ANDITO kami ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch pero tong si Frances nagdradrama saamin dahil broken sya sa crush nya na si Clark na kaibigan ni Joaquin.
"Bat kasi ang sweet nya saakin? Di naman nya pala ako gusto. Or kaya ako nasasaktan ngayon kasi nag assume ako" saad ni Frances
Napabuntong hininga naman ako dahil doon.
"Hindi naman kasi porket sweet sa'yo gusto ka na baka ganun lang sya sa lahat" saad ni Scarlett "Kung gusto ka talaga nya aamin yun parang si Joaquin umamin kay Monica dahil gusto nya si Monica" saad ni Camille
Napansin ko naman na paiyak na si Frances. Halata sa mga mata nya na sobra syang nasaktan.
"Oy ghorl walang kayo kaya wag kang ganyan" natatawang sabi ni Diana
Tumingin naman ako kay Diana.
"Diana hindi porket walang sila eh wala na syang karapatan masaktan or magselos. Minahal nya eh kaya sapat na yun na dahilan para masaktan sya ng ganyan" saad ko "Luh nagbibiro lang eh sorry na" saad ni Diana
"Ganyan talaga pagnagmamahal kaya nakakatakot magmahal eh" saad ni Raine "Mga sizt!"
Napalingon naman kami sa sumigaw. Si ate Kate kasama sila Joaquin pero wala si Clark, Enzo, Neil at Rayden. Pag lapit nila umupo naman sila si Joaquin sa tabi ko umupo at nginitian ako.
"Ano meron? Bat ang seryoso nyo?" Tanong ni ate Kate
Tumingin naman kami lahat kay Frances. Ang hirap pag usapan ngayon ng problema ni Frances dahil andito yung mga kaibigan ni Clark.
"Bakit anyare kay Frances?" Tanong ni Mikhail
Mag sasalit na sana si Athena pero inunahan ko sya.
"Siguro saamin nalang yun di nyo na kelangan malaman" nakangiting saad ko
Tumingin naman ako kay France at tinanguan nya ako at ngumiti. Ang awkward lang talaga pag usapan yun. Gusto ko sana yung problema ng tropa namin ay saamin lang mamaya nalang namin sasabihin kay ate Kate.
"Eh kayo kamusta kayo?" Nakangiting tanong ni Liam
Lahat naman sila ay tumingin saamin ni Joaquin.
"One month kana nanliligaw diba Joaquin?" Tanong ni Camille
Tumango naman si Joaquin. Wala pa akong balak sagutin sya. Maybe next next month? Kinikilala ko pa sya ng lubos eh.
"Kelan mo sya sasagutin Monica?" Tanong ni Kyle "Huy" saway ni Joaquin
Tumingin naman ako kay Kyle at nginitian sya.
"Secret walang clue" pabirong sagot ko
Kumain nalang ulit ako pag tapos nung tanong na yun. Hindi ko sinasabi sakanila kung bakit di ko sinasagot si Joaquin like bahala sila mag isip dyan HAHAHAHA
HINATID ko ulit si Monica dito sa condo unit nya. Andito kami ngayon sa sofa nakaupo. Sinandal ko naman sya saakin at inakbayan sya. Sweet namin noh? Pero wala kaming label HAHAHA
"Monica bat ang ganda mo?" Tanong ko "Ako lang toh ano ka ba" natatawang sabi nya
Tinignan ko naman yung labi nya hahalikan ko dapat sya pero iniwas nya yung mukha nya.
"Sorry" sabi ko
Umalis naman sya sa pagkasandal saakin at sa pag kaakbay ko. Nginitian naman ako ni Monica. Iniwas naman ni Monica yung tingin nya saakin.
"Sorry Monica"
Tumingin naman sya saakin.
"Ayos lang" nakangiting saad nya
Bumalik naman sya sa pagkasandal saakin at inakbayan ko naman sya.
"Monica" tawag ko sakanya "Hmmm?"
Gamit ang isa kong kamay hinawakan ko naman yung kamay nya.
"Bakit ako? Bakit ako yung ginusto mo?" Tanong ko
Tinignan naman ako ni Monica at nginitian.
"Hindi ko alam" sagot nya
Tumingin naman ako sakanya.
"Basta bigla nalang kita nagustuhan at may something sa'yo na di ko mapaliwanag kaya kita nagustuhan" sagot nya
"Eh ikaw? Bakit ako?" Tanong nya
Nginitian ko naman sya.
"Bakit hindi? I mean halos nasayo na lahat at sinong lalake ang hindi mahuhulog sa babaeng matalino, mabait, maganda? Para saakin perfect kana" sagot ko "But no one is perfect" saad nya "I know, but for me you're almost perfect" nakangiting saad ko "Thank you" nakangiting sabi nya "Para saan?"nakangiting tanong ko "Thank you... thank you for appreciating me" nakangiting saad nya
Niyakap ko naman sya. She deserve to be appreciated. Kung hindi nya pa nararanasan yun edi ipaparanas ko sakanya. Monica is pretty, smart, kind and she really loves helping people in need lalo na yung mga nasa orphanage. Ayaw nya daw maramdaman ng mga tao na nandoon na nag i-isa sila kaya every month pumupunta sya doon. Umalis naman sya sa pagkayakap ko at humarap saakin.
"Why?" Tanong ko
Nakatitig lang kasi sya saakin.
"Ang astig para akong tumititig sa future ko" saad nya
Future ko... she already consider me as her future. May pag asa nga talaga ako dito HAHAHA
"Future mo? Ako?" Tanong ko
Ngumiti naman sya saakin.
"Oo kasi diba pag nanligaw ka dapat may plano ka din pakasalan yung tao na yun" saad nya
Nginitian ko naman sya.
"Ang saya ko Monica" saad ko
Tinitigan nya naman ako.
"Ang saya saya ko lalo na pag kasama kita" nakangiting saad ko
"Baka ako kasiyahan mo HAHAHA" pagbibiro nya "Galing mo naman manghula" nakangising saad koNapatahimik naman sya sa sinabi ko. Ewan ko ba pero minsan pag bumabanat sya tas sinagot ko yung banat na yun natatahimik sya HAHAHA cute ampota.
"Bwiset ka pag may sinasabi akong pabiro or bumabanat ako lagi mong sinasagot" naiiritang saad nya "Hindi pwedeng ako lang kinililig dat ikaw ikaw rin" nakangiting saad ko
Tumitig lang naman sya saakin ulit.
"Bakit?" Tanong ko "Wala lang di parin kasi ako makapaniwala yung crush ko isang buwan na ako nililigawan" saad nya
Nginitian ko sya. Kahit ako eh di ako makapaniwala na may nililigawan na ako. Sabi ko kasi noon sa sarili ko hinding hindi ako manliligaw hindi ako mag jojowa hindi ako mag aasawa. Pero nung nakilala ko si Monica nabago lahat yun. Dati sobrang tamad ko mag aral at pasaway ako pero nung nakilala ko si Monica nagsipag na ako gusto ko may mapatunayan ako sakanya gusto ko sabay kami maging successful hindi na rin ako pasaway naging matino ako. Binago ako ni Monica wala syang ginawa hindi nya sinabi na mag bago ako. Choice ko ang magbago. Nagbago ako simula nung minahal ko si Monica.
"Kelan ka ulit mag b-basketball?" Tanong nya "Di ko alam tinatamad na ako eh" sagot ko
Hinawakan nya naman yung kamay ko.
"Gusto kita mapanuod mag laro nung crush pa kita alam ko naglaro ka pero di ko napanuod" saad nya "Soon mapapanuod mo din ako mag laro" nakangiting saad ko
Nginitian nya naman ako at bumalik sa pagkayakap saakin. Hmmm.. kelan ba pwede mag laro? Oo nga pala sa mag kakaroon ng intrams sa school sasali ako para mapanuod naman ako ni Monica. Malapit na pala yun next mext month na pala yun. Sasalo ako tryout pipilitin ko makapasok gagalingan ko mapanuod lang ako ni Monica. Gusto ko maging proud saakin si Monica kahit doon lang.
YOU ARE READING
First Love Never Dies
De TodoKahit ilang beses mo akong saktan ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. At ng dahil sa'yo naniwala ako sa salitang "First Love Never Dies."