Sa isang class na restaurant ng tungo ang magkaklase..
Napatingin ang iilan sa kanilang pasok dahil pawang mga ordinaryong estudyante lang ang kanilang hitsura ngunit si Angel ay parang walang pakialam sa mga tao na naroroon na halatang may mga sinabing tao sa lipunan.."dito ka muna sandali.."
ani ni Angel kay Czanjah na nooy pinaghihintay nya sa entrada ng nasabing restaurant..
Nag tungo si Angel sa may counter ng restaurant at kaswal lang itong nakikipag usap sa receptionist doon..
Dinampot ng receptionist ang telepono at tela may kausap ito sa kabilang linya..
maya maya ay ibinababa na ng receptionist saka tinawag ni Angel si Czanjah papalapit neto sa kanya..Agad naman lumapit si Czanjah sa kaklase at tunungo nila ang kitchen ng nasabing restaurant..
Bumungad kay Czanjah ang ilan sa mga kusenero na nooy nagluluto at bahagyang napatingin ito sa kanila ngunit si Angel ay parang baliwala na lang dito ang mga makahulugang tingin ng mga kitchen staff sa kanila..
Pumasok sila sa isang stock room ng restaurant at sinalubong sila ng isang bruskong lalaki na nasa loob neto..
binulungan ni Angel ang lalaki at tumango ito
may iilang mga sangkap na pangluto ang nakita ni Czanjah..
ngunit nanlaki ang kanyang mga mata ng may pintudin mula sa isa sa mga dingding ang lalaki na nagpabukas ng isang pinto!Binuksan ito ng lalaki at bumungad sa kanya ang isang metal na pinto!
"elevator!?"
ang pagkabigla ng kanyang utakBumukas ang pinto ng elevator at doon at tahimik na syang sumunod sa pagsakay kay Angel..
Nagtatahip ang kanyang dibdib sa kaba dahil di nya alam kung anu ang kanyang kahihinatnan sa pagsama nya sa kanyang kaklase..
ngunit ng maalala ang kanyang ina ay nilakasan nya amg loob..."Dios ko..kayo napo ang bahala saken..
ang importante ay mailigtas ko si inay.."
ang taimtim na dasal ni Czanjah..Batid ni Czanjah na pababa ang destinasyon ng elevator..
at nang bumukas ang pinto ng elevators ay napansin pa nya ang isang mahabang pasilyo na kanilang nilakaran at doon ay may isang pang pinto na kulay pula..
Binuksan ng lalaki ang pinto at bumungad sa kanya ang isang magarbong opisina.."Lady Butterfly nandito napo sila.."
ang pahayag ng lalaki ng sa babaeng nakatalikod sa kanila na nakaupo sa swivel chair.."sige iwan mo na kame.."
ang utos ng babae..Nang maisara ang pinto ay lalong dumagundong ang dibdib ni Czanjah..
"easy ka lang.."
ang bulong ni Angel sa kanya dahil napansin neto ang kanyang pigil na pagpapanic..Tumango lang sya sa kaklase..
"anung sadya mo Angel?natapos mo na ba ang serbisyo mo sa iyung client?"
ang tanung ng babae kay Angel..Bagamat naguluhan si Czanjah sa tanung ng babae ay minabuti nyang nakinig na lang dito..
"hanggang bukas na lang ang kontrata ko sa kanya.."
ang tugon ni Angel.."so anu ang pinunta mo dito?"
nanatili ang babae sa kanyang swivel hair.."may kaibigan akong gustong kumita ng dagliang pera.."
ang derechahang sagot ni Angel..Agad na humarap si Lady Butterfly sa dalawang babae..
Isang mestisang singkit na naka long dress na red at full sleeve ang nasilayan ni Czanjah..
Halata sa babae na nasa mid-forty na ito ngunit maaaninag parin ang maganda netong mukha..
napaka elegante at glamorous ang dating ng babae.."siya ba ang tinutukoy mong kaibigan?"
usisa ni Lady Butterfly..

BINABASA MO ANG
My Dominant Slave
Romance"What are you doing Czanjah!? pakawalan mo ako dito! I'm your master!" ang singal ni Charles sa kanyang submissive habang nakatali ang kanyang mga kamay sa magkabilang dulo ng head board ng kanyang kama.. Ngunit parang bingi si Czanjah na walang na...