SANIA 1: MEET THE HUSBAND

10 0 0
                                    

THE SAVAGE WIFE
by Jlessbiiiiim

One.

Ang kirot sa aking ulo ang gumising sa akin kinabukasan. Napaungol ako kasabay ng paghawak sa ulo. Grabe ang sama ng tama ko kagabi. Teka, paano nga ba ako nakauwi?

Hinilot ko 'yong sintido ko habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Ngunit pakiramdam ko mas lalo lang sumasakit ito sa tuwing pipilitin kong balikan ang ala-ala ko kagabi. Hinanap ko na lang 'yong cellphone ko at nang makita ito sa loob ng pouch na dala ko kagabi sa bar, I immediately called Lorraine.

"Hi, couz. How's your hangover?" bati nito sa akin nang sagotin niya ang tawag.

"Paano ako nakauwi kagabi?" mataray kong tanong.

"Ahmm. Nag-car?" Sarkastiko ang tono ng boses niya.

"Tss. Of course! Can you come over to my mansion? Right away!"

Narinig ko siyang natawa sa kabilang linya. "Who's that, ate?" Nangibabaw ang mahinhin at inosenting boses ni Angel.

"Some maarteng cousin." Rinig ko pang sagot ni Lore

"Oh? Is it Peter?"

"Duh! Si Peter lang ba ang maarte nating pinsan?" pamimilosopo ni Lore.

"Ahm. Ikaw?" inosente namang tugon ni Angel.

"Bitch. I am your sister."

"Duh, ate! Walang Decosta ang hindi maarte. If you're denying being maarte then your kick of being a Decosta."

Napairap ako sa hangin dahil sa naririnig ko sa kabilang linya. Mag usap ba naman habang on call ako? Mga bitch talaga.

"Hey bitches, I am expecting you to be here in 20 minutes." I ended the call without saying goodbye.

Napahawak na naman ako sa aking ulo nang muling kumislot ito. Gosh! I need to take a shower or magbabad sa bathtub. Kapag ganitong matindi ang hangover ko, shower or bathtub lang ang katapat. Nahihimasmasan ako kapag nagbababad sa malamig na tubig.

Halos 30 minutes akong nagbabad sa bathtub bago ko naalalang pinapapunta ko sa mansyon ang mga pinsan ko. So I hurriedly changed clothes and went downstairs. As expected, pinagtaasan ako ng mga kilay ng mga pinsan ko. Well, except Angel na busy'ng-busy ang bibig kakanguya ng kinakain niyang cookies, naka pandequatrong pambabae pa ang bitch.

"You're late," nakataas ang isang kilay, mataray na asik ni Peter.

"I know," malumanay kong tugon saka naupo sa single sofa na katapat ni Peter. Agad na lumapit sa akin ang isang maid at tinanong kung anong gusto kong breakfast. I told her to get me a cold chuckie and a slice of chocolate mousse cake.

"Mm. By the way, bakit mo kami pinapunta rito, Yan?" Tanong ni Angel ngunit ang paningin ay nasa kinakain. Tss. Ang takaw ng isang 'to, kataka-takang hindi man lang lumalagpas sa 50 ang timbang niya.

"Bitch. Don't call me Yan, it's so eww and it's so manang," maarte kong sabi at inirapan siya.

"So like you," dagdag ni Lorraine sa sinabi ko.

Tumaas ang isang kilay ko. "Shut up, Lorraine!"

"Ano ba, cousins? Magto-throwback lang ba tayo kaya tayo nandito?" naiinis na tanong ni Peter.

"Shut up, Peter!" Unexpectedly, sabay naming nasabi ni Lorraine 'yon.

Sumama bigla ang mukha ni Peter. "Patricia!" asik niya, tinatama ang tawag namin sa kanya.

 His Savage WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon