NAKAUWI na ako ngayon sa Pilipinas nag bar kami ng mga kaibigan ko dahil nag aya si Frances. Syempre nakita ko doon si Monica.
Ako ang nag hatid sa kanya pauwi. Wala naman akong planong halikan siya pero nauwi doon. Pero buti nalang ay bumalik ako agad sa sarili ko.
Nandito ako ngayon sa company namin dito na ulit ako mag tra-trabaho.
"Joaquin!" Tawag saakin nung isang investor
Humarap naman ako sa kanya. May kasama siya yung isa asawa niya ata tas yung anak niyang lalaki at babae ata di ko alam kasi bat ko naman aalamin yung mga bagay na yun. Djk.
"Single ka diba?" Nakangiting tanong niya "This is my daughter Olivia" pagpapakilala niya sa anak niya. Oh ano? Ano gagawin ko dyan?
"Can you marry her?" Nakangiting tanong niya. Tinitigan ko lang sila. Bat ko siya papakasalan eh hindi naman siya si Monica.
"Joaquinnn!" Napatingin naman ako sa sumigaw ng pangalan ko
"Tita" tumabi naman saakin sila tita Nathalie at tita Cora.
"Oh my gosh ikaw nalang mag decide doon" nakangiting saad ni Tita Cora "Bakit po?" Nagtatakang tanong ko "Ganda ng representative ng de la Vega!" Nakangiting saad ni tita Nathalie
"Nathalie.. Cora.. I want Joaquin to marry my daughter Olivia" nagulat naman sila tita Cora doon.
Please save me from this old man Tita Cora and Tita Nathalie please.
"Si Joaquin ang mag dedecide kung sino ang gusto niyang pakasalan" nakangiting saad ni tita Nathalie "Una na ako pupunta ako ng meeting room. Excuse me"
Pag pasok ko ng meeting room nagulat ako dahil nakita ko si Monica. Kaya pala sabi nila Tita na maganda yung representative ng mga de la Vega well yes sobrang ganda. Actually kamukha niya yung future wife ko.
Syempre yung mga de la Vega pinili ko dahil sobrang tagal na ng partnership ng company namin at ng company nila Monica. Ang balita ko si Monica na daw yung may ari nung mall kaya siguro siya na ang nagpunta dito. Galing naman ng bebe ko. Proud na proud ako sa kanya.
Andito ngayon yung mga kaibigan ko sa bahay namin. Nag-iinuman kami ngayon dahil akala nila broken hearted ako. Mga gago talaga.
"Okay lang yan Joaquin mahal ka nun" natatawang saad ni Liam
"Oh baka kulang pa yung pagkain niyo" nakangiting saad ni Tita Nell sabay lapag nung pagkain sa lamesa "Thank you po Tita!" Nakangiting pasasalamat namin.
"Joaquin kelan ka ba mag aasawa? Gusto ko na magkaroon ng daughter in law at ng apo" Saad ng nanay ko. Teka di ako makasagot.
"Hay nako Tita in love pa po kasi siya sa ex na Tita" natatawang saad ni Liam "Kay Monica?" Tanong ni Mama. Tumango naman ako "Oh! Edi ligawan mo ulit! Siya talaga yung gusto kong maging asawa mo eh!" Saad ni Mama
Nakauwi na yung mga kaibigan ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga nagpapaantok.
Nilabas ko naman yung cp ko at inistalk si Monica sa IG.
_monica_dlv
160 posts 711.24k followers 100 followingMonica Lauren de la Vega🌻
💎👑
Following MessageFollow pa rin namin ni Monica ang isa't isa. Nakita ko naman yung pic niyang nasa beach naka two piece siya. Damn she's hot. May mga comments kaya tinignan ko.
scarlettkelsey: Luh ang ganda!! Marry me pls!
_monica_dlv: Luh sorry di ako interesado sa iba.
scarlettkelsey: Yuck eww ang rupok.
YOU ARE READING
First Love Never Dies
RandomKahit ilang beses mo akong saktan ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. At ng dahil sa'yo naniwala ako sa salitang "First Love Never Dies."