Chapter One

4.2K 18 8
                                    

"Hindi ka na ba talaga magpapaawat sa pagalis, Elleanor? Napakalaki ng maynila." Sinarado ko muna ang malaki kong bagahe bago tignan ang aking Inay. "Kinakaya ko naman ang mga labahin ni Madame Cely."

"Nay, malapit na po ang pasukan nila Honey. Mas mabilis tayong makakaipon kapag nagtrabaho ako sa maynila. Nakausap ko na ho si Sasha siya ang nagreffer saakin sa pinagtatrabahuhan niya."

"Ganun ba? Mukhang maganda nga ang buhay ni Sasha sa maynila. Kung ganon, hindi na kita guguluhin. Basta umuwi ka dine kung nagkaroon ng problema."

Tumango ako kay Nanay bago tinapos ang pagaayos ng aking gamit. Hindi ko pinakita kina Inay ang nararamdaman kong kaba. Ngayon lang rin ako mawawalay sa kanila ng matagal na panahon.

"Magiingat ka roon, Elleanor. Maraming salamat sa sakripisyo mong ito." Yumakap ako kay Itay bago naglakad papasok sa bus.

Nakita ko pa silang kumakaway sa bintana bago umandar ang bus.

Para ito sa pamilya ko. Para ito sa pamilya ko.

Kakababa ko lang ng bus bitbit ang dalawang naglalakihang maleta.

Dose kaming magkakapatid at pangatlo ako. Labas pasok sa kulungan ang dalawa kong kuya dahil sa pagbebenta ng illegal na droga. Karpintero ang tatay ko at labandera naman ang nanay ko. Kahit pa man may trabaho sila ay hindi parin nito kaya ang panggastos namin. Kaya kinailangan kong umalis ng probinsya namin at magbakasakali rito sa maynila.

Unang beses ko sa syudad na ito kaya hindi pa talaga ako pamilyar sa lugar. Hawak ko ang de keypad na cellphone sa isang kamay at nakatapat ito sa tenga ko habang nakalagay naman sa isang kamay ang maliit na papel kung saan nakalagay ang address ng papasukan kong trabaho. Tinatawagan ko si Sasha na kaibigan ko sa probinsya. Nauna kasi ito saakin sa pagpunta dito sa maynila at siya ang nagrekomenda ng trabahong pinapasukan niya.

"Hello?" Mukhang nagising ko pa ito sa pagtulog.

"Sasha! Si Elleanor ito. Nandito na ako sa maynila."

"Ha? Saglit! Susunduin na kita. Nako huwag kang sasama kahit kanino. Tignan mo ang mga gamit mo. Saglit lang." Pinatay na nito ang tawag at ni hindi na ako nakapagsalita dahil sa dami na ng sinabi nito.

Hawak ko ng mahigpit ang dalawang maleta ko dahil narin sa mga sinabi ni Sasha.

Nakaupo lang ako sa loob at halos tatlumpung minuto na akong naghihintay kay Sasha. Nakatitig ako sa cellphone ko dahil baka tumawag ito at hindi ko masagot. Sira na kasi ito kaya minsan tinotopak na talaga.

"Elle!!!!" Tinaas ko ang tingin ko at nakita ang kaibigang si Sasha na tumatakbo papalapit saakin. Yumakap siya saakin at niyakap ko rin ito. "Grabe! Napaka ganda mo parin!" Humiwalay siya sa pagyakap at saka ko lang napansin ang suot nito.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Ibang iba sa nakasanayan niyang mahabang palda at tshirt. Ang ikli ng suot nitong palda at kulang nalang lumuwa ang kaniyang dibdib sa suot na kamiseta.

"Nako ganito talaga dito sa maynila. Halika na! Hinihintay na tayo ni Jokobabes." Tinulungan niya na ako sa mga gamit ko. Naglakad kami sandali tapos ay tumigil sa isang magarang sasakyan.

May bumaba galing sa sasakyan at niyakap si Sasha. Mukha itong hapon at mukha rin itong mas matanda saamin.

"Babes! This is Elleanor. Pretty, no?" Tumango iyong mama. "Sis, ito si Jokobabes." Ngumiti ako dito kahit na nawiwirduhan ako sa kanilang dalawa.

Inihatid kami ni Joko sa apartment ni Sasha. Nauna na akong bumaba dahil mukhang may kailangan pa silang gawin sa loob ng sasakyan. Tama nga ako dahil nakita ko silang naghahalikan. Di rin nagtagal ay bumaba na si Sasha. Ngumiti ito bago ako tulungan sa mga maleta ko. Nakasunod lang ako sa kaniya papasok sa makipot na eskenita. Bumungad rin saamin ang tabi tabi na bahay.

Hinahanap na ni Sasha ang susi ng apartment pero bigla na itong bumukas. Lumabas ang isang lalake. Nagulat pa ito ng makita si Sasha pero wala manlang reaksyon ito. Nagtatatakbo nanyung binatilyo palayo.

"Angeline!!" Pumasok na kami sa apartment niya at kahit ilang beses kong ilibot ang paningin ko ay kalat ang nakikita ko.

"Pasensya ka na, Elle. Ganito talaga dito. Wala na kasing nakapaglilinis dahil maraming trabaho." Inalis niya ang mga damit na nakalagay sa sofa at basta nalang inihahagis iyon.

"Okay lang, Sasha. Mas makalat parin ang bahay namin."

"Nako hindi kaya! Lagi ka ngang naglilinis noon." Tumigil rin ito sa paghahagis at pinaupo na ako. "Ay nako Elle, huwag kang maglilinis dito. Hindi ampok ang kasipagan mo rito. Okay?" Tumango ako rito. Pumasok siya sa isang pinto at narinig kong may tinatalakan siya roon. Paglabas niya ng kwartong iyon ay may kasama na siya. "Well, dahil mahal magsingil ang matabang landlady natin ay kailangan kong kumuha ng mga kasama magbabayad ng renta. Ito si Angeline. Makikilala mo rin si Coleen mamaya."

Ngumiti ako kay Angeline at ganun din ito saakin. Pinakita saakin ni Sasha ang kwarto na gagamitin ko at nakapagayos na ako ng gamit ko.

"First time mo ba dito?" Si Angeline na nakatayo sa may pinto at nakatingin saakin.

"Oo. Kailangang kailangan ko kasi ng trabaho."

"Saan ka ipapasok ni Sasha. Sa una o sa pangalawa?"

"Hindi niya pa nasasabi saakin."

"Oh well, goodluck." Umalis rin ito kaya natapos ko ang pagaayos ng gamit ko. Inayos ko rin ang ibang kalat sa loob ng kwarto.

Dumating ang gabi at hindi ko iyon namalayan dahil nakatulog ako. Naririnig ko nalang ang gulo sa labas ng kwarto.

Nagsusuot ng damit si Sasha habang nagmemake up naman si Angeline. Nakaupo naman ang isang babae na hula ko ay si Coleen. Tamad na tamad itong nakatingin kay Angeline.

"O Elle, gising ka na pala." Ani Sasha. "Ito nga pala si Coleen." Ngumiti ako ni hindi manlang ako nginitian ni Coleen.

"Pagpasensyahan mo na, ganyan lang talaga iyan." Bulong saakin ni Sasha. Hinila niya ako para makapunta ako sa loob ng kwarto niya. Kung makalat na sa labas ay doble ang gulo dito.

"Maligo ka na at magbihis nito." Binigay niya saakin ang isang damit. Kinakabahan ko itong tinanggap. Hindi lingid saaking kaalaman kung ano ang trabaho na pinapasok ni Sasha. Alam ko na sa isang sikat na bar ito nagtatrabaho.

Kinakabahan ako sa papasukin kong trabaho pero tinanggap ko nalang rin dahil para naman ito sa pamilya ko.

____________________________________

<3

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon