“Ayan, sisteret, kay ganda na ng iyong buhok!” Iyon ang unang bulalas ni Magindara, nang matapos na ang pagsasaayos ng kaniyang buhok. Tumingin siya sa isang kabibe na dinadaluyan ng malinaw na tubig, at nagkaroon siya ng malinaw na repleksiyon mula roon.
“Kay ganda,” bulalas ni Luna habang tinitingnan ang kaniyang repleksiyon. Hindi niya maisip kung paanong nagawa ni Magindara na itirintas ang kaniyang buhok, i-ikot na tila isang korona, lagyan ng iba't ibang kulay ng kabibe, habang pinapakintab ito ng mga mapuputing perlas.
“Karangalan kong ayusan ka, diwata Haliya.”
“Ngunit hindi na ako si Haliya. Isa na akong ordinaryong nilalang, Magindara. Ako na si Luna.”
Tumawa si Magindara nang dahil doon. “Ngunit nais pa rin kitang tawaging diwata. Lalo pa't umaakma ang iyong marikit na mukha sa ganda ng isang diwata.” Lumapit siya kay Luna. “Kung tutuusin nga'y mas maganda ka pa sa ika-pitong diwata ng buwan.”
Hinampas ni Haliya ang bruskong braso ni Magindara. “Magindara! Tumigil ka nga riyan! Kumpara sa kaniya, mas chararat ako. Wag kang echos diyan.”
“Ayan ka na naman sa paggamit mo ng lenggguahe ng modernong panahon! ‘wag kang mag-alala, at kapag nakapunta na ako sa mundo ng mga tao, pag-aaralan ko iyan! Ay, siya, dalian mo na, at hinihintay ka na ng iyong makisig!”
“Hindi madaling mapag-aaralan ang mundo ng mga tao, kung wala kang kasama. Kaya sa oras na gagawin mo ‘yan, ipaalam mo sa akin, at lilibutin natin ang mundo. Malay mo makahanap ka ng iyong irog?”
“Siguraduhin mong guwapo, ha?” pahabol na sigaw ni Magindara. Muli siyang natawa nang dahil doon. Hindi kasi malabong mangyari iyon. Sa kaniyang hitsura, panigurado'y maraming lalaki—na hanap ay kapwa lalaki—ang kaniyang paiiyakin. Natatawa na lamang siyang naglakad palabas ng kuwarto kung nasaan si Magindara.
“Masaya ka yata ngayon, oh yeah Luna baby?”
Nagulat siya nang marinig ang boses ni Gugurang. Lumitaw ang isang apoy sa kaniyang gilid. Maya-maya, naghugis itong tao, at lumitaw ang diyos ng apoy—si Gugurang.
“Diyos gugurang, kung maaari sana'y huwag mo akong tawaging baby? Nagmumukha kang manyak. Lalo na kapag nakita iyang mukha mo.”
“Ouch, it hurts, baby,” sambit ni Gugurang. Sinuklay niya sa kamay ang mahaba ngunit maputi niyang buhok. Ipinikit niya ang kaniyang mata nang matamaan ng araw ang kaniyang mukha. Dahil doon, mas lumitaw ang maitim na gilid ng kaniyang mata buhat siguro ng makapal na eyeliner. Pagkatapos, ini-ayos niya ang tila rakista niyang kasuotan.
Walang nagawa si Haliya, kundi ay magbuntong hininga. Wala na siyang magagawa sa interes ni Gugurang. Iyon ang style na kaniyang gusto. Iyon ang style na ikinasasaya niya. Kung kaya't sino siya upang magreklamo?
“kapag nariyan ka bumabagal ang ikot ng mundo, pow po-pow bug bug dudogssh!”
Ngunit minsan, hindi maiwasan ni Haliya ang mairita, lalo na kapag kinakantahan siya nito ng rock version ng kantang Diwata. Kung ang orihinal na bersiyon nito ay tinatawanan niya, paano pa kaya ngayon sa bersiyon ni Gugurang? Sa katunayan, hindi na siya natutuwa. Minsan ay nakakairita na ito lalo na kapag pilit na ipina-paos niya ang kaniyang boses.
“Luna baby, maraming salamat sa lahat ng tulong na buong puso mong inihandog. Nang dahil sa iyo, nagawa nating mapuksa ang puwersa ng kadiliman.”
“Walang anuman, diyos Gugurang. Ngunit sigurado ba kayo na hindi na sila muling manggugulo?” tanong ni Luna.
“Hindi na, para kay Bakunawa. Iyon ang huli niyang buhay, sapagkat wala nang mga tao ang buong-pusong naniniwala sa ilalim na mundo. Hindi na nila kailangan ang diyos para roon, kung kaya't hindi na siya muling maipapanganak. Sa panahon ba naman ng teknolohiya, may oras ka pa para paniwalaan ang yaon? Para naman kay Asuang, mabubuhay siyang muli, ngunit mas mahina at mababang diyos.”
BINABASA MO ANG
Diwata (Completed)
FantasyHindi alam ni Luna Alcantara kung paano nagkaroon ng isang nilalang--maitim, may mahahabang kamay, at may kahindik-hindik na hitsura ng pagngiti--ang nagtatangkang tumapos sa kaniyang buhay habang siya ay sinasakal. Simpleng tao lamang siya--ulila a...