Chapter Eight

1K 9 2
                                    

Matapos naming maghapunan ay nagkayayaan sila Coleen na maginuman. Hindi sana ako sasama dahil napagod ako kaka gala pero mas ayoko naman na maiwan sa apartment namin.

"Eto gamitin mo." Hinulog ni Coleen ang isang paper bag sa kandungan ko. "Pupunta ka ng bar hindi sa school."

Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa kwarto para makapagbihis. Baka kung ano pa ang sabihin nila saakin kung hindi ko sila sundin. Paglabas ko ng kwarto ay naglalagay na sila ng make-up. Hinila narin ako ni Angeline at pinaupo sa harap ng salamin na maraming ilaw.

"Pikit." Sinunod ko ito at pumikit nalang. Medyo nasasanay narin ako sa paglagay nito ng make-up sa mukha ko. Hindi narin nangangati ang mukha ko di katulad dati.

"Pucha, Elleanor. Nakakatibo ka!" Dumilat ako at ang una kong nakita ang mga mukha nilang manghang mangha sa mukha ko. Hindi naman na ako naninibago kapag si Angeline ang nagmemake-up saakin. May paraan kasi ito na hindi mo aakalain na ako. Ewan ko ba, hindi rin ako makapaniwala noong una e.

Pagkalabas namin ng apartment ay may sumalubong saaming itim na magarang sasakyan. May dalawang lalake na nakabaang roon at ng makita si Coleen ay sabay na tumango.

"Nakng! Hoy, Coleen! Saan galing to?" Ngumiti lang si Coleen at basta nalang kaming tinulak para makapasok sa sasakyan. Nakakalula. Ngayon lang ako nakapasok sa isang sasakyan na ganito kahaba at kagara.

"Magsabi ka nga ng totoo, saan galing to?" Mahinang sabi ni Angeline habang sinisiko si Coleen. Hindi naman uli nagsalita si Coleen at basta nalang may inabot saaming mga baso.

"Treat ko ngayong gabi. Let's just have fun, okay? Huwag na puro tanong." Iiling iling nalang sila Sasha na tinanggap ang baso at ininuman. Ganun din ang ginawa ko.

Hindi pa kami nakakalapit sa napiling bar ni Coleen ay rinig na ang ingay mula sa loob. Marami ring tao sa labas na puro nagsisigarilyo.

Ibang iba sa bar na pinagtatrabahuhan namin.

Nakaupo kami sa isang letter C na couch habang maraming alak sa maliit na lamesa sa gitna. Nagsimula ng maghain ng alak si Coleen sa baso.

"For starters girls. Bottoms up!" Huminga muna ako ng malalim bago tunggain ang alak sa maliit na baso. Dumaloy ang init non sa aking lalamunan kaya napapapikit rin ako sa pinaghalong sarap at pait.

Nakailang tungga muna kami bago nagkayayaan na sumayaw. Tumanggi ako ng yayain nila ako. Hindi naman kasi ako marunong sumayaw at walang magbabantay sa mga gamit namin na nakakalat sa lamesa.

Nakaupo lang ako at magisang inuubos ang isang bote ng vodka. Simula talaga noong pumunta ako rito sa maynila at nagkatrabaho sa isang bar ay tumaas na ang tolerance ko sa alak.

Bumalik sila Angeline at sumalampak sa upuan. Mukhang napagod silang magtatatalon sa dance floor. Pagkaupo rin ni Coleen ay nagsalin agad ito ng alak. May balak atang lasingin kaming lahat.

"Kanina pa tumitingin yung nasa kabilang table." Sasha. Tumingin ako sa kabilang table at nakumpirmang nakatingin nga sila saamin. Lima silang puro lalake at nakangisi saamin. Nakatitigan ko ang isa at kinindatan pa ako. Pero sanay na ako sa mga ganyan kaya wala nalang saakin.

"Makikipagkilala lang ako." Tumayo si Angeline at lumapit sa table ng mga lalake. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil sinunod sunod ni Coleen ang pagbigay ng shot saakin.

May balak ba siyang lasingin ako?

"Girls," malakas na boses ni Angeline ang kumuha sa atensyon namin. Kasama na nito ang mga lalakeng nasa kabilang table kanina. "Si Luigi, Carl, Alex, Mike at Dennis." Turo nito isa isa.

"Sasha, Coleen at Elle." Nakangiti lang ako noong ipinakilala kami. At nang sumali na ang mga lalake sa table namin ay nagkanya kanya ng mundo. May sarisarili na silang kausap na lalake. Katabi ko parin naman si Coleen dahil hindi parin ako kumportable na may katabing ibang lalake.

Nang mas lumalim ang gabi at dumami ang bote ng alak saaming lamesa, mas naging wild ang mga kasama ko. Si Sasha nagsasayaw sa dance floor kasama si Mike. Si Angeline at Dennis ay naghahalikan. Si Coleen, Alex at Carl ay nagdaldalan. Kami lang ni Luigi ang tahimik. Ang awkward nga dahil napaligiran kami ng mga kaibigan namin na maiingay.

"Taga saan ka nga uli, Elle?" Lumapit si Luigi para magkarinigan kami. Pero dahil sobrang lakas ng music ay kahit magsigawan kami ay hindi kami magkakaintindihan.

"Gusto mo bang lumabas muna?" Napakagat ako sa labi ko bago tumango. Mukha namang mabait si Luigi kaya pumayag nalang akong lumabas.

Laking ginhawa ng makalabas na kami ng bar. Hiwalay sa ingay. Sumandal ako sa pader dahil umiikot ang paningin ko. Hindi naman lingid saakin kung gaano kadaming alak na ang nainom ko e. Pero dahil dahan dahan ako sa paginom ay hindi pa ako nalalasing. Nahilo lang dahil ngayon lang ako tumayo.

"Taga saan ka uli, Elle?"

"Uhm... Taga cebu ako."

"Hmm... Cebu." Sabi nito bago magbukas ng pakete ng sigarilyo. Inabutan niya ako pero humindi ako dahil hindi naman ako naninigarilyo. Nagsindi ito at umihip muna bago ako tignan. "Daming magaganda doon. No wonder you're beautiful."

"Salamat."

"Are your friends sex workers?" Nanlaki ang mata ko sa tanong nito. Hindi ko rin alam kung bakit pero bigla itong tumawa habang nakaturo sa mukha ko. "I know you're different from them, Elle. You're too innocent." Humawak ito sa pisngi ko at tinitigan ako sa mata. Wala sa sariling napakagat ako sa labi dahil sa intensidad ng titig nito.

Nakakalula ang titig nito.

"ELLE!" Nawala ang titig ko kay Luigi ng may humila sa kamay ko. Nakita ko nalang si Jake na nakikipagtagisan ng titig habang hawak ang isang kwelyo ni Luigi.

"Jake!"

"Boyfriend mo to, Elle?"

"H-Hindi. Kaibigan ko siya." Humawak ako sa kamay ni Jake na nakakwelyo kay Luigi. "Jake, bitaw na." Ng mapatingin ito saakin ay umiling ako. Hindi siya dapat basta basta nalang nangkekwelyo ng tao.

"Bro, kaibigan ka lang pala e." Pinagpag ni Luigi ang nalukot na damit bago ako tignan. "Mauna na ako sa loob, Elle."

"Pasensya na, Luigi." Ngumiti nalang ito saakin bago pumasok uli sa bar.

Tinignan ko naman si Jake na nakasandal na ngayon sa pader. "Bakit mo ginawa yun, Jake? Wala namang ginagawa saakin si Luigi e."

"Hindi ko na alam, Elle. Sobra na kitang mahal."


____

Nikie's Note

Hi! Uunti untiin ko ang publish ha? Hehe marami pa akong stories na kailangan rin ng pansin. 💕

:))

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon