Chapter 2

70 3 0
                                    

"Tanginamo Joaquin ayaw mo ba sa nireto ni Kate? Ang ganda kaya nun" tanong ni Kane "Kakakilala ko lang sakanya Kane" saad ko "Diba mag kachat na kayo?" Tanong ni James. Bigla naman akong napangiti haha yung mga corny nyang banat pero ayos lang yun I found it cute "Talaga tol? Magkachat kayo? Ano pinaguusapan nyo?" Excited na tanong ni Kyle. Nilabas ko yung cellphone ko at pinabasa sakanila yung convo namin.

Yung mga banat nya isa yun sa nagpapangiti saakin at isa yun sa dahilan kung bakit lagi na akong online.

"Tol want ka daw nya!" Saad ni Liam habang hinampas hampas ako "Uy ayun sya oh kasama mga kaibigan nya" tinuro naman ni Clarence kung saan at tumingin naman ako. She's pretty, she looks so innocent, she's cute, she's nice, she's almost perfect. "Natulala ka na dyan tol, ganda ba?" Tanong ni James "Oo" Monica Lauren de la Vega, her name is beautiful like her face. Her surname sounds like a rich person. I wonder is she rich?

"May balak kang ligawan tol?" Tanong ni Kane "Depende" maikling sagot ko.

Naka uwi na ako at andito na ako sa kwarto ngayon naghihintay ako ng chat ni Monica. Lagi ko ng hinihintay mga chat nya kasi nasanay na ako.

Monica de la Vega
Monica de la Vega: gusto ko ng coffee :(

Sa wakas nag chat na sya!

Rio Joaquin Villanueva: gabi na baka di ka makatulog nyan
Monica de la Vega: coffeeling ka :(

Natawa naman ako sa banat nya hahaha pero sa school mahiyain sya mali yon dat kung ano sya sa chat ganun din sya sa personal.

Rio Joaquin Villanueva: di ka nauubusan ng banat noh? Hahahhaha
Monica de la Vega: oo di ako nauubusan ng mga banat pati yung pagmamahal ko sa'yo di mauubos

Ay pota hahahhaa ano na kinikilig na ako dito. Pafall tong si Monica hahahhaa

Monica de la Vega: Joaquin nakakainis ka!
Rio Joaquin Villanueva: wala naman akong ginagawa sa'yo
Monica de la Vega: yun na nga eh wala kang ginagawa pero nafafall ako sa'yo kainez!

Napangiti naman ako ibang klase talaga hahahha ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganyan hahahha

Rio Joaquin Villanueva: sleep kana see you sa school goodnight
Monica de la Vega: goodnight crush

Crush daw hahahha kilig pisnge ko kingina hahhaha sana makapagusap na kami ng personal please po please.

Nasa hallway kami ng school ng mga kaibigan ko tambayan kasi namin yung labas ng room namin eh.

"Si Monica oh!" Sabi saakin ni Liam, tinignan ko naman kung saan nakatingin si Liam kaso di ko makita "Asaan?" Tanong ko "Joke lang" natatawang sabi ni Liam "Ay bat hinahanap" pang aasar ni James "Baka nafall na hahahah" pang aasar din ni Kane "Tol eto legit na si Monica oh" tinuro naman ni Kyle kung saan tumingin na ako kasi baka andyan talaga at tama nga andyan nga sya sa harap ng classroom ni Kate.

Bagay sakanya ang nakatali ang buhok mas lalo syang nagmukhang inosente. Ang ganda nya rin tumawa halos lahat maganda sakanya. Ibigay nyo na po sya saakin please po..

"Ganyan tumitig ang mga nafafall" pang aasar saakin ni James "Tinamaan na ata ako mga pre" amin ko sakanila "Tanga ka umamin ka agad sakanya wag ka torpe" saad ni Kane "Joaquin!" Tumingin naman agad kaming lahat kela Kate "Picture kayo ni Monica dali!" Aya ni Kate, tinignan ko naman si Monica hahaha ang cute nya namumula yung pisngi nya, kinikilig ba sya?

Lumapit naman kami sakanila at pinagtabi kami ni Monica dahil picture daw pinicturan kami ng isa sa kaibigan nya.

"Hi" bati ko kay Monica "Hello" nahihiyang bati nya "Omg nag hi at hello sila sa isa't isa yieee Monica kinikilig ka ah" asar ng kaibigan nya sakanya. Lahat silang magkakaibigan maganda pero para saakin si Monica pinakamaganda. Inlove na ba ako sakanya? "Uhmmm.. Monica may pupuntahan ka mamaya?" Tanong ko sakanya "Wala" sagot nya "Uhmm.. pwede ba tayo mag usap mamaya?" Tanong ko "H-huh? Uhmm.. o-oo" kinakabahan na sagot nya "Sige bye muna punta kami cafeteria" paalam ni Kate at hinila nya na si Monica para pumunta sa cafeteria "Tol saan kayo mag uusap?" Tanong ni Kyle "May malapit na café dyan sa labas ng school" sagot ko "Ano yan date?" Tanong ni Kane "Hindi ko alam" sagot ko

Uwian na hinihintay ko nalang si Monica sa harap ng room ni Kate kasi lagi nilang pinupuntahan si Kate para sabay sabay sila umuwi.

"Sino hinihintay mo tol?" Tanong ni Clarence "Si Monica" sagot ko "Bakit?" Tanong nya ulit "May pupuntahan kami" sagot ko ulit sa tanong nya "Mag dadate sila ni Monica HAHAHHAA" pang aasar ni Kane "Congrats tol binata kana" pang aasar ni Clarence "Oh ayan na si Monica oh" tinuro naman ni James si Monica na kausap na si Kate. Napakurap ako ng tignan nya ako ngitian, bat ang ganda ng ngiti nya? "Sige mga tol bye na" paalam ko sa mga kaibigan ko.

Lumapit na ako kela Monica at nakita naman ako agad ni Kate kaya nag paalam na sila at umalis kaya kami nalang ni Monica ang naiwan. Lumabas na kami ng school ni Monica. Parang nakakahiya sya kasama kasi ang ganda nya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Monica "Dyan lang sa café" sagot ko sakanya, tumango naman si Monica.

Nakarating na kami sa café at naupo kaharap ko ngayon si Monica. Isang minuto kami namili kung ano ang iinumin at kakainin namin "Ano sasabihin mo?" Tanong nya "Uhmm.. ang gara lang kasi na sa chat close tayo tapos sa personal hindi" napangiti naman sya doon sa sinabi ko "Gusto rin kita maging kaclose sa personal para hindi ka na rin nahihiya saakin ako nababaliw sa'yo eh" natawa naman sya sa sinabi ko "Ang gara mo crush medyo paasa ka hahahaha" atleast medyo lang hahahhaha de joke pero mali yon kung alam nyo naman sa sarili nyo na ayaw nyo doon sa tao sabihin nyo na agad hindi yung magbibigay ng motibo pero iba pala gusto "Seryoso nga kasi ako Monica" nagulat naman sya "Omg seryoso ka saakin? Di ako ready sa ganyan crush" napabuntong hininga nalang ako sa inasal ni Monica akala ko tahimik toh "I mean seryoso ako sa sinasabi ko" umacting naman syang parang nasasaktan sya "Ouch crush mapanakit ka ayaw ko na sa'yo" wag ka ganyan Monica nafafall na ako sa'yo eh.

Dumating na yung mga inorder namin. Hindi ako makakain ng maayos at hindi ako mapakali sa kinakaupuan ko nadidistract ako kay Monica.

"Ayos ka lang? Di mo pa na babawasan yung pagkain mo oh" napatingin naman ako sa plato ko "Ahh oo nga noh hahahha" pota nakakahiya yun ah.

Hindi talaga ako mapakali dahil kaharap ko si Monica. Ngayon lang toh nangyare saakin ah bat naman ganito.

"Joaquin sigurado ka bang ayos ka lang?" Muling tanong ni Monica "H-huh? O-oo" kinakabahan na sagot ko

Pinagsisihan ko na ata na inaya ko agad sya pero atleast diba naging close na kami sa personal. Pinilit ko ikinalma ang sarili ko baka kasi mag alala saakin si Monica. Oo makapal mukha ko feeling ko mag a-alala si Monica saakin.

Nakauwi na ako sa bahay hindi na nag pahatid si Monica kasi may susundo daw sakanya. Ang saya saya ko kasi close na rin kami sa personal hindi na kami awkward sa isa't isa. Paano kaya kung naging jowa ko na sya noh? Hahahhaha speed ko naman wag ko nga muna yun isipin hahhaha

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now