Nakatayo na sila Czanjah at Angel sa isang class na restaurant upang ayusin ang sarili para sa mamayang gabing magaganap na bidding ng mga babae para maging sex slave ng ilang mayayamang mga kalalakihan depende sa laki ng perang makuha neto..
Saglit na huminto si Czanjah at pinagmasdan ang naturang restaurant..
kapansinpansin ang mga promenenteng tao ang kumakain dito..na halata talagang mga mayayaman at may sinabi sa buhay.."napaka unfair talaga ng mundo.."
ang malungkot na bulong ni Czanjah sa sarili habang nakatingin sa mga mayayamang kumain sa loob ng restaurant at animoy nagpapasiklaban ng mga sout netong mga mamahaling alahas..samatalang sya ay papasok sa loob ng restaurant upang ipain ang sarili para makalikom ng pera para sa operasyon ng ina.."may pagkakataon ka pang umayaw kung gusto mo Czanjah.."
ang untag sa kanya ni Angel..Humugot sya ng malalim na paghinga saka umiling.
"hindi Angel..wala nang atrasan pa..kailangan kong maisalba si inay.."
ang lugmok nyang sabi sa kaklase.."tulad ng sinabi ko sayo noon..tibayan mo ang loob at sikmura mo..para sa operasyon ng inay mo.."
ang pampalakas loob na sabi ni Angel..Tumango sya bilang tugon kay Angel saka nagtuloy na sila sa loob ng restaurant..
Walang ganang magtarabaho si Charles sa araw na iyun..ngunit nakaupo lang sya sa kanyang swivel chair habang inaantay ang resulta ng kanyang inuutos sa assistant..
maya maya ay tumunog ang telepono na agad namang sinagot ni Charles"hello sir..nakuha ko na po ang pangalang ng babaeng inuutos nyo..Czanjah Marie Gustavo po ang pangalan nya..nagpapart time po sya sa fastfoodchain ..at ang sabi ng manager ay nasuspendi po sya ng isang linggo dahil may nakasagutan daw itong costumer kaninang umaga..
"what?"
ang pagkabigla ni Charles ng marinig na nasuspendi ang dalaga sa trabaho.."ang anu po sir?"
"no-nothing..never mind Jane...thanks for the info.."
saka ibinaba na nya ang telepono..Napasandal si Charles sa kanyang swivel chair na nakahilig ang kanyang ulo sa sandalan na nakatingala sa kisame ng kanyang office na nakatitig sa kawalan..
Sa unang pagkakataon ay nakadama sya ng guilt dahil pakiramdam nya ay sya ang naging dahilan ng pagkasuspendido ng dalaga..pero kung tutuusin kasi ay di naman sya apektado sa mga ganung klaseng insedente dati dahil wala syang pakialam kung matanggal man sa trabaho ang isang empleyado..
Nauntag sya sa kanyang pag iisip ng may biglang nagbukas ng kanyang opisina..
Si Albert..ang tinuturing nyang pinsan na anak ng kanilang katiwala na nag alaga at maging guardian nya nang mamatay sa aksedente ang mga magulang.."hey..what's that long face?"
ang bati sa kanya ng nakangising si pinsan.." you really don't know how to knock?"
ang iritableng tugon ni Charles sa pinsan..ngunit pilyo itong ngumiti saka nagtungo sa dahon ng pinto at kumatok..
"knock!knock!"
ang sabi ni Albert sabay katok sa pinto.."happy now?"
sarkastik na sabi ni Albert kay Charles...Napailing na lang si Charles sabay buklat sa mga folders na nasa kanyang harapan..
"what brings you here.."
ang madiin na sabi ni Charles sa pinsan habang ang atensyon ay nasa mga papeles na kanyang tinitignan..Excited namang umupo si Albert sa harap ni Charles
"guess what!?"
ang masiglang sabi ni Albert..Ngunit kumunot lang ang noo ni Charles na animoy nagtatanung at nagtataka sa tinuran ng pinsan..

BINABASA MO ANG
My Dominant Slave
Romance"What are you doing Czanjah!? pakawalan mo ako dito! I'm your master!" ang singal ni Charles sa kanyang submissive habang nakatali ang kanyang mga kamay sa magkabilang dulo ng head board ng kanyang kama.. Ngunit parang bingi si Czanjah na walang na...