Humahangos pa si Czanjah ng marating ang ICU..pagkasuot ng PPE ay agad syang pumasok sa nooy sinusuri ng doctor ang inang nahihirapan pa sa kalagayan neto..
"Inay.."
ang naluluha nyang sabi sa ina habang lumapit sya neto sa gilid ng kama.."anak.."
ang tipid na sabi ng ina sa kanya.."Miss..gusto kitang makausap sandali.."
ani ng doctor kay Czanjah."sige po doc.."
sagot nya sa doctor at bumaling sa ina.."inay sandali lang po..babalik din ako agad.."
Marahang tumango ang kanyang ina sa kanya..
Sa labas ng ICU kinausap ng doctor si Czanjah..
"Miss..kinakailangan na ang agarang operasyon ng iyung ina..dahil kung hindi ay maaaring malumpo at baka maging lantay gulay sya habang buhay.."
ang paliwanag ng doctor sa kanya.."doc..ihanda nyo na agad ang pag opera sa nanay ko..may pang deposito napo ako para sa operasyon nya.."
Ngunit kumunot na ang noo ng doctor dahil wala pa naman itong kahit anung halaga na naideposito sa ospital..
Dinukot ni Czanjah ang kanyang bag..ngunit napansin nya na wala pala doon ang kanyang lumang cellphone upang sana ay tawagan ni Angel..naalala nya na naiwan nga pala nya ang sa club ang gamet nya..
"sige Miss pagmay pang deposito kana ay agad nating ihanda ang operasyon ng iyung ina.."
Sabay talikod ng doktor sa kanya..Nanlumo si Czanjah habang nakaupo sa bakanteng upuan ng ospital..gusto sana nyang pumunta sa club ngunit di parin nawala sa kanyang isip ang nangyare sa kanya kagabi kayat nag aalangan syang bumalik doon..
nang may biglang tumawag sa kanya.."Czanjah!"
si Angel at bitbit ang naiwang bag nya..Lumapit ang babae sa kanya at inabot ang kanyang bag..
"alam kung di kita matawagan kaya sinadya na lang kita dito sa ospital heto nga pala yung bag mo.."
sabay abot ni Angel sa bag ni Czanjah at inabot naman nya.ito.."salamat Angel.."
"sya nga pala andyan na yung payment mo sa bid kagabe,,"
Agad namang tinignan ni Czanjah ang loob ng bag at saka nakita ang tatlong bugkos ng tig lilibuhing pera..
Napatingin si Czanjah kay Angel na nooy nakasout ito ng dark sunglasses..
"hindi na binawasan ng porsyento ni Lady B yan..buong Three hundred thousand yan..yan yung kabuuang bid mo kagabe.."
ang sabi ni Angel sa.kanya..May bahid na pag aalangang tanggapin ni Czanjah ang pera ngunit alam nyang sa pera na ito ay maisasalba ang buhay ng nanay nya..
"alam mo naman siguro kung anu ang magiging kapalit nyan Czanjah?"
Tumango lang si Czanjah sa babae..
"pakabait ka lang..sundin mo lang lahat ang gusto nya para di ka nya mapaparusahan.."
"paparusahan? baket?"
ang nagtatakang tanung ni Czanjah.."di ko masasagot yan sa ngayun..mauunawaan mo din ang mga sinasabi ko sayo pagnag umpisa kana sa kontrata mo.."
Tinubuan ng kaba si Czanjah sa mga nakakapagtakang salita ni Angel..
"sige Czanjah..aalis na ako ikamusta mo na lang ako sa nanay mo.."
sabay talikod ni Angel sa kaklase.."sandali lang Angel.."
pinigilan ni Czanjah si Angel sa braso ngunit napaigtad ito na para bang may kung anung masaket sa pagkapit nya sa braso ng babae..
BINABASA MO ANG
My Dominant Slave
Romance"What are you doing Czanjah!? pakawalan mo ako dito! I'm your master!" ang singal ni Charles sa kanyang submissive habang nakatali ang kanyang mga kamay sa magkabilang dulo ng head board ng kanyang kama.. Ngunit parang bingi si Czanjah na walang na...