SANIA 6: THE PROFESSOR

7 0 0
                                    

THE SAVAGE WIFE
by Jlessbiiiiim

Six.

Pinagbuksan ako ni Mr. Loyd ng sasakyan nang pumarada ito at inalalayan akong bumaba. Gandang-ganda ako nang lumabas ng sasakyan at iginala ang aking paningin sa buong paligid. I raised my brows. Inilahad ko ang kaliwang kamay ko sa maarteng paraan saka maingat namang isinukbit ng bagong hired kong assistant ang Prada bag ko. I wore my dark eyeglasses saka taas noo'ng naglakad papasok sa school ko.

Maraming mga studyante ang nagkalat sa entrance pa lang ng campus. Kaniya-kaniya ng grupo. Kaniya-kaniya ring yabangan ng lugar na pinuntahan para sa bakasyon. Ang iba naman pinagmamayabang rin ang bago nilang bag. Tsah! Stupids, bali wala ang mga bago n'yo sa meron ako. Ang iba naman ay naririnig kong may pinagchichismisan - don't get me wrong, I am not chismosa, too. I just heard it when I pass them.

Habang naglalakad ako ay napapatigil sila sa pag-uusap at napapatingin sa akin. I flip my hair. Of course, I am too gorgeous para hindi nila mapansin. I flip my hair once again.

"Isn't she Jouisania Decosta, the Decosta's cousin?"

"Mm-mm. She is not 'just'. I heard she is the new owner of this school."

Palihim akong napa ismid sa naririnig ko. That's it, losers. You must know who I am.

"Actually, dalawa silang owner ng school. Ang anak ng dating business party ni Mr. Decosta. And I also heard na professor dito ang isa pang may-ari."

"Really?"

I rolled my eyes. Argh! That jerk! Kumukulo ang dugo ko kahit pangalan niya lang ang aking naririnig. I despise that name. I still don't understand kung bakit kailangan pa niyang bumalik sa buhay ko?

Sinadya kong dumaan sa grupo ng mga babaeng nag-uusap kanina. Napatigil sila sa pag-uusap at napapahiyang ngumiti sa akin. Tinignan ko sila isa-isa, mula ulo na mukhang talampakan ko lang.

"H-hi, Yanyan."

Automatikong umarko ang eyebrows ko sa tinawag niya sa akin.

"Just so you know. Ang lahat ng tumatawag sa akin ng pangalang iyan ay dina-drop out ko." Hindi ako nagbabanta, it's just a simple reminder that I am no longer Yanyan. That weak nerdy girl whom they used to call The Decosta's cousin.

Kahit saan ako pumunta ay pinagtitinginan ako. Lahat ng students na nadadaanan ko ay hindi mapigilang maisatinig ang paghanga nila sa kagandahan ko. Para akong isang diamante na kumikinang sa ganda. Taas-noo akong naglalakad papunta sa classroom namin. Lahat sila ay binibigyan ako ng daan. Kahit sa pagpasok sa classroom, nag-tutulakan sila kung sino ang magbubukas ng pinto para sa akin. Sa huli, iyong lalaking may malaking katawan ang nagbukas ng pinto. Ang laki pa ng ngiti niya sa akin, sira naman ng ngipin. So disguting!

When I entered the room, lahat sila ay natahimik at halos sabay na napatingin sa direction ko. I can see adoration in their eyes. I know, I'm gorgeous. I flip my hair and walk pass through them. Kumuha ako ng marker saka nag-sulat sa whiteboard.

Everyone is obliged to shut their filthy mouths whenever the queen is around. Anyone who failed to follow this golden rule will be automatically drop!

Maarte kong sinuli ang marker sa lalagyan nito. Nang lingonin ko sila, para silang robot na tahimik na nagsibalikan sa kanilang mga upoan.

I smiled sweetly. "Good." Saka ako naglakad papunta sa upoan sa gitna. No one dared to sit beside me and no one dared to utter even a single word. Kahit ang paghinga nila ay hindi ko naririnig. This is peace.

Mayamaya pa'y bumukas ang pinto.

"Good morning, class."

Para akong nanigas sa kinauupoan ko nang marinig ang boses na 'yon. Para akong tinakas ng kaluluwa nang makita siya sa harap. Nilagay niya ang dalang laptop at class record sa table sa harap saka huminga ng malalim bago ngumiti. That smile. Ang ngiti niya na minsang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Aish! Shut up, Sania. Damn with that thought.

 His Savage WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon