Chapter 6

46 4 1
                                    

"JOAQUIN andito na tayo" nakangiting saad ko

Nasa harap na kami ngayon ng pinto ng unit ko sa condo kaya kinuha ko na yung susi at binuksan yung pinto.

"Pasok ka" nakangiting aya ko

Pumasok naman sya sa loob at nilock ko naman yung pinto. Umupo naman sya doon sa upuan sa living room binaba ko naman yung bag ko sa upuan.

"May gusto kang kainin?" Tanong ko "Ikaw" wala sa sariling sagot nya "H-huh?!" Gulat na tanong ko

Napatingin sya saakin at halata sa mukha nya ang gulat.

"Ibig kong sabihin ikaw ano ba gusto mo?"  Natatarantang saad nya "Hmm.. tinapay lang kinakain ko tuwing gabi eh" saad ko

Kumunot naman yung noo nya.

"Bakit naman?" Tanong nya "Wala lang di kasi ako marunong magluto at pag nag padeliver matagal baka late na ako makatulog" sagot ko "May mga maluluto ba dyan?" Tanong nya

Nagulat naman ako sa tanong nya.

"M-marunong k-ka m-magluto?" Di makapaniwalang tanong ko

Tumawa naman sya at humarap saakin at tumayo.

"Oo marunong ako kaya may maluluto ba dyan?"

Naglakad naman ako papuntang kitchen at nakasunod sya saakin. Tinuro ko naman sakanya agad yung ref.

"Ano ba gusto mo?" Tanong nya "Ikaw na bahala" sagot ko

Tumingin naman sya sa ref.

"Puro lang naman prito toh ah. Bat di ka nagluluto? Madali lang naman toh ah" saad nya "Natatakot ako baka tumalsik yung mantika" saad ko

Nilabas nya naman yung isang balot ng chicken wings.

"Olive oil gamitin mo ah" paalala ko "Monica isa lang naman mantika mo dito eh etong olive oil lang eh" paalala nya

Napahawak naman yung isa kong kamay sa bewang ko yun isang kong kamay naman napahawak sa noo ko. Nakakahiya pota.

"Walang kanin" saad ko "Marunong ka magsaing?" Tanong nya

Tumango naman ako at nag umpisa ng mag saing. Marunong nga ako mag saing di naman ako marunong mag luto kaya wala rin haysss...

"Buti marunong ka mag saing noh?" Natatawang saad ni Joaquin "May kanin nga wala namang ulam" natatawang saad ko

Natapos na magluto si Joaquin at may kanin na rin kaya kumain na kami.

"Monica thank you ah" saad nya

Kumunot naman yung noo ko.

"Para saan?" tanong ko "Thank you dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sa'yo kung gaano kita kamahal" saad nya

Napangiti naman ako dahil doon. Feeling ko namumula na ako dahil uminit yung pisnge ko.

"Monica may tanong ako sa'yo" seryosong saad nya

Napahinto naman ako sa pag-kain at humarap sakanya.

"Bakit hindi ka nagpapaligaw?" Tanong nya

Napatahimik naman ako saglit dahil doon.

"Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ko sila sasagutin kasi hindi ko sila gusto kahit manligaw pa sila. Kaya hindi ako pumapayag kasi ayoko naman umasa sila na sasagutin ko sila" sagot ko

Tinitigan lang naman ako ni Joaquin.

"Eh bat pumayag ka na ligawan kita?" Tanong nya ulet "Kasi gusto kita" seryosong sagot ko

Napangiti naman si Joaquin dahil doon. Natapos na kami kumain at sabi nya sya nalang daw ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin pag tapos nun nag usap lang kami saglit at nag-paalam na sya na uuwi na raw sya.

NAKAUWI na ako ngayon sa bahay at andito ako sa kwarto ko ngayon nakahiga sa kama.

Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Ganito ba pag inlove? Ang saya pala. Dahil kay Monica naranasan ko mainlove.

Basta GC toh kingina🔞⚠️🔱
Frederick Kane: hoy @Rio Joaquin anyare?

Bigla naman ako napatingin sa cp ko ng may nag chat.

Rio Joaquin Villanueva: wala naman
James Marco: eh ano ginawa nyo?
Rio Joaquin Villanueva:nilutuan ko sya tas kumain kami
Kyle De Leon: Naysss 2 points sa paghatid at 5 points sa pagluluto mo!
Neil Rodriguez: walang kiss?
Rio Joaquin Villanueva: gago ka ba?
Frederick Kane: ayan na gago ka tuloy HAHAHAHA
Mikhail Jayce: tangina Joaquin edi wow sa'yo lamporeber HAHAHA
Rayden Juarez: manahimik ka nga dyan Mikhail porket niloko ka bitter ka na mali yon
Mikhail Jayce: awts gege
Liam Suarez: egul sa'yo papa HAHAHA
Rio Joaquin Villanueva: pota kanina pa ako nakangiti dito hindi mawala wala
James Marco: Ganyan kasi pag inlove! HAHAHAHA
Clark Aaron de la Cruz: nays nays inlove na! HAHAHAHA

Nagulat naman ako ng biglang nag chat si Monica. Agad agad ko naman tinignan kung ano yun.

Monica Lauren de la Vega
Monica Lauren de la Vega: oy crush!

Tangina crush daw HAHAHAHA kilig ako.

Rio Joaquin Villanueva: why?
Monica Lauren de la Vega: anong panulat ba gamit mo?

Naguluhan naman ako sa tanong ni Monica. Bat tinatanong?

Monica Lauren de la Vega: at hindi kita mabura sa isip ko

Napangiti naman ako dahil sa banat nya. Ako yung nanliligaw ah.

Rio Joaquin Villanueva: alam mo
ba?
Monica Lauren de la Vega: ano?
Rio Joaquin Villanueva: kapag nakatingin ako sa'yo parang nakatingin ako sa mapa sa MAPA-PANGASAWA ko

Try ko lang bumanat ang astig pala.

Monica Lauren de la Vega: bwiset ka kinilig ako HAHAHAHA
Rio Joaquin Villanueva: dapat lang kasi ang hirap mag isip ng banat eh
Rio Joaquin Villanueva: andaming nag tatanong saakin kung ano daw tayo HAHAHA ano nga ba tayo? HAHAHA
Monica Lauren de la Vega: tao HAHAHA
Rio Joaquin Villanueva: luh okay ang ayos nyan promise
Monica Lauren de la Vega: de char ano ba tayo? Magkaibigan HAHAHA
Rio Joaquin Villanueva: awts gege
Monica Lauren de la Vega: pota ka wag kang mag awts gege dyan pagpatuloy mo yang panliligaw mo soon sasagutin na kita ayieee

Natawa naman ako sa chat ni Monica. Luh pwede pakiss?

Monica Lauren de la Vega: mag aaral na ako may quiz kami bukas HAHAHA bye goodnight!
Rio Joaquin Villanueva: sige sige see you tomorrow goodnight!
seen

Pinatay ko naman na yung cp ko sheyt matutulog ata ako na may ngiti saaking mga labi HAHAHA

Ngayon lang ako nakadama ng ganito. Ngayon ko lang nalaman na masaya pala mainlove pag yung tao inlove din sa'yo. Totoo pala yung may true love. Alam kong nanliligaw palang ako pero nakikita ko yung sarili ko sa future na kinakasal kay Monica. Wala na akong ibang gustong pakasalan si Monica lang talaga ang gusto. Sya ang gusto kong maging nanay ng mga magiging anak ko. Sya ang gusto kong kasama tumanda. Kasi pag nanligaw ka sa isang babae dapat nasa utak mo na rin na sila na yung pakakasalan mo hindi yung niligawan mo lang kasi trip mo.

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now