyo.” Natutuwang wika ni Kiel.

“Anong hindi ka sasama? Ikaw ang nangyaya ah.” Wika ng kausap kanina ni Frost.

“Nagbago ang isip ko, mag-date nalang kami ni Eilyxa. Diba. Eily?” Nagulat ako ng masali ako sa usapan. Atsaka anong date?

“Oh, ikaw pala si Eily. Hi, lady. I’m Brian.” Bati ng isang kasama nila. Nginitian ko lang.

“Eily, go.” Utos saakin ni Frost. Nagbow ako sakanya para umalis pero hinila ako ni Kiel.

“We will go.” Nakangising wika ni Kiel.

“No.”

“You can’t say no. You’re already broke up, remember?” Hindi pa’rin nawala ang ngisi ni Kiel. Nakipagtitigan si Frost sa kanya na wala mang emosyon sa mukha. Narinig ko tumawa ng mahina ang mga kasama nila.

“She’s still my secretary, Mr. Morgan.”

“You’re her boss, but that doesn’t mean you can control her life. She can date anyone she wants, at kasali na ako roon. Sinabi niya noon na pwede akong manligaw.” Wika ni Kiel.

Hindi ko inaasahang paniniwalaan niya ang sinabi ko noon na pinapayagan ko siyang manligaw. Sinabi ko lang naman iyon dahil naiinis ako kay Frost kasi ‘di niya ako sinalo.

“But I can control her time.” Biglang ngumisi si Frost.

“I’ll take back what I’ve said earlier. Miss Claude, I won’t dismiss you until you finish all the documents that should be finished as early as possible.”

“But Sir –”

“Mapang-abuso kana.” Inis na wika ni Kiel.

“Guys, kalma.” Wika ng isang kasama nila. What his name again, Brian?

✔️Make The Playboy JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon