Nagpapatulong ako kay Joaquin kung paano ko sasabihin sa magulang ko na buntis ako. Pero sabi ni Joaquin sabihin nalang namin ng sabay mamaya dahil mag me-meet mamaya ang family namin pag uusapan yung wedding namin.
Nandito na kami ni Joaquin sa restaurant. Nagpareserve kami sa isang fancy restaurant sa isang function room VIP.
"Love kinakabahan ako" saad ko
Tumingin naman sya saakin.
"Don't worry love di kita papabayaan" nakangiting saad nya
Ngumit naman ako sakanya. Napalingon naman kami sa may pinto dahil bumukas yun. Andito na magulang at magulang ni Joaquin. Bumalik kaba ko tangina.
Dumating na yung mga pagkain at nag umpisa na rin kami mag usap.
"Mom, Dad, Tita may sasabihin po kami" mahinang saad ko
Hinawakan naman ako ni Joaquin sa kamay.
"Tita, Tito buntis po si Monica" saad ni Joaquin
Nakita ko naman yung gulat na dumaloy sa kanilang mukha.
"B-buntis?" Di makapaniwalang tanong ng mommy ko
Tumango naman ako.
"Ano plano nyo nyan?" Tanong ng mommy ni Joaquin "Magpapakasal po" saad ni Joaquin "Engage na kayo?" Tanong ng mommy ko "Opo" mahinang saad ko
Ngumiti naman sila. Naging maganda ang usapan namin ASAP daw sana na makasal kami para di daw mahirap sa birth certificate ng magiging anak namin.
Simula ng malaman ni Joaquin na buntis ako dito na sya tumutuloy sa condo dito na sya nakatira.
"Love gusto ko ng ice cream" saad ko
Nag cracrave ako sa ice cream na DQ tas oreo flavor hehehe.
"Sige mag oorder ako" saad nya
Alam na ni Joaquin na DQ na ice cream yun dahil lagi ako nagpapabili sakanya nun.
3 months preggy na ako. Sabi ng doctor baka next month daw malalaman gender ng baby namin. And i'm already Mrs. Monica Lauren De la Vega - Villanueva. Ang astig dati crush ko lang si Joaquin ngayon asawa ko na. Pagkalipas ng ilang minuto may nag doorbell kaya binuksan ni Joaquin yung pinto. Yung ice cream dumating na yeheyyyy.
"Love oh" saad ni Joaquin
Inabot naman ni Joaquin saakin yung ice cream kinuha ko naman agad yun at kinain. Naramdaman ko naman na tumabi na si Joaquin saakin at kumakain na rin ng ice cream naramdaman ko rin na nakatingin saakin si Joaquin.
"Love dahan dahan nga" sermon ni Joaquin
Nagdahan dahan naman ako ng kain kasi baka mamaya kunin nya saakin at subuan ako.
"Love pag lalake anak natin gusto ko kamukha mo" saad ko habang may laman pang ice cream yung bibig ko.
Tinignan naman ako ng masama ni Joaquin.
"Bago ka nga mag salita lunukin mo muna yang kinakain mo" sermon nya
Tumango tango naman ako sakanya. Tangina ubos na yung ice cream ko. Tinitigan ko naman yung ice cream na akala mo mag kakaroon pa ng laman kapag tinitigan ko.
"Akin na nga yan" saad ni Joaquin
Kinuha naman ni Joaquin yung lalagyanan ng ice cream ko at binigay nya naman yung sakanya. Pag tingin ko doon di pa bawas.
"Bakit di bawas to?" Tanong ko
"Para sa'yo talaga yan" nakangiting saad nyaNapangiti naman ako dahil doon kilig ako mga mars. Natapos na ako kumain nakaligo na rin ako. Matutulog na kami ngayon.
YOU ARE READING
First Love Never Dies
RandomKahit ilang beses mo akong saktan ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. At ng dahil sa'yo naniwala ako sa salitang "First Love Never Dies."