Hindi pumasok si Coleen sa mga sumunod na araw. Umalis rin ito sa apartment at buti nalang nagtetext naman ito saamin na okay lang siya. Sabi nga ni Angeline, marahil mas gusto nito na mapagisa ngayon.
Pagkatapos kong magluto ng tanghalian ay ginising ko na ang mga kasama ko sa bahay. Sabay sabay kaming kumain ng niluto ko.
"Elle, bakit parang mas lalo kang pumayat?" Napalunok ako sa tanong ni Angeline. Tumingin rin saakin si Sasha na may kunot sa noo.
"Parang tumataba nga ako e." Sabay palobo ng aking pisngi.
"Mas pumayat ka. Ginugutom mo ba ang sarili mo?" Umiling ako at sumubo nalang uli ng pagkain. Nag busy busyhan ako sa pagkain para hindi na nila uli ako matanong.
Nagsimula na ang klase ng mga kapatid ko at gusto ko mang kumain ng marami kapag pagod ay iniipon ko nalang ang pera para maipadala sa kanila. Ayoko naman na busog nga ako pero nagugutom naman ang pamilya ko.
"Elleanor." Natigil ako sa pagsubo ng tawagin ang pangalan ko. "Kung kailangan mo ng tulong magsabi ka lang."
Ngumiti ako bago hawakan ang kamay ni Sasha. "Ano ka ba. Okay nga lang ako. Madalas kasing pagod ako kaya tinatamad na akong magluto ng pagkain ko."
"Hayaan mo, babalik naman na si Joko kaya magkakalaman na ref natin sa susunod na buwan." Ngumiti si Sasha at Angeline kaya ngumiti nalang uli ako.
Nang matapos kami magtanghalian ay naghugas na ako ng pinagkainan. Nagayos naman na yung dalawa para makapasok kami mamaya. Madalas talagang ako ang taga luto at taga ayos ng bahay na ito dahil masyado silang busy na tatlo. Ibang iba na nga ang ichura ng bahay na ito sa unang pagapak ko rito e.
Habang hinihintay silang matapos magayos ay kinamusta ko muna ang pamilya ko. Ilang araw narin simula ng makatawag si Tatay saakin. Gusto ko rin mang araw-araw silang kamustahin ay itinatabi ko nalang ang pang load.
"Hello, Ate?" Ang nakababata kong kapatid na si Honey ang sumagot. Narinig ko naman ang ingay ng iba ko pang kapatid.
"Honey kamusta kayo jan? Nagaaral ba kayo ng mabuti?"
"Opo ate. Kakauwi lang po namin at sasama ako kay Nanay para maglaba kina Aling Loleng."
"Ganun ba? O sige magiingat kayo ni Nanay. Si Tatay ba nanjan? Pwede ko ba siyang makausap?"
"Wala pa si Tatay, ate. Mamayang gabi pa iyon makakauwi galing sa trabaho. Ate, aalis na kami ni Nanay. Saka nalang uli tayo magusap. Magingat ka lagi jan, ate."
Bago pa ako makasagot ay pinatay na ni Honey ang tawag. Napanguso nalang tuloy ako dahil gusto ko pa sanang kausapin si Nanay at ang iba kong kapatid. Mukhang nagmamadali na sila kaya hindi na ako nag-abala pang tumawag uli.
Sakto rin namang tapos ng mag-ayos sina Sasha kaya sabay sabay na kaming pumasok sa trabaho. Naka taxi uli kaming pumasok at gaya ng dati hindi muli nila ako pinabayad. Nahihiya na nga ako dahil ilang araw na kaming ganito. Ipilit ko mang magbayad ay ibinabalik naman nila saakin ang pera ko.
---
Nasa kalagitnaan ako ng pagmimix ng alak ng may matandang lalake ang lumapit sa bar counter. Ngumiti ako sa kaniya dahil akala ko oorder ito pero nagabot lang ito ng isang pirasong papel.
"You're beautiful. If ever you want a job just contact me." Pagkatapos ay umalis na ito. Kinuha ko nalang ang ibinigay niyang papel at ibinulsa.
Noong naglalaba nalang ako ng damit saka ko nakapa ang papel sa bulsa ng pantalon ko. Nabasa na ang pantalon kaya medyo nabasa rin ang papel. Itinabi ko nalang muna iyon at ipinagpatuloy na ang paglalaba.
Pagkatapos kong maglaba ay naligo na ako para makapasok na ng trabaho. Buong araw na wala akong kasama sa bahay. Hindi umuwi sina Sasha at Angeline kagabi habang ilang weeks ng hindi umuuwi si Coleen.
Nang masigurado kong nakakandado na ang aming apartment ay naglakad na ako papunta sa sakayan ng trisikel. Hindi nakawala sa pandinig ko ang pito ng mga lalake na nagiinuman sa may tindahan. Lagi naman silang ganyan basta lalabas kami. Alam kasi ng mga ito kung saan kami nagtatrabaho kaya madalas rin kaming nababastos. Sabi nga ni Sasha, huwag nalang namin pansinin para hindi gumawa ng gulo.
Tumigil lang ang sitsit nila ng huminto ang motorsiklo ni Jake sa harap ko. Ngumiti lang siya saakin at iniabot ang isang helmet.
Magdadahilan pa sana ako pero siya na mismo ang nagsuot saakin. Hila niya narin ang kamay ko para makaupo ako sa motor niya.
Nang maparada niya na ang motor malapit sa bar ay bumaba narin ako. Tinanggal ko na ang helmet at iniabot sa kaniya. "Salamat, Jake." Nang makuha niya na ang helmet ay tumalikod na ako.
Natigilan lang ako ng hawakan niya ang braso ko. "Elle." May kung anong tumatakbo sa isip ko pero binalewala ko iyon. Nakangiti ako rito nag lingunin ko uli ito. "Gusto kita, Elle."
BINABASA MO ANG
One Night Mistake
Teen FictionThis story may contain words that is not suitable for very young audiences. --- Photo credits to the rightful owner.