THE SAVAGE WIFE
by JlessbiiiiimThree.
10 Years ago....
"Welcome home, sir." Sinalubong kami ng pagbati ng mga katulong pagpasok namin sa bahay. Nakita kong tinangoan sila ng daddy ko. Malaki ang bahay, mansyon ito kung maituturing. Ngunit kung ikukumpara sa bahay namin sa Korea, mas malaki iyon kesa rito.
Nilibot ko ng tingin ang bahay. Hindi nalalayo ang mga gamit na makikita rito sa mga gamit sa bahay namin sa Korea. Maayos ang pagkakalagay ng lahat ng mga gamit. Mahahalata mo ring malinas ang buong bahay, mula sa sahig hanggang sa pinakamaliit na sulok. Ngunit naninibago ako sa aking nakikita. Ngayon lang ako nakapunta ng Pilipinas.
"Uli eonje jib-e gani, appa? (When are we going home, dad?)" tanong ko kay daddy. Hindi pa ako marunong mag salita ng Filipino noong mga panahon na iyon ngunit marunong ako ng salitang Ingles dahil ipinasok ako ni daddy sa English Class.
Umupo si daddy upang mapantayan niya ako. "Nae agi, deul-eo bwa. Jigeumbuteo ulineun yeogiseo salge. (My baby, listen. From now on, we will live here.)"
Pakiramdam ko ay maiiyak ako. Hinawakan ko ang kamay ni daddy at ngumuso. "Appa, jib-e gaja. Naneun yeogiseo salgo sipji anhseubnida. Jebal, jebal, jebal. Jib-e gaja. Naneun yeogiseo salgo sipji anhda. (Daddy, lets go home. I don't want to live here. Please, please, please. Lets go home. I don't want to live here.)"
Malalim na hininga ang pinakawalan ni daddy. "Jeongmal mianhaeyo, agi. Yagsogdeulibnida, hangug-eulo dol-agagessseubnida. Hajiman jigeum-eun, yeogiiss-eojuseyo, algessjiyo? (I'm so sorry, my baby. I promise, we will go back to Korea. But for now, lets stay here, okay?)" malumanay na sabi ni daddy, inaalo ako.
Mas lalo pang humaba ang aking nguso at napilitang ngumiti.
"Chaghan yeoja. (Good girl.)" Ngumiti si daddy at bahagyang ginulo ang aking buhok.
-
"Ani! Gago sipji anh-a! (No! I don't want to go!)" sigaw ko sa mga yaya ko na hindi bababa sa tatlo ang bilang. Kanina pa nila ako pinipilit na maligo.
Ngayon ang unang araw ko sa eskwela ngunit ayaw kong pumasok sa bago kong paaralan. Wala akong kakilala roon. Wala roon ang aking mga kaibigan. Hindi ko gustong pumasok sa ibang eskwelahan.
"Yanyan, you need to make shower na. Kasi you need to go school, baka ma late ka."
Itinapon ko 'yong malaking unan sa kanila. "I said no! I don't want to go to school. I want to stay here! Get out! I don't want to see you! Get out!"
"What's going on here?"
Napatingin ako sa may pinto. Nakita kong nakatayo roon si daddy. Napatingin siya sa mga nagkalat na gamit na aking tinapon. At nang tumingin siya sa akin ay napabuntong-hininga siya. Naglakad siya palapit sa kama kung saan ako nakaupo.
BINABASA MO ANG
His Savage Wife
RomanceIsang mahinhin, masiyahin, mapagmahal at mabait, iyan si Jouisania NOON. Isang spoiled brat, maldita, pilosopo, maarte, conyo at makulit, iyan si Jouisania NGAYON. Nagbago ang lahat kay Sania nang dahil sa isang pagtataksil ng lalaking pinakamamaha...