"Ako din ikaw lang gusto ko makasama hanggang pagtanda ko" mahinang saad ko
Hinarap naman ako ni Joaquin sa kanya at bigla nya akong hinalikan. Pinaglayo nya ang aming mga mukha.
"Ang swerte ko sa'yo" saad nya "Mas swerte ako sa'yo" nakangiting saad ko
Mas swerte ako sa kanya dahil siya yung tipo ng tao na kahit andami niyang ginagawa pag kapag kelangan ko siya pupunta sya agad saakin. Pero pag ako ang maraming ginagawa ayoko ng kinakausap ako ng kahit sino kasi nakaka distract. Ayos lang naman daw kay Joaquin yun naiintindihan nya naman daw.
"Love next year dalawang taon na tayo" saad ni Joaquin
Oo nga pala next year 2 years na kami. Grabe hindi ko inakala na aabot kami ng mga anniversary. Dami kasing nagbrebreak eh.
"Ano gagawin natin?" tanong ko "Hindi ko alam love" saad nya
Hmm... ano kaya magandang gawin kapag nag cecelebrate ng anniversary.
WE ARE ALREADY 4th year college. Malapit na aalis na ako kailangan ko pumunta ng states para ayusin yung family business namin doon. Iiwan ko si Monica hindi dahil sa hindi ko sya mahal iiwan ko sya kasi kelangan. Kaya madalas sa condo ako ni Monica natutulog kasi I want to spend time with her. Hindi na kami aabot ng 3 years. Iiwan ko muna sya para din saamin toh. Para sa future namin. Pag naging LDR kasi kami paniguradong hindi mag wowork yun pareho kami magiging busy at baka yun pa ang dahilan kung bakit kami maghihiwalay.
Labag man sa kalooban ko na iwan si Monica iniisip ko na lang na para sa amin toh sa future namin. Pero sana pagbalik ko ako pa rin sana.
"Oy tol ano na? Lalim ng iniisip mo ano ba yan?" tanong ni James
Humarap naman ako sa kanya.
"Tol kayo muna bahala kay Monica pag umalis ako" saad ko
Tinapik naman ako sa balikat ni James.
"Iiwan mo ba talaga?" seryosong tanong nya
Napa Buntong hininga naman ako.
''Oo kahit labag sa kalooban ko kahit masasaktan kami pareho oo pa rin ang sagot ko" seryosong saad ko
May isa akong panghahawakan na sinabi ni Monica saakin. Ako daw ang gusto nya kasama sa harap ng altar. Ako daw gusto nyang kasama bumuo ng pamilya. Ako daw gusto nyang kasama tumanda. Ako daw ang first and last nya. Lahat yun ay panghahawakan ko kasi mahal ko siya may tiwala ako sa kanya.
"Sige tol wag ka mag alala kami bahala kay Monica hindi namin siya pababayaan update ka din namin lagi" nakangiting saad ni James.
Tumayo na kami ni James sa kinakaupuan namin at lumabas na ng room. Sinamahan naman ako ni James pumunta sa room nila Monica. Kumatok ako sa pinto at binuksan iyon. Bigla naman may tumili
"Omg Blaire si Joaquin oh!" Kinikilig na sigaw ni Jade "Blaire bebe mo!" Kinikilig na saad ni Lara "Uy ano ba para naman kayong mga tanga" pag iinarte ni Blaire
Parang gago ampota. Halatang kulang sa pansin.
"Uhmm.. pwede kay Monica?"
Bigla naman tumahimik sila Blaire. Yung mga kaklase naman nila at yung mga kaibigan ni Monica natawa nalang.
"Landi pa more" natatawang saad ni Caleb
Tumayo naman si Monica at lumapit sa akin. Pag ka labas nya ng pinto sinara ko na yun agad.
"Miss mo agad ako? Grabe ka naman" natatawang saad ni Monica
Napangiti nalang ako dahil doon.
"Oo eh paano ba yun miss kita agad?" nakangiting saad ko
Napatingin naman kami bigla ni Monica kay James nung bigla syang umubo.
"Tangina mo may sakit ka? Bilhan na ba kita ng gamot?" Tanong ko "Ang sakit nyo sa mata" reklamo ni James "Mata yung masakit pero umubo ka? So weird" naguguluhan na saad ni Monica "Oh ano? Alam mo na yung feeling ng pinaranas nyo sa akin ni Maxine noon" saad ko
Natawa nalang si James at humarap naman ako kay Monica. Hinawakan naman ni Monica yung magkabilang pisngi ko.
"Awts yung bebe ko third wheel" saad ni Monica
Nag pout naman ako. Want ko ng kiss pwede ba yun. Nakuha ata ni Monica ang ibig kong sabihin kaya pinalo nya yung labi ko.
"Wag dito love" natatawang saad nya
Tinanggal naman ni Monica yung pag kahawak nya sa mga pisngi ko.
"Wag ka malandi love mamaya na yan pag dalawa nalang tayo" natatawang saad ni Monica
Tumawa naman ako at tumango. Nag stay muna kami doon ni James at paglipas ng ilang minuto bumalik na kami sa room namin.
"Saan kayo galing?" Tanong ni Kane "Sinamahan ko lumandi si Joaquin" sagot ni James "Ay bat kayo lumalandi?" Tanong ni Kyle
Humarap naman ako kay Kyle at ngumisi.
"Akala mo ba di ko alam yung kay Athena" nang-aasar na saad ko
Bigla naman tumahimik si Kyle at kinausap nalang si Rayden natawa naman ako dahil doon.
"Ano meron kay Athena at Kyle? Spill naman dyan Joaquin" pang aasar ni Neil
Ngumisi naman ako at lumapit kela Kyle at Kane. Sumunod naman yung iba naming tropa saakin.
"Sabihin ko ba Kyle?" nang iinis na tanong ko
Sinamaan naman ako ng tingin ni Kyle at hinagisan ng libro.
"Bahala ka sa buhay mo kingina ka" naiirita na sabi nya
Pero sumenyas naman sa akin si Kyle na ikwento sa kanila. Parang gago ampota.
"Nilalandi niya si Athena mga pre" mabilis na saad ko
Lahat naman sila nagulat. Natawa nalang ako at tinignan ang phone ko para tingnan ang oras. Nung nakita ko na time na pala uwian na agad kong kinuha ang bag ko at nag paalam sa mga kaibigan ko at pumunta kay Monica.
Andito kami ngayon sa condo ni Monica nakahiga na ako sa kama si Monica naman nasa c.r pa. Bigla naman may nag chat saakin.
Blaire Baria
Blaire Baria: Joaquin
Blaire Baria: Bat kasi hindi nalang ako?Napabuntong hininga naman ako.
Rio Joaquin Villanueva: Ilang beses ko na ba sinabi sa'yo na hindi ikaw si Monica para mahalin ko.
Blaire Baria: Hindi na ba magbabago yun?
Rio Joaquin Villanueva: Hindi. Kahit ano pang gawin mo hinding hindi magbabago yun.
Blaire Baria: Okay.
Blaire Baria: Pwede ko ba kayo kausapin ni Monica bukas?
Rio Joaquin Villanueva: Para saan?
Blaire Baria: Basta kaya please pumayag kayo.
Rio Joaquin Villanueva: Tanungin ko sya.
Blaire Baria: Salamat.
SeenNapatingin naman ako sa pinto ng c.r lumabas na si Monica.
"Love gusto daw tayo kausapin ni Blaire bukas. Eto oh Love nag chat saakin" saad ko at binigay kay Monica yung phone ko
Kinuha naman ni Monica yun at binasa.
"Sige. Kausapin natin" saad ni Monica
Tumango naman ako at niyakap sya.
"Kung mag so-sorry sya at sasabihin nyang titigil na sya sigurado ako na magiging masaya ako" saad ni Monica
Sana nga maging masaya ka Monica. Kahit mawawala ako sa tabi mo. Sana maging masaya ka.
YOU ARE READING
First Love Never Dies
RandomKahit ilang beses mo akong saktan ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. At ng dahil sa'yo naniwala ako sa salitang "First Love Never Dies."