Nagising ako ng yakap namin ni Joaquin ang isa't isa. Fuck ang ganda ng umaga ko ang pogi nung bumungad. Gumalaw naman ako kaya hinigpitan nya yung yakap nya saakin. Luh kala mo naman mawawala ako.
Hinintay ko nalang na magising sya tinitigan ko lang sya sa mukha.
"Love?" Mahinang saad ko "Hmmm?" "Gising na love may pasok pa tayo oh" saad ko
Dinilat nya naman ng dahan dahan yung mata nya.
"Anong oras na?" Tanong nya "6:30 am" sagot ko
Bigla naman syang bumangon. Shit may meeting! Tumayo agad ako pero pag tayo ko napaupo ulit ako kasi ang sakit.
"Uy! Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Joaquin
Tinignan ko naman sya at inirapan sya. Tss.. bala sya dyan.
"Attitude ka nanaman love" natatawang saad nya
Nandito na kami ngayon sa company nila Joaquin may pa meeting sila eh HHAHAHAHAHA mag ka holding hands kaming pumasok sa company nila. Halos lahat ng empleyado doon tinitignan kami.
"Love" bulong ko kay Joaquin "Don't worry love" bulong nya
Nakarating na kami sa floor kung saan nandoon ang meeting room nila.
"Hi Monicaaa!" bungad ni tita Nathalie
Ngumiti naman ako sakanya at nag wave ng hand. Nagulat ako ng bumeso sya saakin.
"Buti nalang nagkabalikan na kayo ni Joaquin dami kasing haliparot na lumalandi kay Joaquin eh" sad ni tita Nell
Napatingin naman ako kay Joaquin at ngumiti lang sya saakin.
Nag meeting lang about sa sales and products kaya medyo natagalan yung tapos. Ewan ko ba nag tratrabaho na ako pero uwian parin yung inaabangan ko.
"Love tara lunch tayo" aya ni Joaquin
Ngumiti naman ako at tumango. Hinawakan naman agad ni Joaquin yung kamay ko.
"Grabe ka naman kyah bilis naman po ng kamay mo" nangaasar na saad ko
Humarap naman sya saakin at ngumisi at lumapit saakin may ibubulong daw sya.
"Sa sobrang bilis napapaungol ka" nangiinis na saad nya
Tinigan ko naman sya at hinampas. Gagong to.
"Joke lang eto naman. Tara kain na tayo" saad nya
Naglakad na kami ni Joaquin at pumunta sa malapit na restaurant.
3 weeks na ang nakalipas nagtataka na ako dahil di pa ako dinadatnan. Dapat last week pa ako nagkaroon eh.
skwadtuwad
Monica Lauren de la Vega: Mga teh tangina.
Scarlett Concepcion: Gago bakit?
Monica Lauren de la Vega: Di pa ako dinadatnan last week pa dapat eh.
Frances Mendoza: Gago ka.. kelan last nyo?
Monica Lauren de la Vega: Last 3 weeks.
Camille Frida Borromeo: Hoy gaga bili ka P.T try mo lang.
Monica Lauren de la vega: Natatakot ako putangina.
Raine Ocampo: Tanga ano magagawa ng takot mo ngayon? Subok lang naman eh.
Frances Mendoza: OTW na sa condo mo.
Scarlett Concepcion: Ako din.
Raine Ocampo: Pass muna.. balitaan nyo nalang ako.
Camille Frida Borromeo: Ako din pass muna may trabaho pa ako.
Margot Emilie Montemayor: Nasa family vacation ako eh. Goodluck nalang Monica. Tiwala lang.
Athena Kayla Vargas: Nasa province ako. Balitaan nyo nalang din ako.Lumabas muna ako ng condo ko at pumunta sa malapit na pharmacy. Bumili ako ng tatlong P.T para sure.
Naka balik na ako sa condo ko hinihintay ko nalang si Frances at Scarlett dahil nga natatakot ako itake.
YOU ARE READING
First Love Never Dies
RandomKahit ilang beses mo akong saktan ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. At ng dahil sa'yo naniwala ako sa salitang "First Love Never Dies."