"I remember you. You were the one who saved me. Hinding hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng sumagip saakin sa comfort room." Ngumiti siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Lumapit rin saamin si Ms. Tammy at tinitigan ako bago nanlaki ang mata nito.
"Madam, oo nga!"
Nanlaki rin ang mata ko ng maalala kung ano ang sinasabi nila. Ngayon naaalala ko na kung bakit pamilyar siya saakin. Tinulungan ko siya ilang buwan ng nakakaraan. Kaya pamilyar rin saakin si Ms. Tammy.
"Nagpapasalamat ako at may nakakita saakin na nawalan ng malay. May nakapagtawag ng tulong. Kung hindi dahil saiyo, hija, baka wala na ako sa mundong ito. Kaya maraming salamat, Elleanor."
"Walang ano man po, madam."
"O siya, marami pang araw para makapagusap tayong dalawa. Alam kong importante ang convention saiyo. Maraming salamat uli, Elleanor." Ngumiti uli saakin si Madam bago tignan si Ms. Chris.
"Anong nangyari?" Bungad saakin ni Amy pagkabalik ko sa venue.
"Mamaya ko nalang ikekwento." Ngumiti ako kay Amy at nakinig na.
Hindi parin ako makapaniwala na ang babae na natulungan ko dati, ang nagmamay-ari pala ng isa sa pinaka malagong kumpanya sa buong bansa. Sino ba namang magaakala na makikilala niya ako?
Natapos ang isang araw na kinukulit ako ni Amy para magkwento. Saka ko lang naikwento sa kaniya noong nakapasok na kami saaming room. Ayoko kasing may ibang makarinig dahil baka iba ang isipin nila.
"Talaga?! Gaga ka! Pinakaba mo ako! Akala ko may iba ng nangyari." Saktong tumunog ang cellphone niya kaya napatingin kami pareho doon. "Halla si Madam!"
"Hello po, Madam?" Kinakabahan rin tuloy ako na nakatingin sa kaniya habang kausap si Madam Aileen. "Kakausap ko po kay Elleanor, madam. Wala po palang problema... Opo. Eto po si Elleanor." Iniabot saakin ni Amy ang cellphone.
"Elleanor? Naikwento kasi saakin ni Amy na pinatawag ka ni Chairwoman. Eto namang si Amy kahit ano ang naikekwento saakin kaya akala ko nagkaroon na ng problema. Okay lang ba kayo jan?"
"Madam, okay lang po. Natulungan ko po si Madam dati kaya nagpasalamat po siya saakin. Okay lang po kami rito. Huwag niyo po kaming alalahanin." Tinignan ko si Amy na naka peace sign na ngayon.
"Ganun ba? Oh siya sige. Alagaan niyo ang sarili niyo jan. Lalo ka na." Natahimik ako ng marinig ang huling sinabi ni Madam.
"Ano po?" Paano? Alam nila? Alam na kaya nila Nanay?
"Elle, napagdaanan ko ring mag-buntis. Kahit hindi mo sabihin saakin, alam ko. Oh siya, magpahinga na kayo." Namatay na ang tawag at nakuha na ni Amy ang kaniyang cellphone saakin pero hindi pariin ako nakakapagsalita.
Kung madali lang para kay Madam na malaman ang pugbubuntis ko, paano pa sila nanay na lagi kong nakakasama sa bahay?
"Elle, pasensya ka na ha. Hindi ko talaga sinabi sayo na alam na ni Madam na buntis ka. Kasi naman sobrang stress mo noon tas madalas kang maduwal. Hindi ko sinabi sa kaniya. Siya ang nakaalam tapos tinanong niya ako. Wala na akong ibang sinabi. Hindi ko pinaalam sa kaniya kung anong nangyari dati. Lahat ng ikinwento mo saakin, dadalhin kong sikreto hanggang sa libingan ko." Huminga ng malalim si Amy matapos sabihin ang lahat ng iyon.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Okay lang iyon. Alam ko rin namang may makakaalam parin kahit gaano ko itago." Kahit gaano ko gustong itago l pamilya ko, malalaman parin nila. Pinaplano ko narin namang sabihin pagkauwi namin ni Amy.
**
Humihilik na si Amy sa katabi kong kama pero ako heto't nakailang baliktad na sa kama pero hindi parin makatulog.
Kaya napagpasyahan ko nalang na bumaba sa garden at magpahangin. Nagdarasal pa ako na sana hindi ko makasalubong ang isang tao.a
Pinili ko ang bench na inupuan ko rin dati. Tahimik ang kapaligiran kahit na may iilang sasakyan akong naririnig na dumadaan. Mahangin rin kaya tamang tama na nagdala ako ng jacket.
Tumunog ang pintuan papasok sa garden na nagpatayo saakin. Naghuramentado ang dibdib ko ng magtama ang tingin namin ni Sir Rio. Ngumiti ito bago lumapit sa kinaroroonan ko. Pagewang gewang siyang naglakad at muntik pang matumba buti nalang nahawan ko siya sa braso at nakaupo ng maayos. Dumaosdos ang kamay siya sa isa kong kamay.
Hawak niya ang kamay ko ng mahigpit. Gusto kong ialis ang kamay ko pero mas humigpit lang ang hawak niya.
Ngumiti muli siya at idinilat ang mata. Tinignan niya ako bago hawakan ang pisngi ko. "I have been looking everywhere for you." Ngumiti uli siya at inilapit ang mukha saakin.
Nanlaki ang mata ko ng lumapat ang malambot niyang labi saaking labi.
Hindi dapat ito nangyayari. Gising, Elleanor!
__
Nikie's Note:
HELLOOOOO! Been super busy with life lately so please cooperate with my not so fun update.
;)
BINABASA MO ANG
One Night Mistake
Teen FictionThis story may contain words that is not suitable for very young audiences. --- Photo credits to the rightful owner.