SANIA 2: PART-OWNER

7 0 0
                                    

HIS SAVAGE WIFE
by Jlessbiiiiim

Two.

Omo! I did signed a document yesterday! Was it the marriage contract? Omo! Kamuntikan pa akong matumba dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti na lang at maagap ang aking mga pinsan.

"Ouch!" Ngunit nangibabaw pa rin ang matinis at maarteng daing ni Peter na para namang tinamaan ko. Makaarte lang.

"No." Maka-ilang beses akong umiling. Hindi ko matanggap.

"Naalala mo na? 'Yon 'yong pinirmahan mo bago ka umalis kahapon," nakangisi pang sambit ni dad.

"But I thought it was just a legal document? Why didn't you tell me na it's a marriage contract pala?" naiinis, frustrated na pagmamaktol ko.

Ngunit tinawanan lang ako ni daddy. Maging si Henry ay natawa kaya awtomatikong napatingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Awtomatiko naman siyang umayos ng tayo at sumeryoso.

"Honey, hindi mo kasi ako pinatapos sa sasabihin ko. Basta mo na lang sinabi na 'nevermind' at pumirma. Kaya nga akala ko ay matutuwa ka sa balita ko ngayon dahil walang pagdadalawang-isip kang pumirma kahapon," paliwanag ni dad.

"But, dad. Like I said, I thought it was just some documents. And what makes you think na ikatutuwa ko ang balitang ito? Huh! Ang maging asawa ng lalaking ito?" Tinuro ko si Henry. "At sinong babae ang matutuwa na malamang kasal na pala siya sa lalaking nanakit sa kanya noon? Tanga, marupok, baliw na lang ang matutuwa kapag ganoon!" Hindi ko na talaga mapigilan ang magtaas ng boses.

I can't believe it, I can't accept it. Naiinis ako. Nanginginig ang mga kalamnan ko. Sa mga nalaman ko ngayon samahan pa ng pagmumukha ni Henry sa harapan ko. It's like all the memories in the past, na pilit kong kinakalimutan ay nag balik.

Naiinis ako, galit ako, naghahalo na ang nararamdaman ko. Disappointed ako kay dad. How could he do this to me? Paano niya nasikmura na ipagkasundo ako sa lalaking nanakit sa akin noon. Alam niya ang ginawang pananakit ni Henry sa'kin noon. At nasaksihan niya kung gaano ako nasaktan. He was there during my darkest time because of what Henry did to me. Walang 'sing sakit 'yon, tipong halos kalimutan ko na ang lahat, maging ang mabuhay. Pero paano niya nakuhang ipakasal ako kay Henry without my consent?!

Of course, may consent... dahil pinirmahan ko ang marriage contract without even knowing that it was a damn marriage contract!

Hindi si dad ang may kasalanan. It's me because I signed the contract ng hindi binabasa ang nakapaloob doon.

"Honey, calm down. Okay, I'm sorry for not telling you about this. Pero kasi, my princess. Wala pa man kayo, hindi pa man kayo nabubuhay sa mundong ito. Napagkasundoan na namin ng Tito Herman mo na ang magiging first born namin ay siyang dapat magkatuloyan."

Huh! So, ibig bang sabihin ni dad na hindi pa man kami nabubuo, na dugo pa lang kami ay tinakda na nilang ipakasal kami? Eh, wala na palang use si Cupid and Destiny sa buhay namin? Dinaig pa nila dad at Tito Herman sina Cupid at Destiny, ah.

"What if puro lalaki pala ang naging first born ninyo? Tuloy pa rin ba ang plano ninyo ni Tito?" nanghahamon na tanong ko.

"Of course!" confident na sagot ni dad. "Alam naman naming babae at lalaki ang first born namin." Ngumisi si dad.

Napahawak ako sa aking sintedo. Hindi talaga nagsi-sink sa aking utak ang mga sinasabi ni dad. Hindi ko matanggap. Matagal ko nang binaon sa limot ang kung ano man ang namagitan sa amin ni Henry noon. Henry made me happy but in the end, siya lang pala ang mananakit sa akin. Kinalimutan ko na siya. I run away to forget him. Akala ko sa pagbabalik ko ay hindi ko na siya makikita.

 His Savage WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon