THE SAVAGE WIFE
by JlessbiiiiimTwelve.
Saturday morning, katatapos ko lang mag-exercise at papasok na ako ng bahay. Sinalubong ako ni yaya at inabotan ng towel saka tubig nang makita ko si Henry na pababa ng hagdanan. He's wearing a black shirt na pinatungan niya ng black leather jacket, blacks pants naman sa lower, naka rubber shoes pa siya at may dalang hindi kalakihang bag.
Inabot ko kay yaya ang bottle of water saka tinanong si Henry. "Going somewhere?"
"There you are. I was looking for you." Naglakad siya palapit sa akin. Bahagya akong napaatras nang isang hakbang na lang ang lapit niya sa akin. "Well, I have a seminar to attend, 3 days and 2 nights."
"Where?" maingat kong tanong, baka isipin niyang curious ako.
"Cebu."
"Who are you with?" Pinilit kong maging kaswal ang boses ko saka umaktong nagpupunas ng pawis sa leeg.
"With Prof. Joyce."
Literal na napatigil ako sa pagpupunas ng pawis saka napatingin sa kaniya. Tss. That professor again? Linta ba siya? Bakit siya palagi ang nakakasama ni Henry? Marinig ko lang ang pangalan ng babaeng 'yon ay umiinit agad ang ulo ko. I really hate her name, most especially her face. One day I am going to fire her!
Nagkibit-balikat ako. "Okay." Then I turned my back at him. Right then, I stopped and smirked secretly. "By the way, daddy called me earlier. He told me he's coming home tomorrow and he wants to have dinner with us in Peter's restaurant."
"What? But I can't. Importante ang seminar na 'to," he said.
I turned my face to him. "Then why not tell daddy that you can't because your seminar is more important than his arrival," malumanay kong tugon.
Napanood ko siya nang sapohin niya ang kaniyang noo. "It's not like that, okay. Hindi ako pwedeng hindi um-attend sa seminar-"
I cut his words. "Ang sabihin mo, hindi ka pwedeng basta na lang umalis dahil kasama mo si Gummy roon," sarkastikong sabi ko dahilanpara mangunot ang noo niya.
"What? Who the hell is Gummy?" nalilito niyang taong.
"Gummy. That professor na dikit ng dikit sa 'yo at tinatawag mo lang na colleague." Inirapan ko siya.
"What? Sania, ito na naman ba ang issue mo? Why do you always bring her up?" Naiinis na siya.
"Oh? So, ngayon galit ka sa akin dahil binabanggit ko na naman ang propesor na 'yon? Fine! Hindi ko na siya babanggitin pa. Anong care ko sa inyo! Sasabihin ko na lang kay daddy na ang magaling kong asawa ay hindi makaka-punta sa dinner dahil hindi niya maiwan-iwan ang kabit niya sa seminar!" Sinamaan ko siya ng tingin bago tinalikuran. Nakita ko pa ang hindi maipinta niyang mukha.
Maglalakad na sana ako paalis nang hawakan niya ang wrist ko saka pwersahang hinarap sa kaniya.
"Ouch! Ano ba!" maarte kong reklamo.
"What kabit are you saying? Wala kaming relasyon ni Joyce. Mag-kaibigan lang kami, okay!" Now he's being defensive.
Marahas kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya saka inirapan siya. "Whatever! Wala naman akong pakialam kung maglumpongan kayo ng kabit mo sa harap ko. In fact, I do not care kung may babae ka man! Tsk!" Maglalakad na sana ako paakyat pero huminto ako at sinabing, "You said you will do anything just to gain my trust again. Well, how can you gain my trust if you keep on giving me a reason not to trust you again. You just keep on proving to me that you doesn't deserve a second chance."
BINABASA MO ANG
His Savage Wife
Storie d'amoreIsang mahinhin, masiyahin, mapagmahal at mabait, iyan si Jouisania NOON. Isang spoiled brat, maldita, pilosopo, maarte, conyo at makulit, iyan si Jouisania NGAYON. Nagbago ang lahat kay Sania nang dahil sa isang pagtataksil ng lalaking pinakamamaha...