3RD year college na kami ngayon. Oh my gosh malapit na konti nalang gragraduate na kami konting push nalang. Nasa room kami ngayon at may meeting ang mga teacher. Pinabilog namin yung upuan namin para makapag usap.
"Alam mo ba kanina chinat ko si Joaquin" kinikilig na sabi ni Blaire "Di mo naman sinabi saamin na nilalandi mo na pala yun" natatawang saad ni Jade
Nag panggap nalang ako na wala akong naririnig. Wala akong pakealam sakanya ang landi nya kingina.
"Monica oh nilalandi jowa mo" sigaw nung isa naming kaklase na lalake
Tinignan ko lang yung sumigaw. Ayoko ng gulo kaya hahayaan ko muna sya.
"Ano naman masama doon?" Nakangising tanong ni Jade "Ang masama doon alam nyong may jowa yung tao nilalandi nyo pa" saad nung isa naming kaklase na babae
Napabuntong hininga nalang ako. Ayoko ng ganito. Ayoko ng gulo. Sawa na ako sa gulo.
"Alam nyo hindi pa naman sila kasal kaya pwede pang agawin" proud na saad ni Blaire
Tumingin lang ako kela Frances at tinignan naman ako nila Camille. Napakunot noo si Camille parang gusto nya na sugurin sila Blaire.
"Tanginang pag iisip yan. Sigurado kabang nag aaral ka?" Tanong ni Camille
Hindi na napigilan ni Camille yung sarili nya kaya nag salita na sya.
"Oh ghurl wag ka makealam dito" nakangiting saad ni Lara "Wag din kayo makealam sa relasyon nila Joaquin at Monica" nakangiting saad ni Camille
Napayuko nalang ako kasi ang gulo na talaga.
"Ang oa nyo guys ano bang mali sa mang agaw?" natatawang tanong ni Lara
Napapikit nalang ako at kunwari wala akong naririnig. Nakakairita boses nila Blaire, Jade, at Lara eh.
"Seryoso ba di nyo alam yung mali sa mang agaw ng jowa ng iba? Ay sabagay gawain nyo yun kaya di nyo alam kasi para sainyo tama yun" kalamadong saad ni Frances
Tumayo nalang ako lumabas ng classroom. Nag punta ako ng c.r dahil sobrang gulo na doon sa classroom at dito sa c.r tahimik ako lang mag isa makakapag isip ako.
"Ano kaya chat ni Blaire kay Joaquin? At ano naman reply ni Joaquin?" Tanong ko sa sarili ko
Humarap naman ako sa salamin. Joaquin loves me, he loves me. Yun ang pinasok ko sa utak ko. Ng okay na ako at handa ng harapin sila Blaire lumabas na ako ng c.r. Pag labas ko ng c.r nakasalubong ko si Joaquin, James, Liam at Kyle.
"Uy bebe mo" sabi ni Kyle kay Joaquin sabay turo saakin
Ngumiti naman ako sakanila. Naglakad na ako pabalik ng room pero may biglang humatak saakin.
"Galit ka?" Tanong ni Joaquin
Hinarap nya ako sakanya. Iniwan naman kami nila James, Kyle at Liam.
"Hindi" maikling sagot ko "Eh bat mo ako iniiwasan?" Tanong nya
Ngumiti lang ako sakanya.
"Nag chat saakin classmate mo nilalandi nya ako Love awayin mo nga" naka pout na saad nya
Mas lalo naman akong napangiti. Pag may lumalandi sakanya sinasabi nya saakin at sasabihin nya na awayin ko daw.
"Spread love not hate" nakangiting sabi ko sakanya "You're too kind" seryosong saad nya
He really hates it pag nagiging sobrang bait ako. Feeling nya kasi pag ganun ako maabuso yung kabaitan ko. Bumalik naman na kami sa classroom namin. Gusto ko nya ako ihatid sa classroom namin para daw makasama nya pa ako ng matagal pero umayaw ako. Mahirap na may malanding umaaligid. Pag balik ko ng classroom umupo ulit ako doon sa upuan ko.
YOU ARE READING
First Love Never Dies
De TodoKahit ilang beses mo akong saktan ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. At ng dahil sa'yo naniwala ako sa salitang "First Love Never Dies."