Chapter Two

2K 11 2
                                    


"Lintik ka, Sasha! Napakaganda nitong si Elleanor." Ngumiti lang ako kay Angeline ng matapos malagyan ng kolorete ang mukha ko.

Hindi rin ako makapaniwala na mukha ko ang nakikita ko ngayon sa salamin. Nawala ang probinsyanang si Elleanor. Suot ko na ang binigay ni Sasha na itim na bestida. Hapit iyon sa katawan ko at kahit hindi kalakihan ang dibdib ko ay parang luluwa na iyon.

Ng makababa kami sa sinakyang taxi ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sa tinurong gusali ni Sasha ay maraming naka parke na magagarang sasakyan. Mga sasakyan na dati nakikita ko lang sa telebisyon ng kapitbahay namin.

"Huwag ka magalala, walang mangbabastos sayo dito. Chill lang dito." Ngumiti si Sasha at hinawakan na ang kamay ko. Sa likod kami dumaan at tumigil lang kami sa isang kwarto na maraming damit na nakasabit.

"Nikko! Ayaw ko kay Mr. Akinawa. Ilang araw akong nahirapan maglakad dahil sa lakas niya."

"Gaga! Pasalamat ka malaki siya magbayad." Sumulyap yung lalake saamin at ngumiti bago inirapan ang babae sa harap niya. "Umalis ka na muna dito! Pinapainit mo ulo ko!"

Humarap yung lalake kay Sasha at nagbesuhan pa sila. Tumigil ang tingin niya saakin at ilang ulit muna niya ako tinignan ng taas baba bago ako nginitian.

"Nako Sasha! Ang ganda pala nitong alaga mo!" Lumapit iyong lalake at mas tinignan ako. "Maraming magkakagusto sayo dito, ineng. Pero dahil suki si Sasha pinagbigyan ko na nasa bar ka lang. Pero kung-"

"Nikko! Hindi siya pwedeng itable."

"Okay okay." Umirap ito kay Sasha bago ako tignan ulit. "Pumunta na kayo roon dahil maguusap pa kami ni Elle."

Umalis na sila Sasha. Pinaupo naman ako ng tinawag niyang Nikko.

"Huwag ka magalala. Hindi tayo talo para gahasain kita rito. Mas gusto ko ng mga lalake, hija." Nanlaki ang mata ni Elle. Malaki kasi ang pangangatawan nito kaya inakala niya na may gagawin itong masama sa kaniya. Pinagusapan lang nila ang tungkol sa mga gagawin niya sa trabaho. Di rin nagtagal ay may pumasok na lalake sa loob ng dressing room. Wala itong pangitaas at pawisan ang dibdib.

"Si Jake ang bartender dito. Sumama ka na muna sa kaniya." Tumango ako bago tuluyang sumama kay Jake.

"Uhmm... Anong gagawin ko?" Kanina pa siya nandito sa tabi ng lalagyan ng mga alak pero ni wala manlang iniuutos sa kaniya si Jake. Seryoso lang kasi ito na naghahalo ng inumim kaya natatakot ako na kausapin ito.

"Marunong ka bang magmix ng alak?"

"Onti lang." Hindi ako nakapagtapos sa kurso kong HRM pero alam ko ang mga mixes ng alak."

"O sige. Gawan moko ng margarita."

Ng matapos ko ang margarita ay binigay ko sa kaniya.

"Not bad." Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi ng matikman niya ang gawa ko. "Tulungan mo nalang ako kapag may kailangan akong alak. Tuturuan kita mamaya ng masasarap na mix ko." Ngumiti ako at tumango.

Hindi rin nagtagal ay nagenjoy na ako sa ginagawa ko. Hindi ko rin namalayan na tapos na ang oras ko ng trabaho. Nakakapagod iyon pero nagenjoy ako. Nakailang inom rin ako ng beer na nakalagay lang sa isang tabi.

____

Lumipas ang dalawang linggo na ganun ang trabaho ko. Okay naman ang sahuran dahil nakakapagpadala ako kina Nanay sa probinsya. Depende kasi sa dami ng tao ang nadadagdag na tip saamin.

Nasanay narin ako sa damit kong laging hapit sa katawan at hindi na ako gaano nahihilo sa ilaw na laging iba iba at mabilis magpalit. Nakakagawa narin ako ng alak ng sarili ko. Naging close narin kami ni Jake dahil kami lang naman ang laging magkasama sa trabaho.

"Mabilis kang matuto, Elle." Nakangiti si Jake saakin habang ako naman ay gumagawa ng popular na mix niya. Lumapit ito saakin at naramdaman ko ang kamay niya sa aking beywang. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang hininga niya sa batok ko. Binigyan niya iyon ng isang halik na muntik ng magpaliyad saakin.

"Why so tensed?" Tinignan ko siya ng masama. Meron ng mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. Tinulak ko siya kaya napahalakhak siya. "Hindi ka naman mabiro, Elle." Lalapit pa sana siya saakin pero natigil iyon dahil dinagsa na kami ng gustong uminom ng alak.

Matapos ang trabaho ay kasabay ko si Jake na umuwi. Puro may mga kasamang lalake ang mga kasama ko sa apartment kaya alam ko narin na hindi sila uuwi. Buti nalang at malapit lang ang bahay ni Jake sa apartment.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Nagpapaawa na muka ito saakin. Kahit dalawang linggo palang kami na magkasama ay alam ko na ang tactics niya para makakuha ng babae.

"Hindi. Umuwi ka na." Gwapo at maganda ang pangangatawan ni Jake siguro kung ibang babae ay mapapatulan siya pero hindi ako ganon. Kahit pa man lagi niya akong nilalandi sa bar ay hindi ako basta basta bibigay sa kaniya. Saka ko lang ibibigay ang sarili ko sa taong mahal ko.

Ng matapos ang isang buwan at nakuha ko ang sahod ko ay ipinadala ko agad ang kalahati sa pamilya ko. Nagiwan lang ako ng onti para sa renta sa apartment at pangkain.

"Ang boriiiinggg." Nakahilata si Angeline sa sofa na ngayon ay malinis na at wala ng nakalagay na mga damit. Naaasiwa kasi talaga ako kapag dumadaan ako sa sala kaya nilinis ko iyon. Kahit pa man sinuway ako ni Sasha. "Mag mall kaya tayo?" Binalik ko ang tingin kay Angeline na ngayon ay nakaupo na sa sofa.

"Pwede naman." Sasha. "Bagong sahod naman tayo kaya gora."

"Hindi ka sasama, Elle?" Nakatingin silang tatlo saakin.

"Kaka padala ko ng pera kanina. Wala na akong pera."

"Asus. Akong bahala sayo." Coleen. Nilagpasan na nito ako at pumasok sa kwarto niya. Nag kibit balikat nalang yung dalawa.

Balita saakin ni Sasha ay mayaman ang pamilya ni Coleen pero tumakas siya at ngayon ngay nagtatrabaho na sa bar. Si Angeline naman hindi rin palakwento.

____________________________________________________________

<3

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon