Chapter Fourteen

715 10 1
                                    

Naisuka ko ata lahat ng pagkain na kinain ko mula kahapon. Kaya ng lumabas ako sa banyo ay hinang hina ako. Muntik pa akong matapilok mabuti nalang nahawakan ako agad ni Amy kundi baka tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

Hindi na umayos yung pakiramdam ko simula tanghalian. Marami akong dapat gawin dahil dinagsa kami ng mga guests pero tila may sariling mundo ang katawan ko at ayaw akong pagtrabauhin. Wala akong natapos na trabaho dahil narin minu minuto ata ay pumupunta ako sa banyo para umihi. Mabuti nalang mabait si Amy na kasama ko ngayon. At alam niyang masama ang pakiramdam ko kaya pinagbibigyan niya akong magpahinga.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tumaas ang tingin ko ng may marinig na magsalita. Nakita ko si Kuya Sandro na nakatingin kay Amy.

"Hindi pa. Sabay kami ni Elle." Tumango si Kuya Sandro at tinapunan ako ng tingin. Kaya napaayos agad ako ng upo dahil ayokong mahalata niya na may sakit ako.

"Mag-ingat kayong dalawa." Tumango ako sa kaniya at tinignan niya uli si Amy bago naglakad palayo.

Nang wala na sa paningin namin si Kuya Sandro ay tumingin saakin si Amy na nakapameywang.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong sabihin na may sakit ka. Tao ka lang rin, Elleanor."

Pinakiusapan ko kasi siyang huwag banggitin sa mga kapatid ko ang masama kong pakiramdam. Ayoko kasing maging pabigat sa pamilya ko. At pipilitin lang nila akong magpatingin sa doktor. Sayang lang sa pera.

Sabay kaming nag-out ni Amy. Dumaan muna kami sa locker para makapagbihis at makuha ang aming gamit.

Matapos kong magbihis ay lumabas ako sa cubicle. Naabutan ko si Amy na mukhang malalim ang iniisip. Tumingin ito saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Elle, hindi naman sa kung ano iniisip ko ha. Pero mas okay na sigurong alam natin."

"Ha?"

"Subukan mo to, Elle. Pero kung ayaw mong gawin, maiintindihan ko naman." May iniabot siyang isang maliit na kahon. Hindi ako mangmang para hindi alam kung ano iyon. "Hindi naman sa pinangungunahan kita. Pero napapansin ko na kasi yung palagi mong pagpunta ng banyo, ang pagiging maselan mo sa amoy at pagkain. Hindi ka naman ganun noong una tayong nagkakilala pero bigla kasing nagbago. Kaya siguro ito na yung time para malaman natin kung totoo nga ang hinala ko."

Ayoko sanang gawin. Ayoko sanang malaman kung totoo. Ayoko sana ang isasagot ko.

Pero may parte saakin na gusto ring malaman yung totoo. May parte saakin na gustong malaman kung nagbunga nga ang kagagahan na ginawa ko sa maynila.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang kahon. Tumingin uli ako kay Amy bago niya ako tanguan. Pumasok muli ako sa isang cubicle. Matagal kong tinitigan ang kahon bago buksan iyon at gawin ang nakasulat sa instructions.

Lumabas ako ng cubicle para doon namin malaman ang resulta. Hindi ko ata kakayanin kung ako lang mag-isa.

Matapos lang ang ilang sandali ay mayroon  ng nakalitaw na guhit. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng tuluyang makita ang klarong guhit sa pregnancy test.

Matagal kaming hindi nagsalita ni Amy at nakatingin lang sa maliit na aparato na may dalawang guhit sa dulo.

Agad pumasok sa isip ko kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ito. Hindi nila alam ang ginawa ko sa maynila. Ayokong malaman nila ang ginawa ko. Pero paano ko pa maitatago kung may bata ng kasama?

Hindi ako umimik at basta nalang iyon itinapon sa basurahang malapit. Lumabas ako ng banyo na tinatawag ni Amy ang aking pangalan.

Noong una hindi pa ako makapaniwala dahil isang beses lang naman ang nangyari na iyon pero sa natatandaan ko, mabilis ang mga pangyayari noong gabing iyon at hindi ko rin maalala na gumamit ng proteksyon ang lalakeng kasama ko.

"Elleanor." Tumigil ako sa paglalakad ng mahawakan ni Amy ang braso ko. Kasabay ng pagharap ko sa kaniya ang pagbagsak ng mga luha na kanina ko pa palang pinipigilan.

"H-hindi. Wala to sa p-plano ko. Hindi ako dapat mabuntis. Amy, anong gagawin ko?" Niyakap ako ni Amy.

Nang medyo mahimasmasan na ako ay nagawa ko ng magkwento kay Amy. Naupo kami sa isang bench at hawak niya ang kamay ko habang ako'y nagkekwento.

Di ko mapigilang maiyak kaya hinahagod niya ang likod ko para pakalmahin ako.

"Alam kong mali yung nagawa ko. Pero kinalimutan ko na muna dahil para iyon kay Tatay. Kasi kung hindi ako gumawa ng paraan noon, maaring mamatay si Tatay. At mas lalong hindi kakayanin ng konsensya ko kung wala akong nagawa."

"Tama na. Huwag ka ng umiyak, Elle. Ang magagawa nalang natin ngayon, ay alagaan ang baby na nasa sinapupunan mo."

"Amy,"

"Hindi, Elle. Huwag mong isipin na ipalaglag ang bata na iyan. Wala siyang kasalanan. Nandito lang ako. Tutulungan kita."

"Ayokong maging pabigat sayo."

"Ano ka ba. Magiging inaanak ko ang batang dinadala mo."

Tama.

Ako ang nagkaroon ng kasalanan at hindi ang batang dinadala ko.

___

:)

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon