chapter 6

210 4 0
                                    

Nagising si Czanjah sa pananakit ng ulo..
dahan dahan nyang idinilat ang mata ngunit dahil sa naliliyo pa sya sa mga sandaling  yun kaya ipinikit nya ulet ang kanyang mga mata..ngunit ng mapansin na di pamilyar ang paligid na kanyang nabungaran ay agad syang dumilat ulet saka dagling bumangon!

"ah!?"
ang pagsapo nya sa kanyang ulo nang makabangon ang dalaga..

Dahan dahan ay inangat nya ang kanyang ulo saka siniyasat ang paligid..
Simple ngunit mailalarawan sa silid ang magarbong desenyo ng neto..lalo na ang malambot na kamang kanyang hinigaan..

Agad namang bumaba si Czanjah sa kama at kabadong kinapa kapa ang sarili..
Nang wala namang syang naramdaman na iba sa katawan maliban sa pamimigat ng kanyang ulo...saka napansin nyan ang kanyang sout na maluwag na puting tshirt..

Bumalik sa kanyang alaala ang nagdaang gabe sa club ngunit ang huli lang nyang naalala ay tagpong nasa entablado sya na mat kung sino na humahagupit at humahawak sa katawan nya!

Pilit nyang inaalala ang taong sumaklolo sa kanya ngunit di na nya naaninag ito dala ng kanyang pagkaliyo..
Kinilabutan sa takot si.Czanjah sa kanyang mga naalala sa nagdaang gabi kaya dali dali syang lumabas sa silid..

Dahil nasa taas ang nasabing silid kaya bumaba sya at naratung ang isang malawak at napa eleganteng sala...

"Gising na pala kayo Miss.."

Ang bati sa kanya mg isang may katandaan nang lalaki na parang waiter ang kasuotan nito..sa.tingin ni Czanjah ay katiwala ito ng kabahayan..
Napatigil si Czanjah at kinakabahang nakatitig sa matanda..

Bahagya sanang lalapit ang matanda sa kanya ngunit umatras sya

"wag kang lalapit!"

saka dumampot ng isang babasaging muwebles at akmang ipapalo o ihahampas sa matanda kung magpipilit itong lumapit sa kanya

Hindi na nagpilit pa ang matanda at kalmado na lang itong nagsalita sa kanya..

".ang bilin saken ni sir ay ipaghanda kita ng almusal..and your breakfast is ready Miss.."
ang magalang na tugon sa kanya ng matanda..

Bahagya namang kumalma si Czanjah at ibinalik ang muwebles na kaninang hawak..

"a-ayokong mag almusal..gusto ko nang umuwe!"
ang kanyang madiin na tugon sa matanda..

Dumukot sa bulsa ang matanda at inilabas ang isang maliit na bell saka inalog ito upang tumunog..

"kling!kling!"
tunog ng bell saka lumapit ang isang babaeng nakasout ng unipormeng pangkasambahay..

"Pakisabi sabi sa driver na ihanda ang kotse..aalis na ang bisita nya.."
ang utos ng matanda sa maid at agad namang itong tumalima upang sundin ang utos ng matanda at bumaling ulet ito kay Czanjah..

Dahan dahang kumilos si Czanjah upang lumabas ng bahay at nang makalagpas sya sa matanda ay bigla syang tinawag neto..

"Miss sandali.."

Bahagyang nagulat at napatigil si Czanjah at dahan dahan nyang nilingon ang matanda..

"Miss iniwan ni sir para sayo.."
isang cellphone ang inilapag ng matanda sa center table ng sala..

Rumihistro ang pagtatakang tanung ni Czanjah sa matanda kung para saan ang cellphone na iyun..

Maya maya ay tumunog ang cellphone na inilapag ng matanda..

Hindi sinagot ng matanda ang cellphone sa halip ay lumayo ito sa center table kung saan nakalapag ang ito upang bigyan daan ang dalaga para sagutin ang tawag..

Tahip ang dibdib ni Czanjah na nakatitig sa cellphone na may bahid na pagkaatubili na sagutin ito ngunit may kung anung tinig sa kanyangnutak na safutin ang tawag..

My Dominant SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon