Chapter Three

1.8K 13 5
                                    


Pinilit nila akong sumama sa kanilang pagshopping. Inisip ko noong una na baka kailangan lang nila ng alalay pero ni hindi naman nila pinapahawak saakin ang mga binibili nila.

May parte saakin na gusto ring bumili ng mga bagong damit pero mas iniisip ko yung pamilya na naiwan ko sa probinsya. Yung mga damit kasi rito ay katumbas na ng bayad sa renta o kaya naman baon na ng mga kapatid ko.

Nagshopping silang tatlo. Di hamak na mas mataas ang sahod nilang tatlo saakin kaya kahit ano ang gusto nila ay nabibili nila. Hindi naman ako nagaatubiling tumingin sa mga damit kasi mas lalo lang akong matuksong bumili.

"Elle! Ang ganda nito. Bagay na bagay sayo." Umiling ako kay Angeline. May hawak itong kulay asul na dress at maganda nga iyon pero hindi ko naman kaya ang presyo non.

"Isukat mo na, Elle." Pinilit ako ni Angeline na isukat iyong dress. Isusukat lang naman kaya ginawa ko nalang. Mukha na sanang disente ang dress kaya lang may malaking butas ito sa likod kaya kitang kita ang likod ko. Lumabas ako ng fitting room at naabutan ko sila na hinihintay ako.

"Omg! Sabi na maganda sayo e. Bagay na bagay sayo." Nagpasalamat ako bago bumalik ng fitting room at nagbihis. Takot ko nalang na masira ang damit at mapabayad pa ako ng wala sa oras.

Ng nagbabayad na sila ay nakaupo lang ako sa isang gilid. Marami silang binili kaya hindi rin magkaundagaga yung babae sa cashier.

Sumunod kami sa isa pang boutique. Busy sila sa pamimili ng makaramdam ako ng ihi. Kaya nagpaalam ako sa kanila na pupunta akong banyo. Tumango lang sila saakin at hindi tinanggal ang tingin sa mga hawak na damit.

Hinanap ko ang pinakamalapit na Cr. Kinilig kilig pa ako ng mailabas ko ang ihi ko. Sinasarado ko na ang suot kong pantalon ng makarinig ng malakas na pagkahulog. Lumabas ako ng cubicle at nakita ang isang matanda na nakahandusay sa sahig.

"Lola!" Tinapik ko ang pisngi nito pero hindi ito gumagalaw. "Lola! Tulong!" Nagsisisigaw na ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa matanda. Jusko.

May lumabas sa cubicle na babae na naka damit pang nurse. Agad niyang chineck yung matanda at napagalaman ko ring kasama niya pala ito.

"Salamat, hija." Ngumiti ako doon sa matanda bago magsarado ang pintuan ng ambulansya.

Umalis na yung ambulansya pero nanatili akong nakatayo doon at nakatanaw. Iniisip ko palang na ganon ang mangyari sa mga magulang ko ay nahihirapan na akong huminga.

"Hoy, bigla kang nawala." Nagising ako sa malalim na pagiisip ng makasalubong ko sina Sasha. Mukhang tapos na silang mag shopping.

Umuwi narin kami at papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang hilain ni Coleen ang braso ko. "Sayang yung damit kung hindi mo bibilhin." Iniabot niya saakin ang dalawang paperbag bago ako itulak papasok sa kwarto ko.  Ni hindi pa ako nakakapagpasalamat e sinarado niya na ang pinto.

Nakangiti ako na pinagmasdan ang mga damit na nakalatag sa kama ko. Iyon ang mga bigay ni Coleen saakin. Gusto ko mang isukat iyon pero dinalaw na ako ng katamaran at pagod.

Kasabay ko si Jake na umuuwi kapag sarado na ang bar. May motor ito at buti nalang talaga malapit ang bahay nito sa apartment namin kaya menos sa gastos.

"Ang tamlay mo ngayon?" Kakatapos lang ng trabaho at kasama ko si Jake. Nandito kami sa tindahan malapit sa apartment. Kanina ko pa siya sinasabihan na umalis na pero ang kulit talaga.

"Yung bunso kong kapatid, inuubo raw sabi ni Nanay. Pinunta na raw nila sa center, ayos naman na daw ang lagay." Pero hindi ako naniniwala.

"Ayos naman na pala e. Ano pang ikinababahala mo?"

"Hindi mo kilala ang Nanay ko. Panigurado hindi nila iyon pinunta sa center. Dinaan lang nila sa albularyo." Dahil nga nasa probinsya sila ay masyadong mahal kapag sa mga ospital kaya madalas sa albularyo nalang dinadala kapag may sakit.

"Gusto mo bang umuwi?" Ilang buwan na ako rito at matagal ko ng gustong umuwi pero mas iniisip ko yung malaking pamasahe. Sayang lang yung gagastahin ko.

"Sayang pera." Inubos ko na yung coke sa supot at tinapon sa baldi sa gilid. "Umuwi ka na, Jake. Hindi kita papapasukin sa apartment." Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad pauwi. Narinig ko pa ang halakhak at pagtawag saakin ni Jake pero hindi ko na ito nilingon.

Pahiga palang ako sa kama ay tumunog na ang cellphone ko. Rumehistro ang pangalan ni Nanay kaya agad ko iyong sinagot.

"A-anak." Narinig ko rin ang pagsuway ni Tatay sa mga nakababata kong kapatid. Naririnig ko ang iyak nila kaya mas nanaig saakin ang kaba.

"Ano hong nangyari? Bakit naiyak sina Honey?" Mas lumakas ang hikbi ni Nanay.

"Ang iyong Kuya Eman, nakalaya na kaninang umaga. Napatulog pa namin siya dine sa bahay nung gabi pero bigla na siyang nawala noong umaga. Tinangay niya lahat ng perang tinabi namin galing sayo, a-anak."

Sapo ko ang ulo ko at pinipigilan ang sarili na umiyak. Ang pera na kanilang sinasabi ay talagang ipinatatabi ko para sa pag-aaral ng mga kapatid ko.

"Pasensya na, Anak. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ng imong kuya." Patuloy lang sa pagsasalita si Tatay pero hindi ko iyon kayang matanggap. Ilang beses ng nagawa ni Kuya Eman na kumuha ng pera. Ilang beses narin siyang nakulong dahil sa pagnanakaw nito. Hindi ko alam kung bakit na kaya pa nila itong tanggapin.

"Huwag na kayo magalala, Tay. Makakapag ipon parin naman po ako." Marami akong gustong sabihin pero nanatili akong walang imik. Gusto kong manumbat pero hindi ko ginawa.

____________________________________________________________

<3

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon