SANIA 8: OPLAN: TULUYANG MAWALA SI HENRY SA BUHAY NI SANIA

6 0 0
                                    

THE SAVAGE WIFE
by Jlessbiiiiim

Eight.

“Good morning, Miss Sania.” My yaya greeted me when she entered my room. May hawak siyang tray ng breakfast.

Ilalapag na sana niya ang tray sa side table ko nang pigilan ko siya.

“Yaya, just bring it back downstairs. Sa veranda ako magbe-breakfast,” malumanay kong sinabi. Tumango siya at tatalikod na sana nang aking tawagin. “Yaya, is Henry awake already?”

“Opo, miss Sania. Gusto n’yo ho bang puntahan ko para sabihing bumaba na para sabay kayong mag-agahan?”

“No. Ako na lang ang pupunta sa room niya.” Ngumiti ako ng pagkatami-tamis na ikinataka ng aking yaya.

“Mukhang maganda yata ang gising n’yo, miss Sania,” nag-aalangang sabi niya.

Ngumiti ulit ako. “Yes. I had a really wonderful dream last night.”

“Ah, talaga po? Sana ay palaging maganda ang iyong panaginip para nakangiti kayo palagi ng ganiyan.” May sincerity sa voice ni yaya. Lumabas na siya ng room ko.

I look myself in front of my vanity mirror. I smiled. I’m so gorgeous, as always. Aside sa maganda ako, kaya ako nakangiti ay dahil maganda ang aking gising. At alam kong one of these days ay babalik na sa dati ang lahat. Wala na akong kaagaw sa school, mag-isa ulit ako rito sa maganda kong mansyon at magdi-disappear na ulit si Henry sa life ko.

Lumabas ako ng kwarto at dumiritso sa kwarto ni Henry which is katapat lang din ng room ko. I knocked few times before he opened the door. As soon as he opened the door, as smiled as sweet as I can.

“Wanna join me for breakfast?” Feeling ko masusuka ako sa uri ng pagkaka-sabi ko. ‘Yon na yata ang pinaka-pilit na pagpapa-sweet ang nagawa ko.

Kunot-noo siyang tumitig sa akin. Marahil ay nagtataka sa sinabi ko. He’s already in his uniform. But his hair is still messy.

“Ahm, sure.?”

Tumingin ako sa loob ng kwarto niya but I can’t see the inside dahil maliit lang ang awang ng pinto. Walang paalam kong itinulak ang pinto kaya tuluyan itong bumukas. Nakita ko sa peripheral vision ko na nabigla siya sa aking ginawa pero nagtuloy-tuloy ako papasok sa loob.

Bahagya akong tumango-tango nang makita kung gaano ka-linis ang kwarto niya. Though it is my mansion but this is the first time na pumasok ako sa kwartong ito. Itim ang tema ng kwarto, maliban sa mga kurtina na may halong puti ang kulay na nakahawi sa gilid. Ang amoy naman ay lalaking-lalaki. Napapikit ako nang my maalala. This scent. The familiar scent, which was once became my favorite.

Napadilat ako saka napailing. What am I thinking? Huh! A stupid useless memory na hindi na dapat pa binabalikan. Nilibot ko pa ng tingin ang buong kwarto niya. Pinasok ko rin ang walk-in-closet, tinignan ang laman niyon mula sa mga damit hangang sa pinakamaliit na alahas niya. Tahimik akong bumilib sa ganda ng mga collection niya, mula sa mamahaling relo, necktie, suit, hangang sa mga pabango. May isang estante na gawa sa glass na para sa mga pabango niya lang. Ang dami niyon ngunit iisa lang ang palagi niyang ginagamit.

Maging ang table niya kung saan nakalagay ang mga gamit at mga importanteng papel sa trabaho niya ay hindi nakatakas sa aking paglilibot. Binuksan ko maging ang mga drawers, mula sa pinaka-mataas hangang sa pinaka-ibaba wala akong pinalamapas. Nakasunod lang si Henry sa akin, nakamatsag sa aking ginagawa.

“You’re room is really really really neat,” sabi ko matapos ang paglilibot sa kwarto niya.

“Thanks. You know me. I’m well organize.”

 His Savage WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon