Chapter 25

37 2 0
                                    

8 years later...

SATURDAY ngayon at nasa bahay lang kami ni Joaquin kasama ang mga anak namin. Tatlo na ang anak namin at hanggang doon nalang wala na kaming balak sundan pa.

Si Marianna Rae ay 8 yrs old na ang sumunod naman sakanya ay si Ralph Matthew ay 5 yrs old na tatlong taon ang tanda ni Marianna kay Ralph ang sumunod naman ay ang bunso namin si Ryker Miguel siya ay 3 yrs old na dalawang taon ang tanda sakanya ni Ralph.

"Mommy.." napalingon naman ako kay Marianna

Nasa living room kami ngayon si Ralph at Ryker ay naglalaro si Marianna naman ay may pinapanood sa youtube.

"Why baby?" Tanong ko

Inabot naman saakin ni Marianna yung Ipad niya.

"Mommy.. I want that toy po" mahinang sabi ni Marianna na halatang ayaw iparing kay Joaquin.

Tinignan ko naman yung laruan na pinapanuod nya sa isang toy review sa youtube. Saan naman ako kukuha neto?

Napatingin naman saamin si Joaquin saamin.

"What's that?" Tinignan naman ni Joaquin yung Ipad ni Marianna

"Daddy.." mahinang saad ni Marianna "May laruan ka pang di mo pa nabubuksan" paalala ni Joaquin

Hindi namin sila binibilhan ng laruan hanggang may bago pa silang laruan or may hindi pa sila nabubuksan na laruan dahil baka lumaki silang spoiled ayaw naman namin ni Joaquin mangyare yun. Tinuturuan namin sila maging kuntento sa bagay na meron sila.

"Mommy.. Daddy..ayaw ko po yung toy na yun" pag amin ni  Marianna

"Then ano gagawin natin doon?" Tanong ko umaasa na sasabihin ni Marianna na idonate or ipamigay.

"Si yaya po may anak na babae ibigay ko nalang po sa anak po ni yaya" saad ni Marianna. Ang tinutukoy niya ay yung nag aalaga sakanya.

Napatingin naman ako kay Joaquin nginitian ko siya at tinanguan.

"Alright baby.. pero mapapatagal kasi hahanap pa si Mommy at Daddy ng pagbibilhan nyan.. okay lang ba yun?" Malambing na saad ni Joaquin

Ngumiti naman si Marianna at niyakap ako at si Joaquin.

"Thank you po Mommy and Daddy!" Masayang saad ni Marianna

Marianna deserves it she's an honor student and sumusunod siya lagi saamin and she respects everyone and Marianna is very kind and she also know how to help other people and she's responsible and she's also a good ate pag wala kami ni Joaquin nasa trabaho kami lagi niya sinasaway ang dalawa nyang nakakabatang kapatid. Tinuturan nya rin ang mga kapatid nya.

"Mommy look po oh may sugat si Ryker!" sigaw ni Ralph napatayo naman ako agad at pinuntahan ko sila sa may Pool area

Lumuhod ako tinignan ang tuhod ni Ryker.

"What happened?" Nag aalalang tanong ko "Mommy nag play lang po kami tapos tumakbo po si Ryker tapos pag tingin ko po may sugat na po siya Mommy"

Umiiyak lang si Ryker ngayon kaya si Ralph ang sumasagot.

Binuhat ko naman si Ryker para madala sa living room.

"Ralph pasok na muna sa loob anak" saad ko

Sumunod naman saakin si Ralph pag pasok namin sa living room umupo agad si Ralph sa gitna ni ate Marianna nya at ng Daddy nya.

"Daddy.." umiiyak na tawag ni Ryker kay Joaquin

Kinuha naman ni Joaquin si Ryker saakin. Kinuha ko naman yung first aid kit. Pag kakuha ko bumalik na ako sa living room.

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now