"Sir, napuwing lang po." Lame.Humawak siya sa pisngi ko at ginamit ang hinlalaki para punasan ang tumulo kong luha. Naalala ko ang paghalik niya saakin kagabi sa paghawak niya sa pisngi ko. Isang bagay na ako lang pala ang nakakaalala saaming dalawa.
"Come on, Elleanor. What's bugging you?"
Ikaw. Ikaw ang bumabagabag saakin. Bakit ka ganito?
"Wala po." Sinubukan kong lumayo dahil baka kung sino pa ang makakita saaming dalawa. "Sir, magpapahinga na po sana ako."
"We need to talk, Elleanor." Sabi nito ilang sandali ang nakakalipas.
Ano pa ba ang dapat naming pagusapan?
"Later, susunduin kita." Bumitaw siya sa pagkahawak sa kamay ko at naglakad palayo.
Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. Bakit bigla siyang ganito? I mean, ang Mr. Ybarra na nakilala ko sa ilang araw namin rito ay madalang lang pumansin at laging mayroong matapang na aura. Ibang iba sa lalaking nakita ko kagabi at ngayon.
Naabutan ako ni Amy na nakatunganga sa tapat ng room namin. Nagsisimula itong kulitin ako pero sinabihan ko siyang masama ang pakiramdam ko kaya tumigil ito.
"Bakla, magpahinga ka lang ha? Tumawag ka pag may kailangan ka o gustong kainin." Tumango ako kay Amy kahit na nakatalukbong ako ng kumot. Mabuti nalang aalis si Amy kasama ang ibang attendees. Hindi niya makikita na magkikita kami ni Sir Rio.
Para akong tanga na kinakabahan kanina pa. Wala naman siyang sinabi na oras pero kanina pa ako nakapaghanda. Katok nalang mula saaming pintuan ang hinihintay ko.
**
Lampas alas otso ng kumatok si Sir Rio saaming pintuan. Kinakabahan man ay binuksan ko ito.
Tama kayang pinaglilihian ko ito? O sobrang gwapo lang talaga nito? Simpleng poloshirt at shorts lang ang suot nito pero ang lakas ng dating saakin. Ano ba itong nararamdaman ko?
"Hi." Simpleng ngiti lang ang ibinigay ko dito. Baka sa oras na buksan ko ang aking bibig ay masabi ko lahat ng naiisip ko.
Sumakay kami ng elevator pababa sa basement parking. Luminga linga pa ako dahil baka may ibang makakita saamin.
**
Tumigil ang sasakyan ni Sir Rio sa isang restaurant na may kalayuan sa siudad. Lampas isang oras rin kaming tahimik sa loob ng kaniyang sasakyan habang siya'y nagmamaneho.
Pinagbuksan niya ako ng pinto bago hawakan ang kamay ko.
"S-sir." Nakakailang na hawak niya ang kamay ko. Pero parang wala itong narinig at mas hinigpitan pa ang hawak. Napakagat ako saaking ibabang labi pinipigilan ang isang ngiti. Kinikilig ako pero tama ba ito?
Hila hila niya lang akong papasok sa restaurant. Tumango lang siya sa receptionist at nagtuloy lang kami sa paglalakad. Mukhang kilalang kilala na siya dito a. Ilang babae na kaya ang napunta niya dito?
Ang table namin ay malapit sa bintana at tanaw ang magandang ilaw mula sa siudad.
Inabutan kami ng menu at nalula ako sa presyo ng mga pagkain. "Sir, ang mahal naman po ng pagkain dito? May ginto po ba?"
Narinig ko ang tawa nito na ikinasama ng tingin ko. Tama bang tawanan lang ako? Paano ako magbabayad dito? Ni wala nga akong dalang pera ngayon e.
"Elleanor, I'm not planning to let you pay. You can choose whatever food you like." Ngumiti siya at mas tinitigan ako. Hindi ako makafocus sa pagpili kaya kahit ano nalang itinuro ko. Makatitig si Sir Rio akala mo mawawala ako sa paningin niya e.
Kailan ka pa naging assumera, Elle?
"Would you like a glass of red wine with that, ma'am?" Agad akong umiling. Hindi naman ako tanga para ipagkanulo ang bata sa sinapupunan ko. Mas importante parin ang anak ko.
"That would be all." Ngumiti si Sir Rio sa waiter at umalis na ito. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maiwan nanaman kaming dalawa. Tumingin nalang ako sa city lights. Wala rin naman akong maisip na paguusapan namin e.
"Elleanor," napalunok ako ng sabihin nito ang pangalan ko. Bakit ang ganda ganda ng pangalan ko kapag siya ang bumabanggit?
Anak, bakit sa lahat ng tao dito pa kita ipaglilihi? Pwede namang sa prutas nalang anak diba?
"Salamat sa pagsama saakin." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Eto nanaman siya.
"I asked you out because I really wanted to say sorry about last night. Lasing ako at hindi kita dapat hinalikan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. "Nalasing nanaman ako kakaisip sa isang babae na nakilala ko dati. Pinahanap ko na siya sa private investigators pero hindi parin nila siya mahanap." Halata sa mata niya ang lungkot.
So hinalikan niya ako kagabi pero iba ang babae na naiisip niya? Aray.
"Baka po kasi ayaw magpakita nung tao?" Sinubukan kong walang bakas ng inis ang boses ko. Hinila ko ang kamay ko at ipinagsakop.
"I don't know. Hindi ko alam kung bakit ko rin siya hinahanap. I just knew in myself that what we had that night was special." Kailangan ba talaga niyang sabihin ito saakin?
Mabuti nalang natigil ang aming paguusap nang dumating na ang pagkain. Sinimulan ko nalang lantakan ang steak. Minsan lang ang ganitong pagkakataon na makatikim ng pagkain ng mayayaman kaya talaga inubos ko ang pagkain sa harap ko. Kita naman ang tuwa sa mukha ni Sir Rio habang pinapanood ako.
**
Matapos ang aming dinner ay lumabas kami sa balkonahe ng restaurant kung saan mas kita mo ang city lights.
"I wish I could see her again." Kita sa mata niya ang lungkot ng sabihin iyon ilang minuto ang makalipas nang lumipat kami.
Anong meron ang babaeng iyon at gusto niya makita uli?
"Sir, bat niyo po sinasabi saakin ito?"
"You heard me and mamita talking, right?" Sumulyap siya saakin. Hindi ko pa alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko naman lubos na napakinggan ang pinaguusapan nila. "Bago ko makuha ang kabuuan ng kumpanya, kailangan ko munang ikasal. At ayoko sa lahat ng nirereto niya saakin. I only want the woman I met before."
__
Nikie's Note:
Hi! Comment what you feel about this chapter. Reading it helps alot on the next chapter. :))
BINABASA MO ANG
One Night Mistake
Teen FictionThis story may contain words that is not suitable for very young audiences. --- Photo credits to the rightful owner.