Chapter Nineteen

443 9 1
                                    


Nakapikit ito at mabagal na gumagalaw ang malambot na labi sa labi ko. "Elleanor," banggit nito sa pangalan ko matapos ang ilang sandali. Humawak siya sa pingi ko at hinalikan akong muli. Unti unti akong napapikit at mas dinama ang mabagal na paghalik nito. Hindi ko alam kung gaano iyon katagal basta ang alam ko lang ay naghiwalay lang ang aming labi ng kinailangan na namin ng hangin. Isinandal nito ang noo saaking noo bago magbukas ng mata at ngumiti uli. "It's really you." Humalik ito sa pisngi ko bago nakatulog sa balikat ko.

Ilang minuto rin akong parang tuod na takot magising si Sir Rio. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong gawin e. Iwan ko ba siya dito? Ipunta sa room niya? May room ba siya dito sa hotel? Humingi ng tulong?

Gagawin ko na sana yung unang pumasok sa isip ko pero nakakaawa naman kung dito siya magpapalipas ng gabi.

Buti nalang may guard na nakakita saamin. Nakakahiya pa nga dahil naabutan niya kami sa ganung lagay.

"Sir?" Tapik niya kay Sir Rio pero tulog na tulog ito at humihilik pa. "Nako ma'am, kailangan nating iakyat sa taas si Ser. Meron po akong susi ng suite nito." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni manong guard.

Hindi ko na sana gustong sumama sa paghatid nito pero alam kong mababagabag ako ng consensiya ko kung di ko ito makikita na tulog sa sariling kama.

"Maiwan ko na po kayo ma'am." Nagpasalamat ako kay manong guard bago balikan si Sir Rio sakaniyang kama.

Tinanggal ko ang sapatos niya bago kumutan. Nang sa tingin ko'y okay na siya, lumabas narin ako ng room niya at bumalik sa room namin ni Amy.

**

Antok na antok ako pagpasok sa venue. Sanay na si Amy na lagi akong inaantok kaya hindi na ito nagtanong. Hindi niya rin naman ako namalayan kagabi e kaya walang tanungan na naganap.

"Gusto mo ba ng kape?" Tumango ako kay Amy na patayo na sana pero biglang natigil ng may kamay na nagbaba ng isang tasa ng kape saaming lamesa. Tinignan ko yung tao at namula ng dumaan lampas saamin si Sir Rio. Mas lalo akong nagbaba ng tingin ng may mga attendees na nagbubulungan at nakatingin saamin.

Nagtaas lang ako ng ulo ng maramdaman ang kurot ni Amy sa hita ko sa ilalim ng mesa. Pinandilatan ako ni Amy ng mata ng magsalubong ang aming tingin. "Bakla ka. Ano yon?" Bulong nito at mas lumapit saakin. "Bat may pa kape?"

"Amy." Tinignan ko ito ng masama para hindi na ako asarin. Pero akala ko lang pala iyon, nang magtanghalian na, bago pa kami makakuha ng pagkain ay hinila na ako ni Amy papasok sa CR.

"Bakla ka ng taoooonnn. Ano yon! Bat may pabigay ng kape? Bakla kaaa" ngumiti ako kahit na maging ako ay hindi alam kung bat iyon nangyari.

"Ewan ko?"

"Mamaya ka sakin, Elleanor. Walang matutulog hanggat hindi ka nagkekwento." Umirap ito bago ako hilain palabas ng banyo.

Sinubukan kong makinig sa speakers pero nakukuha ni Sir Rio ang pansin ko. Hindi rin mawala wala sa isip ko yung mga sinabi at ginawa niya kagabi. Iyon ang numero unong dahilan kung bakit hindi ako halos makatulog kagabi.

Bumabagabag saakin ang mga sinabi nito kagabi. Bakit parang kilala niya ako at matagal ng hinahanap? Pero pangalan ko ang binanggit niya kagabi. Pero malay rin natin na may iba pa siyang kilalang babae na kaparehas ko ng pangalan.

Huwag ka ng nagooverthink, Elle. Lasing lang siya kagabi.

Parang gusto kong manlumo dahil sa naisip. Marahil hindi rin naman nito alam kung anong nangyari kagabi. Ni hindi nga mukhang kinulang ito sa tulog o nalasing kagabi e.

"Matunaw." Nilingon ko si Amy na nagsalita sa tabi ko. "Pinaglilihian mo ba si Sir Rio?"

Umikot ang mata ko at hindi natuwa sa sinabi ni Amy. Sa sinabi ni Amy o sa pumapasok sa utak ko? Hindi ko na alam.

"Mauna nako sa room natin, Amy. Hindi maganda ang pakiramdam ko." Simpleng ngiti lang ang ibinigay ko sakaniya at sa mga kasama namin bago tuluyang umalis sa lamesa.

Agad kong pinindot ang elevator para makarating saaming floor. Pumasok ako sa elevator ng magbukas iyon. Pinindot ang number ng aming floor at umurong sa gilid.  Nakatingin lang ako sa sahig dahil nagbabadya na ang luha saaking mata at ayokong makita ninoman. Gumalaw ang elevator na nagpapahiwatig na mayroong sumakay.

Nagpunas ako ng mata at tinignan ang pares ng sapatos sa harap ko. Napaigtad ako nang pagtaas ko ng ulo ay mukha ni Sir Rio ang nakita.

"S-Sir."

"Why are you leaving?"

Dahil sayo. Kagabi mo pa binabagabag ang isip ko.

"Sumama po kasi pakiradam ko, Sir. Ipapahinga ko lang po sa room namin." Matipid akong ngumiti dito kahit iba ang gusto kong sabihin.

"Manong raul said what happened last night." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. "I'm sorry about yesterday, Elleanor. I'm too drunk and should have not done what I did."

Aray.

Parang may dumidikdik sa dibdib ko at nagiinit ang mata ko. Huminga ako ng malalim at tinignan uli siya. "Wala po iyon, Sir." Umiwas na ako ng tingin at mabuti nalang tumigil ang elevator kung saan ang floor ko. "Sige po." Hindi ko na ito nilingon.

Pagkalabas ko ng elevator ay nag-unahan na ang luha ko sa pagtulo. Para akong bata na iniwanan ng magulang sa paraan ng paghagulgol ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bat ang sakit?

Frustrated kong binato ang  keycard ko ng ilang ulit ayaw tanggapin iyon ng pinto ng room namin. Nanlalabo na ang paningin ko kakaiyak.

Amy nasan ka na ba?

Narinig ko ang tunog ng pinto at papasok na sana pero may pares ng kamay na humila saakin. Mahigpit akong niyakap ng taong humila saakin at sa init ng yakap na iyon, mas inilabas ko ang mga luha ko.

"Hush, Elle." Nanlamig ako ng mabosesan ang taong nakayakap saakin. Lumayo ako tama lang para makita at makumpirma kung sino ito.

"Why are you crying?"

__

Nikie's Note:

Bumabawi naman ako sa updates diba?
Let me know how you feel about this chapter.  Comment pleaseee 🙂

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon