Chapter Nine

955 10 1
                                    

Ilang sandali akong nakatingin lang sa kaniya. Ilang beses ko ng narinig mula sa kaniya na gusto niya ako pero ngayon ko lang narinig na mahal niya ako.

Ang hirap isipin kung paano ko sasabihin sa kaniyang hindi ko matatanggap ang pagmamahal niya. Ayaw kong saktan si Jake. Dahil ayoko sa lahat ay nakakasakit ako ng ibang tao pero anong gagawin ko? Paano ko sasabihin sa paraan na hindi siya masasaktan?

Natigil kami ng bumukas ang pinto at niluwa non si Coleen. Agad tumaas ang kilay nito ng makita kami ni Jake.

"Anong ginagawa mo dito, Jake?" Tumingin rin ito saakin pero wala akong maisip na sabihin kaya tumahimik nalang ako.

"Napadaan lang ako." Ngumiti ito kay Coleen bago ako tignan. "Sige. Una na ako." Tumango ito saakin na nakangiti at bago ko pa ito matawag ay naglakad na ito palayo saamin.

"Huy, bakit ang lungkot mo?" Tumaas ang tingin ko at nagtatakang mukha ni Coleen ang nakita.

Bago pa ito magisip ng kahit ano ay ngumiti na ako at hinala ang kamag nito papasok sa bar.

Nang pumasok kami ni Coleen ay mas lalong naging wild ang mga tao. Naabutan namin si Sasha na nagsasayaw sa maliit na entablado. Nandon naman sa baba si Angeline na nagtatalon.

Nataranra na ako ng simula na nitong hilain ang dress pataas. Agad lumapit si Coleen at maingat na hinila ito pababa. Hinila ko narin si Angeline. Pinaupo muna namin sila sa couch na inuupuan namin kanina. Nandon pa ang mga lalake na kasama namin kanina. Ramdam ko ang tingin saakin ni Luigi pero hindi ko ito tinapunan ng tingin dahil nahihiya ako sa nangyari sa labas kanina.

Nakakuha si Coleen ng tubig kaya pinainom namin sila para mahimasmasan kahit onti. Pipikit pikit na sila kaya iyon na ang go time para umuwi kami. Baka kapag nalingat kami kahit sandali ay magtatalon nanaman sila.

"Kaya niyo ba? We can drive you home." Nagkatinginan kami ni Coleen bago tignan ang dalawa naming kasama. Kaya ba namin? Pinauwi na kasi ni Coleen ang naghatid saamin kanina at hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa.

"Hindi ba hassle sainyo?"

"Okay lang saakin." Tumayo si Luigi at lumapit saamin. Tumingin ito saakin bago buhatin si Sasha.

"I'll take my car. Alex you take Carl's." Tumango ang mga kaibigan niya at binuhat narin nung isa si Angeline.

Andaming binubulong ni Sasha ng nasa sasakyan na kami. Nasa sasakyan kami ni Luigi at nasa backseat silang dalawa ng kaibigan ni Luigi. Gusto ko sanang katabi si Sasha pero pinilit na ako ni Luigi na sa harap umupo. Tama rin naman dahil ituturo ko kung saan ang apartment namin. Nasa kabilang sasakyan naman si Coleen at Angeline at ang iba pang kaibigan ni Luigi.

Tinulungan rin nila kaming ipasok sa apartment sila Sasha. Hindi na kasi dumidilat yung dalawa e.

Kung tutuusin, tama nga na nagpatulong kami dahil kung kami lang ni Coleen ay mahihirapan kami. Sobrang lasing na nung dalawa kaya talagang tulog sila pagkauwi namin. Tatlo rin sa mga kaibigan nila ang tulog na sa sasakyan.

Nakakahiya naman sa mga tumulong saamin kaya inofferan namin sila ng kape. Para narin mahimasmasan sila sa dami ng alak na nainom nila.

"Thank you ha. Mahihirapan siguro kami ni Elle kung kami lang dalawa." Ngumiti si Coleen.

"No problem." Iyong isang kaibigan ni Luigi na papikit pikit narin. Tumingin ito kay Luigi at nag senyasan silang dalawa.

"Mauuna na kami. Salamat sa kape." Tumayo na sila at naglakad na papalapit sa aming pintuan. Sumunod rin kami ni Coleen hanggang sa pintuan.

"Thank you ulit ha." Kumaway si Coleen kaya kumaway rin yung dalawa.

Tinapunan muna ako ng tingin ni Luigi bago tuluyang sumakay sa kaniyang sasakyan.

Nang makaalis na yung dalawa ay tinignan ako ni Coleen na parang may ginawa akong masama.

"Halatang type ka ni Luigi." Umiling ako rito bago itulak papasok sa isang kwarto.

"Matulog ka na nga." Tumatawa pa ito ng isarado ko na ang pinto ng kaniyang kwarto.

Nakapagshower pa ako bago ako tuluyan ng nakatulog. Doong gabi lang ako hindi nagkapanaginip ng masama marahil nakatulong ang alak para talagang tulog lang ako. Ang himbing ng tulog ko at nagising lang ako sa sunod sunod na katok ni Sasha sa pinto ko.

"Ang aga aga Elleanor ha." Napakamot ako sa batok ng iyon ang unang narinig mula sa kaniya. Nagtataka pa ako dahil siya naman ang nanggising saakin. "Ang haba ng buhok mo." Inikutan muna ako nito ng mata bago ituro ang lalakeng nakaupo saaming sala.

"Luigi?" Ilang beses pa akong kumurap kurap dahil hindi ko inaasahan na makikita ito ngayon. "Anong ginagawa mo rito?" Lumapit ako rito at tumayo rin naman siya. Nakakahiya pa dahil bagong gising lang ako. Ni hindi pa ako nagmumumog o nagtatanggal ng mga muta. Habang siya ay ang bango bango na.

"Let's get food. I'm starving."

"Ha? Wala kaming pagkain." Mas lumawak ang ngiti nito at yumuko para magkapantay ang mukha namin. Nanlaki pa ang mata ko ng ilang pulgada nalang ang lapit niya saakin. Napatakip ako sa bibig ko dahil ayokong maamoy nino man ang hininga kong bagong gising.

"Fix yourself. I'll wait here."

____

:))

Kung may typos man pasensya na. Tinatamad na akong mag proofread. But I hope you liked this chapter. ❤️

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon