SANIA 7: LET THE FIGHT BEGIN

5 0 0
                                    

THE SAVAGE WIFE
by Jlessbiiiiim

Seven.

"Oh my God! Ang gwapo-gwapo talaga ni Prof Henry."

"Yeah. He's so hot."

"I should have follow my heart, dapat English major ang kinuha ko. Hay, sayang. 'Yong prof. namin puro matatanda."

"May inspiration na ako na pumasok araw-araw. May gwapo ka ba namang prof? Ehhhh."

"I wonder if he's single."

"I am afraid no. Sabi niya sa advisory niya, his heart is already sealed."

"Lucky girl."

Napantig ang tenga ko sa huling sinabi ng babae. Lucky? More like malas. I hate it whenever I hear people express their adoration with Henry. Nakapapanindig balahibo. Kung alam lang nila kung gaano ka-cheater ang lalaking 'yan.

"Ehhh. Ang gwapo talaga ni prof."

Chuckie please. Ang sakit sa tenga pakinggan ng mga pagnanasa nila kay Henry. Kumukulo ang dugo ko.

Nilapitan ko ang mga babaeng kulang na lang mangisay sa kilig nang makita si Henry.

"Ehe-ehem."

Napatigil sa kalandian nila at sabay na napatingin sa akin. Halos sabay na nanlaki ang mga mata nila, nahihiyang nagbaba ng tingin.

"Pa-pasensya na, Sania," anang babae.

"We're not friends. Call me miss Sania." Maarte kong sinabi.

Mabilis naman silang tumango. "Y-yes, miss Sania."

"Good." Saka ko pinasayaw ang maalon kong buhok sa likod bago tumalikod.

I feel like a queen walking down the aisle. Magandang-maganda ako habang naglalakad sa hallway. Sumasayaw ang aking buhok habang naglalakad.

"Why are you so matagal? My sister is gutom na," bungad sa akin ni Lore nang makarating ako sa table namin sa cafeteria.

I just rolled my eyes. "Let's order," I said instead of answering her question.

Lumapit sa amin ang waiter para kunin ang order namin. Habang hinihintay ang order panay naman ang daldalan nina Lore at Peter. Nago-online shopping na naman sila. Hindi siguro sapat ang pasalubong ko sa kanilang 200 paper bags na mga damit.

Nilingon ko si Angel. "Hey, it's lunch time why are still eating cookies?"

"I'm hungry," sinabi niya habang puno ang bibig.

Mayamaya ay dumating na ang order namin. Kukuha na sana ng pagkain si Angel ngunit pinigilan ko siya.

"Why? I'm so gutom na," pagmamaktol ni Angel.

"Kinain mo na ang isang plastic ng cookies tapos hungry ka pa rin? Don't me. Let me take a picture of it first so I can post it on my instagram." I open my phone and took a picture of our foods. Then I posted it on my IG account with the caption 'Miss the Filipino Foods.'

I smiled at my cousins. "Let's eat."

Saka lang sila kumuha ng pagkain. Kumuha rin ako but just the right amount. Hindi ako kumakain ng marami so that I can maintain my body size.

Mayamaya biglang umingaw ang cafeteria. Animo'y may artistang pumasok sa cafeteria kaya kilig na kilig ang mga babaeng estudyante. Napa-irap ako. I am surrounded by malalandi.

Maarteng napasinghap si Peter. Tumingin ako sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata, ang isang kamay ay maarteng nakatakip sa bibig. He's looking at the entrance of the cafeteria.

 His Savage WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon