Chapter 20

36 2 0
                                    

Nasa office ako ngayon naguguluhan kung anong pipiliin kong bagong design na ititinda namin. Paano kaya kung yung sir Joaquin nalang nila piliin ko hihi. Charot oh my gosh self mag focus ka!

"Ma'am may gusto po kumausap sa'yo" sabi saakin ng secretary ko
"Sino?" Tanong ko "Blaire Baria daw po wala po syang appointment ma'am"

Ngumiti naman ako at tumango.

"Okay lang. Papasukin mo na sya" saad ko

Pumasok naman si Blaire at umupo doon sa upuan sa harap ng lamesa ko.

"Monica pwede ba akong mag trabaho sa'yo?" Tanong nya

Nagulat naman ako sa tanong ni Blaire.

"Bakit? Ano nangyare sa trabaho mo?" Tanong ko

Yumuko naman sya at ngumiti ng pilit.

"Nagresign ako kasi.."

Tinitigan ko naman sya.

"Kasi?"

Tumingin sya saakin.

"Kasi buntis ako.. nabuntis ako ng boyfriend nung nalaman ng boss ko sabi nya magpahinga na daw muna ako wag na muna mag trabaho pero kelangan ko mag trabaho. Kasi di daw nya ako papanagutan. Kelangan ko buhayin yung anak ko kelangan ko mag trabaho" naiiyak na saad nya

Oh my gosh.. ano ba namang klaseng tao yun. Binuntis nya tapos di nya pananagutan?

"Sige ako bahala sa'yo simula bukas mag tratrabaho ka pero pag mag 5 months na yung tyan mo mag rerest ka muna pero ako na bahala sa'yo" nakangiting saad ko

Nagulat naman si Blaire at tumayo at lumapit saakin at niyakap ako.

"Thank you so much Monica" nakangiting saad nya "Sige na umuwi kana at mag pahinga" saad ko

Lumabas naman na si Blaire para umuwi. Tinignan ko ulit yung mga design ng biglang may tumawag.

(Monica sunduin kita)

Si Joaquin ang tumawag.

(Okay)
(Ang ikli mo sumagot. Galit ka ba saakin?) Nag aalalang tanong nya

Natawa naman ako dahil doon.

(OA mo tanga) tumatawang saad ko
(Pa kiss mamaya)
(Ulol nanliligaw ka palang)
(Tsk.. basta susunduin kita love you)

Haha gago kinilig ako haha.

(Bye ingat ka sa pag drive mamaya ah) paalala ko sakanya
(Opo.. babye)

Pinatay ko naman na yung tawag. Grabe ang hirap mamili ng design. Sige na nga lahat nalang toh magaganda naman lahat eh.

Uwian na kaya inayos ko na yung mga gamit ko at nag chat na si Joaquin na andyan na raw sya.

Pag punta ko ng parking lot dumiretso agad ako sa sasakyan ni Joaquin.

"Hey.. saan mo gusto kumain?" Bungad nya nung pag pasok ko sa sasakyan nya

"I want some Japanese food" ewan ko ba pero nag cracrave ako sa Japanese food.

"Alright" saad nya at nag drive na.

Nandito na kami sa isang Japanese restaurant. Nakapag order na din kami. Ang inorder namin ay yung sakto lang saamin.

"How's your day?" Tanong ni Joaquin nung nag umpisa na kaming kumain.

"Good" sagot ko "Si Blaire mag tratrabaho sya saakin simula bukas nag resign daw sya sa trabaho nya. Dahil nung nalaman ng boss nya na buntis sya gusto syang mag take ng rest" pag kwekwento ko

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now