Chapter Twelve

814 9 1
                                    

Hindi na hinintay ni Elleanor ang pagsikat ng araw. Nang makumpirma niyang nakatulog na ang estranghero ay umalis narin siya. Kahit nahihirapang makalakad ay nakauwi rin naman ito agad sa kanilang apartment. Nagpapasalamat ito at wala ang kaniyang mga kaibigan. Hindi niya kasi alam kung paano magsisinungaling kung magtanong sila kung saan ito nanggaling.

Desidido na itong umuwi sa kanilang probinsya. Gusto niya lang talagang tapusin ang trabaho na ito para may pang opera ang kaniyang ama. Gusto niya ng umuwi ng probinsya at kalimutan kung ano ang kaniyang ginawa para lamang sa pera.
Nagiwan ito ng maikling mensahe sa lamesa. Ayaw niya kasing magalala ang mga ito kapag nalaman nilang wala na siya rito.

Mabilisan niyang inayos ang kaniyang mga gamit sa apartment at mabuti nalang may natira pa itong pera pambili ng ticket pauwi.

Tulala lang ito habang nasa byahe. Kanina habang nagiimpake ay umiiyak ito ngunit tila naubusan na siya ng tubig sa katawan. Pinilit niyang makatulog ngunit hindi ito makatulog dahil binagababag ng kaniyang kasalanan na ginawa. Pero ano pa nga ba ang kaniyang magagawa? Nagawa niya na ang kaniyang nagawa. Hindi na maibabalik ng kahit ano ang nawala sa kaniya noong gabi.

Unang niyang pinuntahan pagkarating ang ospital kung saan naka admit ang ama. Gusto niya munang malaman ang kalagayan nito bago umuwi sa kanilang bahay.

Nasa pampublikong ospital ang kaniyang ama. Nasa pinakadulong kama ito at walang bantay. Ayaw kasi nito na may naabalang ibang tao kaya pinapauwi nito ang gustong magbantay sa kaniya.

Hindi niya mapigilang lumuha ng makita ang estado ng ama. Ayon sa kaniyang ina, maayos naman ang operasyon nito ngunit kailangang manatili rito sa ospital para sa iba pang tests.

"Elleanor?" Tuluyan ng nagbagsakan ang kaniyang luha ng marinig ang boses ng kaniyang Tatay. Naglabasan na ang kanina pa niyang pinipigilan na luha. Lumapit ito at hinawakan ang kamay ng ama.

"Kamusta ka, Tay?" Pinunasan ng kaniyang ama ang basang pisngi bago ngumiti. Kahit nakabenda na ang ulo ay nagawa parin nitong ngumiti para hindi masyado magalala si Elleanor.

"Okay lang ako, anak. Maraming salamat sa pagpapaopera, anak." Huminga ng malalim si Elleanor para pigilan ang luha at mas hinipitan ang hawak sa kamay ng ama.

"Gagawin ko ang lahat para sa pamilya natin, Tay."

Kinailangan na ng ama niyang magpahinga pero nakahawak lang si Elleanor sa kamay nito. Hindi narin niya namalayan kung gaano siya katagal na nakatitig dito.

Ayon sa doktor na nagrounds kanina, naghihilom na ang ulo nito na naoperahan at okay rin lahat ng resulta ng mga test na ginawa sa kaniya. Makakauwi narin ito mamayang hapon. Kaya nakahinga na ng maluwag si Elleanor.

Nagising lang si Elleanor sa mahinang pagyugyog sa kaniya. Pagmulat niya ay ang kaniyang Ina ang una nitong nakita. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at mabilis na niyakap ang Ina. Niyakap rin siya nito pabalik habang hinahagod ang buhok.

"Bakit hindi ka umuwi sa bahay? Doon ka sana nagpahinga."

"Yun ho talaga ang plano ko, Nay. Pero di ko namalayan nakatulog na po pala ako." Ngumiti ang kaniyang Ina at hinawakan ang kaniyang mukha.

"Maraming salamat, anak. Kung di dahil sa tulong mo hindi mapapaopera ang tatay mo." Ngumiti siya at niyakap uli ang ina.

Ngayong kapiling niya na uli ang kaniyang pamilya, wala na siyang mahihiling pa. Tuluyan niya ng kakalimutan ang nangyari sa maynila.

Simula ng dumating siya mula maynila ay walang nagtanong sa kaniya kung bakit biglaan ang kaniyang uwi. At nagpapasalamat siya para doon. Makalipas lang rin ang ilang linggo ay nakabalik na ang kaniyang ama sa pagtatrabaho. Malakas na uli ang kaniyang ama na akala mo hindi naoperahan sa ulo.

Nakahanap naman si Elleanor ng tabaho sa isang grocery bilang cashier. Maliit ang sweldo ngunit nakakatulong rin naman iyon sa kaniyang pamilya.

Matapos magsara ng grocery ay umuwi na si Elleanor. Naabutan niya ang mga nakakababatang kapatid na nasa labas ng kanilang bahay.

"Ate!" Sinalubong siya ni Albert. "Nanjan na si Kuya Eman. Nakauwi na siya!" Pilit siyang ngumiti sa kapatid bago ito pumasok sa kanilang bahay.

Naabutan niya ang kaniyang Ama't Ina na kausap ang nakakatandang kapatid. Hindi maipaliwanag ni Elleanor ang nararamdaman. Gusto niyang maglabas ng galit rito ngunit mas nangingibabaw ang pagpapasalamat niyang ligtas ito.

Ngunit kahit masaya siyang makitang ligtas ito ay hindi niya ito kayang kausapin. Ang daming pinagdaanan ni Elleanor para sa kanilang pamilya pero bigla nalang magpapakita uli ang kaniya kuya na akala mo walang nangyari.

"Pasensya na kung kumuha ako ng pera rati, Nay. Kinailangan ko lang ho talaga ng pera para makapagsimula." Tahimik lang si Elleanor na nakatingin sa kaniyang Kuya Eman. "Pasensya na, Elleanor. Alam kong pinagtrabauhan mo yun. Babayaran ko rin kapag nakaluwag luwag ako."

"Nasan ang Kuya Sandro mo? Magkasama ba kayo?"

"Kasama ko siya, Nay. Matagal na kaming magkasama ni Kuya. Hindi kami makauwi dahil kailangan naming lumayo sainyo para hindi kayo masangkot sa gulo namin. Nay, pero unti unti naman na naming inaayos ni Kuya. Kaya nga ako naririto ngayon."

Hindi makapaniwala si Elleanor sa naririnig. Magkasama lang pala silang dalawa at ni hindi man lang kami sinabihan. Halos mabaliw ang kanilang Ina sa kakaisip kung nasaan silang dalawa o kung nakakakain ba ng sapat ang dalawang anak.

"Nasa dumaguete ho si Kuya. Matagal na ho siyang may trabaho roon at kama kailan lang ay kinuha niya ako para magtrabaho rin. May prominente ho kaming trabaho sa isang resort doon at nakapagipon ho kami para makuha na kayong lahat. Kaya ho ako bumalik rito para kunin na kayong lahat. Mas maganda ho ang magiging buhay natin doon, Nay."

Humingang malalim si Inay bago tumingin kay Tatay na nagiisip rin. Tumingin rin saakin si Inay na hinihintay ang magiging desisyon ko.

Nararapat ba na pagkatiwalaan uli ang mga nakakatanda kong kapatid?

___

Wala ng edit edit! Hahahahahaha
Sana magustuhan niyo. :))

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon