SANIA 10: SORRY

4 0 0
                                    

THE SAVAGE WIFE
by Jlessbiiiiim

Ten.

“Are you sure, daddy? Y-you’re not going to fire him or something?” kunot ang noo kong tanong kay daddy sa kabilang linya.

“Pfft. Why would I fire him? Part-owner siya ng school, in fact, siya pa nga ang may karapatang mag-fire ng school personnel,” kaswal na sagot ni daddy.

My hand formed into fist. Naiinis ako! Hindi pinatawag si Henry kanina sa dean’s office para pagalitan dahil sa sex video, pinatawag siya para itanong kung totoo bang may gustong sumira sa kaniya at kung may idea ba siya kung sino ang gustong sumira sa kaniya. Dahil iniisip nila na frame up ang nangyari. Bwesit talaga! Nakarating kay daddy ang balita dahil itinawag agad ng dean. Ito namang si daddy, pina-imbistigahan kaagad.

“But, daddy, paano naman kayo nakasisiguro na may gustong sumira kay Henry kaya sinwap ang laptop niya? Eh, kararating niya lang sa school no’ng gamitin niya ang laptop. Ibig sabihin kaniya ang laptop at marami talag siyang sex video sa laptop niya. Remember what he did to me?” giit ko pa.

“My princess, kaya nga pinaiimbisitigahan ko. Hindi naman pwedeng akusahan natin si Henry agad, may-ari rin siya ng school-” I cut daddy’s words.

“Ah, so, dahil part-owner siya ng school hindi niya na magagawa ang bagay na ‘yon? Come on, daddy! He’s a cheater! Nagawa niya ngang makipag lumpungan sa pinsan ko dati, hindi ba? Kaya hindi malayong may mga kalahayan din ‘yang tinatago!”

“Wait. Is this still all about the issue of what happened in your class, or the issue in your past?”

Literal akong natigilan sa sinabi ni daddy. Part of me ay natamaan sa sinabi ni daddy. Tuloy ay hindi agad ako nakasagot.

“Of course not. The point here is he made a mistake kaya nararapat lang na bigyan siya ng punishment. Ke frame up man o hindi, he deserves a punishment!”

“But don’t you think it is unfair to Henry? Wala siyang kasalanan tapos siya pa ang mapaparusahan?”

“Bakit ang laki ng tiwala n’yo kay Henry, daddy? Gano’n ba siya ka trustworthy para paniwalaang n’yong hindi niya kayang gawin ang bagay na ‘yon?” mahina kong sabi.

Narinig kong napabuntong-hininga si daddy. “My princess…” He’s out of words.

Napatingin ako sa may main door nang marinig ko ang engine ng sasakyan ni Henry na huminto sa labas.

“I gotta go, daddy. Bye.” I immediately ended the call. Umupo ako sa sofa saka binuksan ang tv.

Narinig ko ang pagbukas ng main door at ang pagsara nito. Alam kong nakapasok na si Henry pero hindi ko pinansin. Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa gawi ko.

“Sania, let’s talk,” seryosong aniya pero hindi ko siya pinansin. Tutok ang mga mata ko sa tv pero ang atensyon ko ay wala roon. “Sania,” muling tawag niya sa akin pero nagbingi-bingihan ako. “Sania.”

Sinamaan ko siya ng tingin nang iharang niya ang kaniyang katawan sa harapan ko.

“Ano ba! Umalis ka nga!” singhal ko sa kaniya.

Pero nanatili siyang nakatayo sa harapan ko.

“Mag-uusap tayo,” mauwtoridad niyang sabi.

“Ano bang pag-uusapan natin?” inis kong tanong.

“Alam kong ikaw ang nag-swap ng laptop at sa ‘yo ang laptop kanina.”

Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Oh, tapos? May pruweba ka?” sarkastikong tugon ko.

 His Savage WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon