Chapter Ten

858 7 1
                                    

Eto na ata ang pinaka awkward na umagahan sa buhay ko. Simula ng makarating kami sa pinili niyang pagkainan ay hindi na ito umimik. Habang nagmamaneho pa ay panay ang lingon saakin na akala mo may gustong sabihin pero hindi masabi.

May dumi ba ako sa mukha? Hindi ko ba natanggal ang muta ko? Magulo ba ang buhok ko? Mabaho ba ako? Ang dami kong tanong pero ni hindi ko magawang magsalita dahil nahihiya ako.

Sinimulan ko ng kumain ng dumating ang mga order namin. Pinahidan ko ng butter ang pancake at hindi ko tinigilan ang pancake ko hanggang hindi ito natatabunan ng syrup. Tuwang tuwa pa ako ng kumagat dito. Tumango pa ako ng malasahan ang tamis ng syrup at lambot ng pancake.

Nakangiti itong nakatingin saakin habang nilalamon ko ang pancake saaking pinggan. Kaya naman pala sarap na sarap ang mga mayayaman rito dahil tunay itong masarap. Paniguradong magugustuhan ito ng mga nakababata kong kapatid.

Natigil ako sa pagsubo ng maalala ang pamilyang naiwan sa probinsya. Kung maidadala ko man silang lahat rito sa maynila ay ipapatikim ko sa kanilang lahat ang mga masasarap na makakain.

"Okay ka lang?" Nabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Luigi. Nawala ang ngiti nito ng makita ang pagseryoso ng aking mukha.

"May naalala lang ako." Tumango ito pero nanatili paring nakatingin saakin. Kahit nahihiya ay inubos ko ang pagkain sa aking pinggan. Akala ko kasi kapag naubos ko na ay makakaalis na kami pero hindi pala.

"Uhm..." Nakaramdam ako ng hiya lalo na ng tumagal ang titig nito saakin. Ibang iba kasi ang mata nito na akala mo minememorya ako at minamasdan ang bawat galaw ko.

"Maybe nagtataka ka kung bakit kita inayang lumabas ngayon. I just... I just wanna figure out something. Are you not related to the Cabrera Family?" Umiling ako dahil wala naman akong kilalang may apelyidong Cabrera.

"Laking probinsya ako at hindi ako ganun kapamiyar sa ibang tao pero wala akong kilalang Cabrera. Bakit mo naitanong?"

"You remind me so much of a particular person. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?" Napahawak ito sa kaniyang ulo bago ako tignan muli. "You look like her. Are you sure you're not from the Cabrera Family?"

"Oo naman. Anak ako ng Nanay at Tatay ko na galing sa Cebu. Okay ka lang ba? Lasing ka parin ba?"

"No. Hindi ako lasing. Gusto ko lang talagang makasigurado. Kalimutan mo na yung mgabtanong ko." Bumuntong hininga ito bago ngumiti saakin. "Ihahatid na kita sa inyo."

Hindi na muling nagpakita si Luigi matapos ang araw na iyon. Tinatanong ako nila Sasha kung anong nangyari ngunit maging ako ay naguguluhan.  Hinayaan ko nalang dahil hindi naman importante iyon para saakin. Nagpatuloy nalang ako sa pagtrabaho sa bar.

Nakangiti ako habang naghahalo ng alak ng lumapit saakin si Jake. "Pwede ba tayong magusap?" Sapat lang para marinig ko kahit na malakas ang nakapalibot saaming tugtog.

Pang-ilan na ito mula ng magkita kami sa ibang bar at patuloy na hindi parin ang sagot ko. Gusto ko na kasing lumayo sa kaniya para kahit papaano ay makalimutan niya ako o ang nararamdaman niya para saakin. Ngunit nasa iisang pagtrabahuhan lang kami at malapit pa sa isa't isa. Kaya kung hindi ko kailangang kausapin siya ay hindi ko talaga siya kinakausap.

"Jake, tama na." Mabilis akong lumingon sa kaniya at binalik agad ang tingin sa mga alak sa harap. Narinig ko ang buntong hininga nito bago lumayo saakin.

Hindi ko na kasi alam kung ano ang dapat kong gawin e. Ayaw ko siyang saktan ng ganito pero wala na akong magagawa. Ilang beses ko ng nasabi na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya pero siya itong makulit.

Ng matapos ang shift ko ay dumaretso muna ako sa dressing room para makapagbihis. Habang nagbibihis ako ay tumunog ang cellphone ko. Minadali kong isuot ang tshirt at agad na sinagot ang tawag ng makitang galing iyon kay Nanay.

"E-Elleanor." Agad dumaan ang kaba saaking dibdib ng mabosesan ang lungkot galing rito.

"Nay? May nangyari po ba?"

"A-anak, ang tatay mo nasa ospital."

"Ho?! Ano hong nangyari kay Tatay?"

"Na... Na basagan ng bote ng alak ang kaniyang ulo. Kailangan niya ng opera anak. Malaking halaga ang hinihingi nila para maoperahan ang tatay mo. Kung hindi natin maibibigay ay baka... baka ikamatay niya ito. Anak, hindi ko na alam kung kanino pa ako hihingi ng tulong." Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang paghikbi. Ayokong marinig ni Nanay na umiiyak ako dahil kailangang matatag ako para sa kanila.

"Nay, dadale na muna ako rito. Magpapadala ho agad ako. Huwag na ho kayong umiyak dahil magiging okay lang ang tatay. Gagawan ko ng paraan nay."

"Salamat, anak. Pasensya ka na."

"Okay lang nay. Babalitaan ko ho kayo agad." Pagkapatay ko sa tawag ay saka na tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napakahirap ng sitwasyon na tinatayuan ko. Gusto kong umuwi ngunit mas alam kong matutulungan ko sila kung nandirito ako at malayo.

Paano ako makapagpapadala agad ng pera sa kanila?

"Elle?" Mabilis kong pinunasan ang aking pisngi ng may tumawag saaking pangalan. Nagaalalang mukha ni Nikko ang una kong nakita pagkaangat ko ng aking ulo. "Bakit ka umiiyak?"

"N-Nikko. Kailangan ko ng tulong mo."

_______

Happy New Year! :))

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon