SANIA 4: GROW OLD WITH YOU

8 0 0
                                    

HIS SAVAGE WIFE
by Jlessbiiiiim

Four.

5 year ago...

"Couz, what do you think? Enough na ba 'yong 350 visitors para sa party ko?" I asked my cousins.

"What? 350 lang? We thought you're going to invite the whole school?" Lore looked shocked.

"Pero hindi ba sobrang dami naman?"

"Of course not. Kulang pa nga 'yan, eh," sagot ni Peter.

Napakamot ako sa ulo ko, sa ganoong paraan ko ipinakita ang pagiging inosente ko sa ganitong bagay. Well, perks of being an introvert. Sa tuwing may party ang isa sa mga kaklase ko ay hindi ako pumupunta. Hindi ako sanay na um-attend sa party ng iba. Yes, I had my own party pero limited lang ang guests. Kadalasan ay mga taong kilala sa business world, family and relatives lang ang bisita. Honestly, I've never invited a friend, kasi hindi naman ako nagkaroon ng kaibigan. Well, aside from Henry and my cousins ay wala na akong matatawag pang kaibigan.

"Gano'n ba?" nakanguso kong tanong.

"Definitely," my cousins answered me in unison.

So we decided to invite all my schoolmates. I mean, they invited the whole school. My cousins are well-known in our school. They are well-known for their achievements, the title they hold, beauty and their brains. While me. Me? I am well-known as The Decosta's Cousin. Iyon lang ako. Well, perks of being an introvert again. I rarely interact with others. I prefer to be alone. Ang madalas ko lang nakakasama ay ang mga pinsan ko at si Henry.

"Oh, that dress is so cute, it suits me." Narinig ko ang maarteng boses ni Peter.

"Eww? I thought you don't wear girly outfits?" sagot ng nandidiring boses ni Lore.

Nasa likod namin ni Angel sina Peter at Lore, nagsho-shop online ng mga bagong damit.

"Duh! I just had a thought na bagay sa akin ang dress pero hindi ko sinabing magsu-suot ako ng dress. I still have a respect to my sex." Nai-imagine ko ang itsura ni Peter na iniirapan si Lore matapos sabihin 'yon.

"Party at Yanyan's house. Tomorrow at 8 pm," sabi ni Lore sa isang grupo ng mga babae pagpasok namin sa cafeteria.

"Yanyan's house, tomorrow at 8 pm."

Paulit-ulit iyong sinasabi nina Lore at Peter sa mga schoolmates naming madadaanan namin patungo sa table namin.

"Ganyan ba talaga kapag magi-invite ng bisita sa party?" inosente kong tanong kay Angel na katabi ko habang naglalakad.

Nagkibit-balikat siya. "Siguro. 'Yan ang nakikita ko sa tuwing magpapa-party sila, eh."

Angel and I are the innocent once among our cousins. But unlike me, hindi siya introvert. She's quite friendly. She loves to eat and eat and eat pero hindi tumataba. While Lore and Peter, they love online shopping. Iiyak ang araw kapag lilipas itong hindi nakakapag-online shop ang aking dalawang pinsan.

Narinig kong maarteng napasinghap si Peter. "Cousins, 2 o'clock."

Tumingin kami sa left side ng cafeteria.

"Oh my God? Magkasama na naman sila?" rinig kong sambit ni Angel.

"What's with them? Napansin kong napapadalas ang pagkakasama nila, ah?" dagdag ni Lore.

I want to look away. I want to go but I can't move. I feel like a nails are being hammered in my heart right now. Henry is with Aira. Silang dalawa lang. Napako ang mga mata ko kay Henry. Tumatawa siya habang magkausap sila ni Aira. Si Aira ay panay ang hawak sa balikat ni Henry. Wala akong karapatan na makaramdam ng ganito but I can't stop myself from being jealous.

 His Savage WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon