SANIA 13: LIED

6 0 0
                                    

THE SAVAGE WIFE
by Jlessbiiiiim

Thirteen.

Quarter to 9 na no'ng umuwi ako ng bahay. Magtataka na sana ako kung bakit walang sumalubong sa aking yaya or katulong, nang maalala kong day-off nga pala nila ngayong araw at sa Monday na ang balik nila. Tsk! Kung bakit ba naman kasi sabay-sabay pa ang day-off nila? Tuloy ay wala akong mapagu-utosan. Tanging mga guards lang ang nandito.

Nagtungo muna ako sa kitchen para uminom ng tubig. Actually, nakakapanibagong walang nag-aasikaso sa akin na katulong. Matapos akong uminom ng tubig, umakyat na ako sa 'taas. Nadaanan ko ang kwarto ni Henry. Bago tumuloy sa kwarto ko, nilapitan ko muna ang kwarto niya. Bubuksan ko na sana ito pero it's locked. Hmm, maybe he learned already. Ni-lock 'yong room niya para hindi ko mapasok.

Tss. 'Kala naman niya gusto kong pumasok sa kwarto niya? It's stink kaya.

Basta ko na lang tinapon ang signature bag ko sa couch nang makapasok sa kwarto at saka nagtungo sa banyo. Halos 1 hour din akong nagbabad sa bathtub bago ako nagbihis ng pajamas at nahiga sa kama.

Pero halos nagawa ko na ang lahat ng posisyon para lang makatulog, still, I can't find my comfort to fall asleep. Naiinis na rin ako dahil gusto ng pumikit ng mga mata ko pero parang ang utak ko ay gising na gising. It's like I heard every sound in my surroundings, even the quietest noise. I feel like there is something I wanted to do, but I literally don't have any single idea of what it is. That is why my mind is still literally active at this hour. It's almost midnight, the heck! Let me sleep, for chuckie's sake!

My eyes are half-closed but I still managed to get up. I really can't sleep. Napagdesisyonan kong umupo muna, baka sakaling mas antokin pa ako at paghiga ko, tulog na ako agad. But it didn't happened, dahil halos kalahating minuto na akong naka-upo sa kama at nakapikit, sobrang active pa rin ng brain ko.

Kinuha ko 'yong cellphone ko na nasa side table at tinignan 'yong oras. 5 minutes na lang 12 midnight na.

My eyes are still half-closed nang i-dial ko ang number ni Henry. I literally don't know why I am calling Henry at this late but my hands are just doing it. Halos papikit na ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Henry sa kabilang linya.

"Sania? Late na, ha? Gising ka pa?" nagtatahkang tanong niya.

"I think... I think I heard... something," mahinang tugon ko.

"What? Is something wrong? Hindi ko masyadong marinig ang boses mo."

"I think I've heard a strange noise from outside." Seriously, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi ko ngayon. Right now, I don't have any control of the words coming out from my mouth.

"Sania? Who are you with, right now? Off duty rin ba ang mga guards?" Nag-aalala na ang boses niya ngayon.

"No. Pero I've heard a kalabog kanina sa labas. I'm scared, Henry." Even my voice is shaking. I mean, what the heck? Sinasaniban ba ako ng kung anong crazy spirit? Nakapikit ako, eh, feeling ko nakalutang ako. Hindi naman ako nagda-drugs.

Sunod kong narinig ay parang may kumalabog sa kabilang linya.

"Sania, tell me. Where are you right now? Nasa kwarto ka ba? Huwag kang lalabas diyan kahit anong mangyari. Lock the door and if someone knock, don't open, understand!" Animo'y hinihingal na aniya, na parang tumatakbo. "Don't hang up! I'm coming!" I heard an elevator opened. Wala na akong naririnig pa mula sa kabilang linya kundi ang kaniyang mabibigat na paghinga.

Dahan-dahan akong napahiga sa kama, patagilid. Kasabay ng unti-unting pagpikit ng aking mga mata ay wala na rin akong narinig sa kabilang linya. Nagising na lang ako dahil sa malakas na pagbukas ng pinto sa kwarto.

 His Savage WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon