"Elle, wala ka bang balak sumama?" Tinapos ko muna ang pagtali sa buhok ko bago umiling kay Amy. "Elle, malaking bagay yun. Marami tayong matututunan."
Huminga ako ng malalim bago muling umiling. Ilang araw na akong pinipilit ni Amy na sumama sa maynila para sa isang convention. Gusto nga noong una ni Madam Aileen na ako ang pumunta pero agad akong humindi. Madalas na si Amy ang pinapapunta at gusto nilang ako ngayong taon dahil nakikita raw ang potential saakin pero hindi ko pa ata kayang bumalik roon. Lalo na't nagbunga ang pagkakamali ko.
"Elle, napakalaki ng maynila. Sa tingin mo ba talaga makikita natin siya doon?" Napaisip rin tuloy muli ako dahil sa sinabi ni Amy. Tama naman siyang malaki ang maynila pero mayroon paring maliit na posibilidad at iyon ang ikinakatakot ko.
"Elleanor?" Napatayo ako sa pagkakaupo ng marinig ang boses ni Inay. Kinakabahan dahil baka may narinig siya sa pinaguusapan namin ni Amy. "Ano yung narinig ko kay Madam Aileen? Convention sa maynila na ayaw mong puntahan?"
"Pinipilit ko nga siya, Nay e." Pinanlakihan ko ng mata si Amy ng sumabat ito.
"Bakit naman, anak? Kung makakatulong naman pala iyon saiyo o sa trabaho mo bakit ka humindi?"
"Marahil may dahilan si Elleanor kung bakit ayaw niyang pumunta, Sheila. Huwag nating ipilit ang ayaw ng anak natin." Nagsalita rin si Tatay.
"Anong rason naman iyon?" Naningkit ang mata ni Inay na tinignan ako. Kaya bago pa magkasabihan ng totoo ay pumayag na ako.
"Sasama na ho ako, Nay." Napatalon pa si Amy dahil sa excitement sa narinig.
"Kung para sa ikakabuti mo, anak. Hindi mo dapat tinatanggihan ang grasya." Ngumiti nalang ako kahit na labag ito sa loob ko.
___
Pagkalabas namin ng airport ay mayroon ng van na sumundo saamin papuntang hotel kung saan gaganapin ang convention ng isang linggo.
Nagpahinga at nagayos lang kami ng gamit noong hapon tapos naghanda na para sa welcoming dinner. Lahat ng damit na susuotin namin para sa convention ay bigay lahat ni Madam Aileen.
Masyadong magarbo ang welcoming dinner at kailangan naka formal pa. Mabuti nalang at handa na ang lahat ng gagamitin namin ni Amy from head to toe. Kung hindi kasi ay baka nagmukha kaming serbidora rito.
Matapos akong ayusan ni Amy ay isinuot ko na ang aking long dress. Midnight blue off shoulder ruched satin dress. Matapos kong maisuot ang dress ay matagal kong tinignan ang aking sarili sa salamin.
Kapag naayusan ako, tila nagiiba ang aking ichura. Nawawala si Elleanor na galing sa probinsya.
"Tara na, Elle." Narinig ko ang boses ni Amy sa labas. Huminga muna ako ng malalim bago ngitian ang sarili sa salamin.
"Nasaan si Elle?" Bungad saakin ni Amy pagkalabas ko ng banyo na ikinatawa ko. "Ikaw ba talaga yung inayusan ko kanina?"
"Amy tara na nga." Kinuha ko na ang clutch ko at nauna na sa pintuan. Tumatawa nalang si Amy na sumunod saakin palabas.
May registration bago makapasok sa venue. Doon rin isinuot saamin ang bracelet na sa pagkakakwento ni Amy ay pwede naming gamitin kapag may kailangan kami rito sa hotel. Napakagaling nga naman talaga ng nagisip sa convention na ito. Lahat ng detalye ay pinagisipan ng mabuti.
Maraming attendees sa convention na ito pero hindi ka mawawala dahil maraming usherette na nakakalat para tumulong sayo. Nang makaupo na kami ni Amy saaming lamesa ay nagkwentuhan na kami sa mga katabi namin. Lahat naman sila ay mababait kahit ang iba ay galing rito sa maynila. Bago pa tuluyang magsimula ang welcoming dinner ay nagkaroon na kami ng mga kaibigan ni Amy. May mga nakapalitan pa ito ng number.
At bago pa magsimula ay hinila na agad ako ng banyo. Hindi ko talaga nakakalimutang buntis ako dahil panay ang ihi ko.
Pagkatapos ko ng business ko sa banyo ay naghugas muna ako ng kamay at tinignan ang sarili sa salamin bago lumabas. Nagmamadali pa ako dahil naririnig ko na na may nagsasalita sa labas. Kakamadali ko, may nabunggo pa akong matigas. Tao pala. Napakapit ako sa braso nito ng maout of balance ako. Agad rin naman ako bumitaw ng makuha ko na ang balanse ko. "Pasensya na po, Sir. Pasensya na po talaga." Hindi ko ito matignan dahil sa kahihiyan.
"It's okay, Miss." ibinaba ko ang tingin ko at pinauna itong makaalis. Saka lang ako nakaalis ng hindi ko na naamoy ang pabango nito.
Nakakahiya talaga. Baka kung sino pa iyon at malaman niya kung taga saan akong resort tapos sabihin niyang lahat ng nandoon ay clumsy. Praning lang siguro ako.
"Elle! Saan ka ba nagsususuot? Di mo tuloy nakita si Mr. Ybarra." Kinikilig kilig na sabi ni Amy. Bukambibig niya talaga yang Mr. Ybarra na yan. Sabi niya rin na kaya gustong gusto niya pumupunta sa convention ay para makita ang tao na iyon.
"Alam mo naman tong pantog ko."
"Oo nga pala." Humagikgik pa siya bago tumingin na sa maliit na stage.
Naging maayos naman ang welcome dinner. Sobrang sasarap noong mga pagkain kahit maliliit lang ang serving. Kahit tapos na tuloy ang dinner ay nagugutom pa ako.
"Every convention hosted by Y.Co has a muse. And ever since the start of our welcome dinner, the lead committee has been eyeing a particular women. The woman who shines in the crowd just how Y.Co shines in the industry." Nabanggit saakin ni Amy ang pakulo nilang ganito. May mga incentives raw yung muse at kung saang company siya kabilang. Kaya siguro todo bigay ang mga attendees na babae.
"May we call on Ms. Elleanor Esguerra on stage? The beautiful woman in blue."
Naramdaman ko nalang ang paulit ulit na tapik saakin ni Amy. Bago tumapat ang nakakasilaw na spot light.
____
Sorry for the late upload. Hope you liked it.
:)
BINABASA MO ANG
One Night Mistake
Подростковая литератураThis story may contain words that is not suitable for very young audiences. --- Photo credits to the rightful owner.